***VOTE IF YOU LIKE THE STORY, GUYS! PLEASE AND THANK YOU!***
CHAPTER 11
Reeve grinned from ear-to-ear as he walked towards me.
Ako naman, hindi makahinga. Para akong nilulunod. Parang biglang sobrang higpit ng damit ko at para akong sinasakal. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na feeling ko aatakihin na ako sa puso kahit na ang bata ko pa.
When Reeve reached my side, a dozen camera flashes went off. Sinubukan kong ngumiti pero baka pilit ang labas sa pictures kasi sobrang kinakabahan talaga ko.
Hindi ko na nga maintindihan yung sinasabi ng host. Naririnig ko syang nagsasalita at narinig kong tumatawa yung mga guests. Pero ako nasa loob pa din ng sarili kong mundo.
Reeve took my hand and that snapped me out of my trance.
"Are you ok?" bulong niya.
Malamang hindi!
Pero hindi ko naman pwedeng isagot yun kaya ngumiti na lang ako at tumango. Lumuhod na si Reeve sa harap ko at nagpanic nanaman ako nung makita ko yung garter. Joskopo hihimatayin ata ako nung nakita kong hawak niya yung hem ng gown!
Napalunok na lang ako.
I felt his hand on my ankle and there was this spark of electricity that shot directly up my spine. Kanina, nagyeyelo na yung dugo ko sa kaba pero ngayon para akong binuhusan ng mainit na tubig. At tulad ng yelo, unti-unti akong natutunaw.
"Lift your foot for me, Drei?" bulong niya na may kasamang ngiti.
Pero yung ngiti niya hindi yung ngiting manyak. Parang ngiti ng isang taong sinagot ng girlfriend niya tapos hanggang ngayon di pa din sya makapaniwala. Eh ako naman, ano kaya ang itsura ko? Siguro mukha akong taong muntik nang masagasaan ng bus.
Tinaas ko na yung paa ko pero muntik akong maoff balance kaya hinawakan ko yung pinakamalapit na bagay. Actually tao pala. Kasi si Reeve yun. Napahawak ako sa balikat niya para hindi ako sumubsob sa sahig.
Nagulat ako nung binitawan ako ni Reeve. Lumakad sya palayo at kinuha yung pinakamalapit na silya. Tapos pinaupo niya ako at lumuhod ulit sa harap ko.
Napabuntong-hininga ako.
Kahit sa ganitong bagay, gentleman pa din. Sino ba namang hindi kikiligin, di ba? Narealize ko lang na para akong tanga. Lahat ng single na babae gustong masalo yung bouquet. Tayong mga Pilipino, may pamahiin kakabit sa bouquet. Pero yung mga foreigner na nandito, di naman nila alam yun. Kung alam man nila, di naman nila sinusunod yun. Gusto lang nila makuha yung bouquet for fun.
Tapos kung sila nga ang makakakuha, sunod nun ay hihilingin nila na gwapo yung makakakuha ng garter. Na sana magkakilala sila tapos instant romance. Di ba ang dami ng pelikula na ganito ang tema? Lahat sila tuwang tuwa tapos eto ako mamatay matay na sa nerbyos.
At bakit nga ba ako kinakabahan eh si Reeve naman to?
Huminga ako ng malalim. Kaya ko to!
Naramdaman ko ulit yung kamay nya sa paa ko and all thoughts flew out the window. Andun nanaman yung kuryente... yung kakaibang feeling. Reeve lifted my foot and I saw him slip the garter around my ankle. Tapos dahan dahan niya itong tinaas.
Kakaiba talaga yung feeling habang tinitignan ko siya. And all the time, I was holding my breath. Gamit yung isa niyang kamay, hawak niya yung hem ng dress ko para hindi umangat at hindi makita ng ibang tao. Pero yung isa naman, dahan dahang inaangat yung garter. He stopped when the garter reached my mid-thigh.
BINABASA MO ANG
Distance Is Just A Number [Taglish]
Teen FictionBest friend ko si Reeve since... forever. But when I was six and he was ten, his family had to go back to London. Before he left, he promised me that we would remain friends no matter what. Mahirap sa una. Pero habang tumatanda kami, nagaadvance din...