***PLEASE VOTE IF YOU LIKED IT!***
Dedicated to @TheDuchessofDonts My fellow Wattpad Ambassador. Salamat sa pagbabasa, Nicole! :)
CHAPTER 14
Day three since I saw Reeve again.
Kahapon after shopping, dapat lalabas kami pero biglang may tumawag sa kanya at naging busy na siya. Wala siya buong dinner at hindi ko na din siya nakita buong gabi. Malapit nang maglunch ngayon at hindi ko pa din siya nakikita.
Di bale, I used that opportunity para makipagcatch-up kina mama at papa.
Napansin din pala ni mama yung sobrang daming shopping bags na inakyat sa suite ko. Nung nakita niya yun, parang luluwa yung mata niya sa laki. It was as if I could see her brain composing her lecture for me about spending. I held up my hands and told her that they were gifts and that I only spent money on a wallet as gift to Reeve.
Hindi makapaniwala si Mama na regalo lahat yun. Talagang tinawagan pa niya yung credit card company. Nung nalaman niya naman na inosente ako, niyaya niya ako maglunch. And so here we are.
"So... What's going on between you and Reeve? Bakit ang dami niyang regalo sayo?" tanong ni Mama.
"Wala po, ma. We're best friends. Naaalala mong magkababata kami di ba?"
"Yes. I remember. But bestfriends don't give so much gifts like that," sagot ni mama.
"Sabi ko din sa kanya yun eh. Ni hindi ko alam na binili nya. Nalaman ko na lang nung nilagay na sa kotse." I shrugged.
"Well, he's sweet. Bagay kayo." I looked at her and she had this glint in her eye, as if may bigla siyang narealize.
"Ma!"
"Alam mo naman na nagiinvest ang papa mo ngayon sa isang hotel. If you'll be with Reeve, baka pumayag sila na magdeliver ng wine satin. Alam mo naman kung gano kaexclusive ang wines nila. Hindi lahat meron. At hindi kung sinu-sino lang ang distributor."
Business as always. I rubbed my temple kasi parang sumasakit ang ulo ko.
"You're graduating soon, Drei. You'll soon be welcomed into the world of business wherein everything you do would always have an impact on the company."
"I know, mom."
"Ryan Ayala would also be a good choice. At mukhang interested sya sayo. Tuwing nakakasalubong ko siya he's always asking about you."
Grabe. Yung sakit ng ulo ko, nagiging migraine na. Hindi na lang ako nagsalita. Ang hilig ng mama ko sa ganito eh. Kahit nung 18th birthday party ko, ininvite nya lahat ng anak ng mga kaibigan nyang mayaman at sila yung nasa eighteen roses ko. Ni hindi ko man lang choice. At ang awkward dahil hindi ko kakilala yung mga kasayaw ko. Briefly ko lang sila nakausap nung mga practices sa cotillion.
"I met him at Ate's wedding," sagot ko na lang.
"You should try going out with him. Ang daming magagandang places dito sa Vegas. Let him tour you."
Para lang matigil na ang usapan, I nodded. Pero hindi pa pala tapos si mama.
"Reeve would be the best choice. But he's a little difficult to catch. His family is very rich and I know his parents would want him to marry some heiress from London. Someone from the same social circles. Even if we're a prominent family here in the Philippines, walang wala pa din tayo sa family ni Reeve. You have to stop investing time in him and find someone better suited for you."
I sighed. Alam ko naman yun eh. At best friend ko nga si Reeve. Best friends lang kami. Pero bakit nung narinig ko yun mula sa mama ko eh masakit? Bakit biglang ang hirap huminga at parang dinadaganan yung dibdib ko?
BINABASA MO ANG
Distance Is Just A Number [Taglish]
Teen FictionBest friend ko si Reeve since... forever. But when I was six and he was ten, his family had to go back to London. Before he left, he promised me that we would remain friends no matter what. Mahirap sa una. Pero habang tumatanda kami, nagaadvance din...