The day came when France visited me from the hospital as usual but, she is with someone.
Si Steve.
"Xyrone, dinala ko nalang si Steve dito dahil gusto ka daw niya bisitahin." She said.
I glared at her. Who gave her the right to visit with someone? At sa lahat ng tao ay si Steve pa.
Inilahad ni Steve ang kamay niya sa'kin at ngumiti. "Kumusta, pare." Steve said.
Tinignan ko lang ang kamay niya. I don't want to accept that fucking hand?
Masama kong tinignan si France. "Hindi ka ba nahihiya? Nagdala ka pa ng lalaki dito sa kwarto ko. Kung gusto mong makipaglandian, 'don ka sa labas 'wag dito." Galit na sabi ko.
Yumuko lang siya na parang naiiyak na. Tch. 'Yan na naman, ang drama! Pok-pok talaga.
"G-gusto lang naman daw ni Steve na bisitahin ka. Hindi kami magla-landian dito." Malumnay na sabi niya.
Natawa ako sa sinabi niya. Hindi niya ako maloloko. "Alam ko na 'yang plano mo, France. Plano mong dalhin dito si Steve para pa-selosin ako diba? Kilala kita kaya hindi ako tanga."
Nagulat nalang ako nang hilain ni Steve ang hospital gown ko at kinuwelyuhan ito. "How dare you say that to, France?! Huwag na huwag mong pagsalitaan siya ng ganyan!" He shouted.
What the hell—tinulak ko si Steve at mas lalo ako natawa. "Totoo ang sinasabi ko, Steve." Tinuro ko si France. "Mas kilala ko ang babaeng iyan kaysa sa'yo, kaya alam ko kung ano ang balak niya para mapalapit ako sa kanya. She's a whore and bitch!" I shouted.
Susuntukin na sana ako ni Steve ng pinigilan siya ni France. "Tama na! Tama na, please!"
Humarap si Steve kay France. "Stop this, France. Stop chasing this fucking bastard! He doesn't deserve your love!" Sigaw niya kay France.
Umiling lang si France. "I'm sorry, Steve pero mahal na mahal ko si Xyrone. I can't do that to him." France said.
Steve cursed at padabog siya lumabas sa kwarto ko. Ngayon, kaming dalawa lang ni France dito and she's crying silently. "Get out! I don't want you here!" I said.
She faced me, crying. "Bakit mo ba sinabi 'yon, Xy?"
"It's the truth, France. Ganyan ang pagkakilala ko sa'yo. You're an attention seeker and a whore." I said coldy at her.
"Ginawa ko na lahat ng paraan para mahalin mo ako pabalik, Xy. Ano pa ba ang gusto mo?" She asked.
"Wala, dahil kahit ano pa ang gagawin mo hinding-hindi kita mamahalin, France."
Mas lalo siyang umiyak sa sinabi ko. My heart clenched when I heard her sobs pero pinigilan ko ang nararamdaman ko.
"Pero mas mabuti kung mawala ka na lang sa buhay ko. Nakakasakal ka na, nakakainis ka, nakakairita! Pabigat ka lang sa buhay ko France! Can't you understand that It's impossible for me to love you? Hindi kita gusto! Ayaw ko sa'yo at gusto kong mamatay ka nalang at mawala sa buhay ko para maging masaya na ako!"
Umiyak lang siya ng umiyak. Tsk. Hindi na ba siya nagsasawa sa kakaiyak? Dahil ako? Nagsasawa na ako makita siyang palaging umiiyak.
Pinunasan niya ang kanyang mga luha at lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko. "'Yan ba ang gusto mong gawin ko para maging masaya ka, Xy? Ang mawala ako sa buhay mo?" She said while looking at me in the eyes.
Napatigil ako. Diba ito naman ang gusto mo? Ang mawala siya sa buhay mo? Tumango ako at kinuha ang kaliwang kamay ko na hawak niya.
She was still looking at me in the eyes, nandon parin ang mga luha niya at patuloy parin umaagos sa pisngi niya. Then she suddenly smiled at me, a weak smile. Lumayo siya ng kaunti sa'kin.
"S-siguro panahon na para sumuko na ako." She said.
Hindi ko alam pero sumakit ang puso ko sa sinabi niya. Why?
"Pero bago kong gawin 'yon. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Simula ng makita kitang nanonood ng soccer sa court, minahal na kita. Kahit palagi mo akong tinutulak palayo, mamahalin parin kita. Hindi ako magsasawang manligaw kahit babae ako at pinagtatawanan ako, kasi mahal na mahal kita Xyrone. Kahit hindi mo kakainin ang mga luto ko at tinatapon mo pa. Kahit palagi mo akong minumura. Kahit palagi mo akong inaaway. Kahit pinapahiya mo pa ako. Kahit hindi mo ako mamahalin. Mamahalin at mamahalin parin kita, Xyrone. Mahal na mahal na mahal kita." She said while sobbing.
"P-pero sabi mo hindi ka na masaya, kaya gagawin ko ito kahit masakit. Simula ngayon, lalayo na ako, hindi na ako magpapakita sa'yo dahil 'yon ang gusto mo diba? Ang mawala sa buhay mo, kaya gagawin ko ito para sumaya ka na. Don't worry, after this you won't see me again." Dagdag pa niya.
Lumapit siya sa'kin, she cupped my cheeks and kissed me on the lips.
I was stunned kaya hindi ko siya naitulak. Matapos ay lumayo siya at ngumiti. "I love you so much, Xyrone. Please, remember that."
And that, she left me in the room.
BINABASA MO ANG
Exchanged Hearts (Complete)
Short Story"Lahat kaya kong ibigay sa'yo kasi mahal kita." Started: May 13, 2018 Finished: August 26, 2018