Miyu POV
Halos malaglag yung panga ko habang nakatingin sa building na nasa harap ko. ANLAAAAAAKIIII! Parang feeling ko pag pumasok ko hindi na ako makalabas dahil baka maligaw ako! Anlaki kase sobraaaa! Napalunok ako ng plema-- joke lang! Laway lang! Hehehe..
"Payting.." Bulong ko sa sarili ko at pumasok na ako sa loob.
Mas lalong nanlaki yung pag kanganga ko ng makita ko yung loob. PANG RK MGA BEEEESHYYY! parang feeling ko talaga hindi ako belong dito. Nakakaiyaq! Huhuhuhu sa wakas nakapasok na rin ako ditooo!
Teka! Mamaya na nga drama! Kailangan ko pang mahanap yung faculty! May kaeklabuhan pa akong pipirmahan at ipapaliwanag yung teacher! At dahil hindi ko naman kabisado tong university na to kaya lumapit ako sa grupo nung tatlong babae para mag tanong.. Sila una kong nakita eh!
"Ahmm.. Excuse me?" Sabay sabay naman silang humarap sakin.
Medyo kinabahan ako kase yung mga tinginan nila eh! Mga mukha silang maldita eh!
"Ano yun Miss?"
"Ahmm... Ah.. Mag tatanong lang sana ako kung pwede?"
"Oo naman! Hehe bawal na ba mag tanong ngayon?" Sabi nung babaeng matangkad na may curly na buhok at medyo chubby pero kitang kita naman yung shape ng katawan nya sa suot nyang uniform.
"Hindi ko rin alam! Wala akong nabasa sa batas na ganun!" Sabat naman nung babaeng hanggang balikat yung buhok at medyo malaki yung mata pero bumagay naman sa itsura nya. Mukha nga syang anime eh.
"Ay marunong ka pala mag basa? Hehe." Sabi rin nung babaeng may magandang buhok na hanggang bewang na nya. Mukha syang malditang ewan! Hehehe..
"So Miss ano ngang itatanong mo? " tanong ulit nung matangkad na babae.
"Ahmm itatanong ko lang sana kung saan yung faculty room?"
"Ahmm Miss tinatamad kame mag turo ng direction eh! Hehe masyadong mahaba.." Napatango naman ako sa sinabi nung mukhang anime.
"Ah ganun? Ok--"
"Pero pwede ka namin samahan!" Napatingin naman ako sakanilang tatlo at nakangiti sila sakin.
Sows! Andami na talagang fake news ngayon! Sa mga nababasa ko social media ang Cypher University daw ang may pinaka maarte at masasamang ugali na student! Eh bat naman itong tatlo? Mukhang mga maldita lang pero mabait naman pala. Oh baka pinaplastic rin ako nitong tatlo? Wag naman sana.
"Sure kayo? Baka nakakaistorbo ako sainyo!"
"Ok lang nu ka ba! Hehe tara baka maligaw ka pa pag hindi ka namin sinamahan.." Sabi nung babaeng straight yung buhok at hinila na nila ako sa kung saanman.
YOU ARE READING
Coffee Shop | m.yoongi
Fanfiction"Black coffee, 2 spoon of Suga--" "Spoon of me?" -Yoongi Fanfic -Short Story -One Short Story