Chapter 5

226 3 0
                                    

"I'm sorry, Mrs. Magdalema but your son's heart failure is getting worse everyday." Rinig kong sabi sa doctor.

Napayuko nalang ako, I heard my mom cried because of the bad news. Mamamatay na ba ako?

"Wala na pong ibang paraan para pagalingin ang anak ko, doc?" My mom asked while sobbing.

"Actually, we have another option, Mrs. Magdalema. A heart transplant but the problem is bihira lang ang mag-offer ng donor."

My mother sighed at hinawakan ang kamay ko. "Pero meron namang mag-dodonor kahit kaunti lang, diba?"

The doctor nodded. "Yes, we'll do our best to find a donor, Mrs. Magdalema. But for now, your son needs more rest to avoid such activities that will trigger an attack." Said the doctor.

My mom smiled. "Naiintindihan ko. Maraming salamat po, doc."

"You're welcome, Mrs. Magdalema. If you'll excuse me." And the doctor walk away.

Napatingin ako kay mom and she smiled sweetly at me. "Everything is going to be fine, son. Gagaling ka, okay." She said.

Fine? No. I know it's not fine. Alam kong dadating ang oras na mamamatay ako. I've lost hope, tanggap ko naman kung ano ang maging kapalaran ko. But it still saddens me that I've done less in my life and my time is only limited.

Umalis si Mommy dahil may aasikasuhin siya sa labas, isa na doon ang paghahanap niya ng donor para sa'kin. Kaya ang bantay ko ngayon ay si France. Nakakainis.

She was fixing my plates and utensils, tapos na akong kumain kaya bahala na siya kung ano ang gagawin niya diyan. I just don't want to see her dahil feeling ko mamamatay ako ng maaga kapag nandyan siya. Lumapit din siya sa'kin para ayusin ang unan pero tinabig ko lang ang kamay niya.

"Huwag mo akong hawakan." I coldly said to her.

She smiled and grabbed a chair to sat beside my bed. "Pagaling ka, Xy. Para makapasok ka na sa school, miss ka na ng mga classmates natin, eh." She said.

Hindi ko siya pinansin at tinalikuran siya. I closed my eyes and force myself to sleep pero hindi ako makatulog, while France kept talking to me kahit nakatalikod ako sa kanya. I listened to her.

"Alam mo ba, Xy. May nagtangkang manligaw sa'kin sa school. Pangalan niya ay Steve, sigurado akong kilala mo siya." Sabi niya.

I clenched my jaw. I know Steve, isa siyang varsity soccer player sa school namin. So what kung nanligaw si Steve sa kanya. Wala akong pakialam.

"Sinabi niya sa'kin na tigilan ko na daw ang paghahabol ko sa'yo dahil masasaktan at masasaktan lang daw ako sa huli. Sinabi din niya na masyado ka daw manhid para mahalin."

Gagong Steve 'yon! Pasalamat siya at nandito ako sa ospital kundi papalit siya sa puwesto ko. Plus, I'm not numb! I just don't like France and she is not my type.

"Pero sinabi ko sa kanya na hindi ko kayang sumuko sa'yo. I know that you hate me, Xy, nakatatak na sa utak ko na ayaw mo sa'kin at napaka-impossible na mahalin mo din ako pabalik. But, I love you, mahal kita at mamahalin parin kita. Hindi kita susukuan, Xyrone Kieth Magdalema dahil mahal kita." She said.

I don't know what happened to me but I felt my heart was beating so fast because of what she said. Napahawak ako sa dibdib ko, bakit ba ito tumibok? I shouldn't felt this, hindi na ito maganda.

Days passed at hindi parin makahanap ng donor si Mama at ang mga doctor. At habang lumipas ang mga araw ay mas lalo akong nawawalan ng pag-asa. Especially every night, I'm having heart attack because my blood veins from my heart became more thinner and thinner.

France is still talking to me almost everyday, kahit hindi ko siya pinapansin o nakatalikod ako sa kanya but the truth, I was just listening to her.

Exchanged Hearts (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon