Chapter 20

7.3K 378 57
                                        

Note: Sorry natagalan ulit sa update. Super busy na sa work. :(( 

CHAPTER 20

- ☎ -

I think I'm in love.

I know it's too soon. I know I must be crying my heart out over a recently ended relationship. But I'm not. Instead, I have these butterflies in my stomach whenever I see him. He makes my heart melt and my knees turn to jelly. When we're together, I'm like a teenager with my first crush.

He's the best thing that ever happened to me. He's my best friend. He's that one person in the world who knows everything about the real me—not the side of me I show to everyone else.

No one's perfect... but for me he is.

I've written all these advice about love in this blog but it's like I threw all that out of the window. I guess I'm backtracking right now. Maybe when you're in love, you just know. All thoughts are thrown out the window and all those barriers you put up to defend yourself are dashed to bits.

Now I know why there are a lot of broken hearts out there. At first, I scoffed at all those comments. But now, I understand. When you are in love, you give your all. You hold nothing back and pray that he will really be the one and that this relationship will be the one that lasts forever.

Dear readers, I am in love. I know that now. It's taken me by surprise and I am terrified. But I want to be courageous. And like you, I pray every single day that this love is my forever and that this guy is that knight-in-battle-weathered armor that I've been waiting for.

- ☎ -

My fingers hovered over the keyboard while I read through my short article and thought of what to type next.

Sobrang saya nung mga nakaraang tatlong araw at feeling ko never kong maipapakita yung mga nararamdaman ko sa mga simpleng salita lamang. Habang nag-iisip, uminom muna ako ng inorder kong cold Chai Tea Latte at tumingin sa paligid.

Nandito ako ngayon sa coffee shop na kung saan ako pinilit kumanta ni Reeve dati. Pero ngayon, mag-isa lang ako. Umalis kasi siya kaninang umaga at madami daw siyang aasikasuhin. Okay lang naman sakin yun kasi naaintindihan ko naman. Sobrang saya nga ng mga nakaraang araw pero may isang bagay pa din akong di nakakalimutan: na magkaiba talaga kami ni Reeve ng mundong ginagalawan.

Hindi man to yung mala-telenovela na langit siya at lupa ako. Hindi lang kami pareho ng status sa alta-sociedad. At sa social circles na aming ginagalawan, napakalaking bagay nun.

Besides, I also welcomed the opportunity to be alone and write while Reeve is busy. Ang tagal ko na ding di man lang nabuksan tong laptop ko. Eh pano ba naman, kung saan-saan na kami napunta sa Las Vegas. Naikot na ata naming lahat at ang dami ko nang natanggal sa bucket list ko.

Prinint pa nga yun ni Reeve para daw may checklist kami. Sa tatlong araw sobrang dami na naming nagawa. Konti na nga lang ata yung natitira eh at mahaba pa ang bakasyon naming dito sa Las Vegas.

Inexplain ko naman na din kay Reeve na pang habangbuhay naman yung 100-item bucket list ko at na hindi naman naming kailangang tapusin lahat ngayon. But he was the type of person with a live each day as if it was your last mentality.

At rest day ko naman ngayon. Sobrang sumakit din ang katawan ko sa napakadami naming adventures. At yung puso ko, parang sasabog na sa kilig. As I've written in my article, Reeve is perfect for me in every way. But he could be really possessive and jealous too!

Dati nagreply lang ako sa text ni Ryan, sumimangot nanaman sya ng todo at nilagay ako sa silent treatment. Nakakaloka lang. Eh di hindi ko din siya pinansin. But he did apologize for his temper and everything was okay.

Distance Is Just A Number [Taglish]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon