Chapter 7

261 3 1
                                    

"I have a good news for you, anak." Sabi ni mom sa'kin.

"What is it?"

She smiled and hug me. "May heart donor ka na." She said and my eyes widen. Napatingin ako kay mom.

"What? Are you sure, mom? P-paano nangyari 'yun?" I asked.

I saw something shifted on mom's eyes. Sadness? I don't know. Bakit naman malungkot ang mga mata niya.

Hinaplos niya ang buhok ko. "Someone came for me the other day and said that she will be your heart donor." Sabi niya.

Kumunot naman ang noo ko. "'She'?" It's a 'She'? Babae ang magiging heart donor ko?

Tumango lang si Mom. "Yes, anak babae siya."

"Why would she give her heart to me?" I asked, curiously.

But my mom just smiled at me and hug me. Hindi ko maintindihan ang kinikilos ni mommy ngayon.

"Just be thankful na meron ka nang donor ngayon." She said.

Next week na ang operation ko para sa heart transplant kaya todo asikaso ang mga doctor sa'kin at palagi na nila kong chine-check every 2 hours. Si Mama naman ay naging busy nitong nakaraang araw dahil narin sa palapit na ang operasyon ko at naghahanda din siya kagaya ng ibang doctor.

So, I'm alone here in my room. Walang kausap at nakatulala lang dito sa kama. I don't understand but everything is calm but dull.

Simula nung umalis si France at hindi na nagpakita pa, naging tahimik na itong kwarto ko. Wala na yung maingay niyang boses, ang mga kuwento niya at ang nakakainis niyang tawa.

I shook my head. No, I shouldn't feel this way. Impossible.

Days passed palapit na ang operation ko pero nababagot na ako sa kwarto, kung nandito lang si France sigurado marami siyang kuwento sa'kin, about sa school o di kaya sa mga favorite niyang novels na nababasa niya online.

And these past few days ay palagi nalang siya nasa isip ko. I tried to divert my mind to other things pero siya parin ang nasa isip kahit ano pa ang gawin ko. Am I turning crazy?

I have to admit, na miss ko ang lahat sa kanya. Ang boses niya, ang tawa niya, ang kuwento niya, ang pagkain niya, ang kulit niya, lahat yata na miss ko. Hindi ko maintindihan kung bakit, basta na miss ko siya.

Maybe because I'm used to it, I'm used that she's always here. Kaya nung umalis siya, parang may kulang. Hindi na kasing ingay ang buhay ko ngayon kaysa noon.

Masasanay ka din, masasanay ka din na wala na siya.

On the day of my operation, sobra akong kinabahan. Tons of negative question are on my mind, but I pushed them away. I need to be strong, I need to be positive. Kung nandito lang si France, I'm sure she'll cheer me, na makakaya ko ito.

And now you're thinking about her, huh? Umiling ako. Damn! I shouldn't think about her.

Nakaupo ako ngayon sa wheelchair habang dinadala ako ni mommy papunta sa Operation Room. I can feel my heart beating so fast! I closed my eyes and took a deep breath, I can do this.

Pagpasok namin sa OR, agad ako pinahiga ng doktor sa kama. I smiled at mom and she kissed me in the forehead.

"I love you, anak." Naiiyak na sabi ni mommy.

The doctor injected me a Thiopental drug, my vision became blurry and I feel my eyelids are dropping close. Good luck, Xyrone.

Then everything is in darkness.

Exchanged Hearts (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon