***PLEASE DON'T FORGET TO VOTE IF YOU LIKED IT!***
CHAPTER 12
*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*
Sinubukan kong buksan yung mata ko. Habang ginagawa ko yun, sinubukan ko na ding hindi maasar. Chineck ko yung orasan sa tabi ko at nakita na 6 am pa lang.
6 AM?!? Seriously?
At sino naman kasi tong tumatawag? Grabe, ang sarap murahin.
"Hello?"
"Andreiaaaaaaaa!" three voices shouted. I winced and groaned. "Guys, six am pa lang dito. Utang na loob," sagot ko.
"Eh sorry! Hindi naman kami sanay dyan sa mga time differences na yan kagaya niyo ni Reeve! Ang sungit mo ha!" Aubrey shouted. Sumakit lalo yung ulo ko. Parang pumipintig na.
"Sorry. Too much frozen margaritas last night. Sakit ng ulo ko."
"Hmph! Ayan buti nga sayo," sagot ni Aubrey.
"Soooo. Lasing ka... Did anything interesting happen?" MC asked.
Umikot ako sa kama at humiga ng mas komportable. Kasabay nun, I sighed. Eto nanaman tong si MC.
"Wala no. After ng wedding reception, pumunta kami ni Reeve sa fountain. Nag-usap hanggang after midnight. Yun lang. Tapos hinatid nya na ko sa room ko,"
"Ano ba yan! Ni hindi mo man lang siya kiniss!"
"Do best friends kiss each other?" tanong ko.
"No. Pero that would be the case kung best friends nga lang talaga kayo. But we all know na hindi naman ganun. I know na complicated ang relationship mo with Reeve pero one thing's for sure, you guys are sooo not only best friends," sagot ni Ellie.
"Tamaaaa!" sigaw nanaman ni Aubrey.
"Guys. Maawa naman kayo sakin. May hangover ako at 6 am pa lang. 6 am is like 3 am in Vegas!"
"Fine. Ang sungit talaga! Tumawag ka na lang samin pag may kwento ka na. Byeeee!"
I clicked end call and covered my face with a pillow. Salamat naman at makakatulog na din. I closed my eyes.
Parang kakapikit ko pa lang ng bigla nanaman akong nagising dahil may kumakatok sa pinto. But when I checked the clock again, 9:30 AM na. Grabe naman talaga. Gusto kong magmura hanggang sabunin na nila yung bibig ko sa dumi.
Parang kulang na kulang pa yung tulog ko. Ganito yung feeling pag nagpuyat ka kakaaral. Tapos matutulog ka at parang kakalapat pa lang ng ulo mo sa unan, biglang kelangan nanaman gumising at pumasok.
Tumayo na ako. Buti na lang nawala na yung sakit ng ulo ko.
"Who's there?"
"Drei, it's me." Shet. Si Reeve! Napatingin ako sa kaliwa kung san may mirror. Yung buhok ko mukhang pugad ng ibon. Yung ilalim ng mata ko maitim dahil kulang sa tulog at yung ayaw matanggal na mascara. At ang putla ko pa!
"Reeve?" I squeaked. "Wait lang!"
Biglang bumukas yung pinto. Pumasok siya and huminto ng makita niya ako. Napahinto din ako sa gulat. Una, ang gwapo niya talaga. Pangalawa, ang aga aga tapos bihis na siya! Nakasuot sya ng fit na black shirt at denim pants. Then, rubber shoes. Yung brown niyang buhok, medyo basa pa at halatang kakashower lang niya.
"What the hell?!?" sigaw ko nung natauhan na ko. Reeve threw back his head and laughed. He kept on laughing and laughing even though I glared at him. Nabwisit na ko. Di ko talaga to araw. Tinalikuran ko siya at lumakad na papuntang banyo. Baka pag nagshower ako, mahimasmasan na din ako at mahugasan lahat ng kamalasan ko.
BINABASA MO ANG
Distance Is Just A Number [Taglish]
Teen FictionBest friend ko si Reeve since... forever. But when I was six and he was ten, his family had to go back to London. Before he left, he promised me that we would remain friends no matter what. Mahirap sa una. Pero habang tumatanda kami, nagaadvance din...