Chapter 8

9.8K 614 168
                                        

***PLEASE DON'T FORGET TO VOTE IF YOU LIKED IT!***

NOTE: PIC OF ANDREIA'S BRIDESMAID GOWN INCLUDED IN THIS CHAPTER!

CHAPTER 8

"Andreia, you've packed everything I asked you to bring?" my mom asked. I rolled my eyes. Ilang beses na niyang tinatanong yun simula kahapon. "Yes, mom. I've packed everything."

"How about the gift? Were you able to buy it?"

"Yep," I replied.

"Okay then. Have a safe flight, honey. See you soon."

I placed the phone back in my bag and grabbed the magazine I was reading. Nasa VIP lounge ako ng NAIA ngayon at nagiintay sa boarding ng flight ko. Medyo maaga ako dumating and I still have about an hour before boarding.

Since matagal pa naman ang hihintayin ko, binuksan ko muna yung laptop ko. The last week has been so hectic at puno din ng sakit sa puso. Hectic, kasi I tried to do some advanced work for my courses since mga two weeks akong mawawala. Sakit sa puso, because of Mike.

Fresh pa din yung break-up namin but every day, it gets a little easier. Buti na lang meron akong mga kaibigan na sobrang tinutulungan ako. I guess, being busy also helped.

When you're really busy, it takes your mind off the things that hurt. Then you try to live your life normally and time would pass. One day, you'll realize it doesn't hurt as much as it did before.

Dahil busy ako last week, hindi ko pa nasabi kay Reeve na break na kami ni Mike. He called several times pero saglit lang din yung pag-uusap namin. Busy din yata siya. At ewan ko ba, parang hindi ko lang talaga kayang sabihin sa kanya.

Hindi naman siya yung type na aasarin ako at sasabihan ng I told you so. Sa simula pa lang winarningan niya na ako kay Mike and it turns out tama siya. Ayoko lang sabihin maybe because of my pride na din.

So what I did was to post everything on my blog.

Gumawa ako ng sobrang habang post at doon ko na ibunuhos lahat. Yung buong storya nandun. Pati na din lahat ng sama ng loob ko at mga gustong sabihin. Nagulat ako nung andaming nagreact. Kung mabasa lang to ni Mike, malalaman niyang andami na niyang haters sa internet along with internet death threats.

Umulan din ang email ko ng sympathy letters. Maraming nagkwento about their own broken hearts. May mga kwento na mas malala pa sakin. Grabe yung effort ng mga readers ko at siguro isa na rin sila sa mga reason kung bakit mabilis ang pagheal ng puso ko.

After ng blog post ko na yun, gumawa ako ng follow-up post about love and relationships. Pati na din tungkol sa heartbreak. This post went viral. Shinare ng mga tao sa Facebook at Twitter na parang yung mga ThoughtCatalogue posts.

Sana may natutunan yung mga nagshare nun. Sana, hindi nila maranasan yung mga naranasan ko.

Since nakaopen na din naman yung blog ko, nagsimula akong magtype ng bagong post. Maiksi lang naman yung post ngayon. Shinare ko lang na pupunta ako ng Las Vegas and I would take this opportunity to travel and heal my broken heart.

Sinabi ko na din na mag-expect sila ng mga post about Las Vegas soon kasi sure akong iikutin ko ang famous City of Sin. After ko yun maipost, sinara ko na yung laptop and leaned back on my seat. Tinignan ko yung watch ko at thirty minutes na lang before boarding.

A few minutes later, my phone rang.

My heart did this little back-flip when I saw that it was Reeve.

"Hey," bati niya.

Distance Is Just A Number [Taglish]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon