Miyu POV
"Ah so sarili mo pala kausap mo kanina? Akala ko may imaginary friend ka eh.."
Nakwento ko kase sakanya yung grades ko. Hindi naman masama mag share atsaka mukha naman mabait tong Seungwoon na to! May pagka abnormal nga lang.
"Ano ako bata may imaginary friend?"
"Malay mo diba? By the way sino naman partner mo dyan sa project na yan?"
"Ah si Min Yoongi, for sure kilala mo naman yun." Tumango tango naman sya at ngumiti.
"Sige na, bumalik ka na sa klase! May last subject pa bago mag uwian."
"Pano mo alam?"
"Kase dito rin ata ako nag aaral?" Tumawa nalang ako ng bahagya at tumango saka ko kinuha yung bag ko. "See youuu!" Paalam nya kaya tumango lang ako at iniwan na sya sa rooftop.
Ako naman bumalik ako sa room para sa last subject ko. Mag di-ditch na nga lang sana ako eh, kaso naalala ko yung grades ko pati yung schoolarship ko kaya wag nalang.
"Ano nakapag practice na kayo ni Yoongi? Anong ipeperform nyo?" Bunga sakin ni Nari pag upo ko.
"Ha? Hindi pa.."
"Hindi pa?! Hala dai wednesday na bukas! Anong balak nyo?"
"Ahmm malay ko?"
Hindi ko talaga alam! Nihindi ko nga alam kung papayag ba akong makagrupo nyang dalawang yan eh! Psh ok pa sana kung si Yoongi lang eh, kaso may ulikbang nasabit buwit lang!
☕☕☕
Pag tapos ng klase tumayo agad ako at dire-diretsong nag lakad palabas ng classroom.
"Miyu."
"Ay ulikba!" Napatalon ako sa sobrang gulat. Ano bayan! "Ano naman-- uy Y-yoongi ikaw pala."
Ngumiti naman sya at sabay na kameng nag lakad sa hallway. Ngiti ngiti ka dyan? Litsi ka! Kinikilig ako! Hehehehe..
"Yung sa project naten kay Mrs. Park, anong gusto mo iperform naten?" Tanong nya kaya napatingin naman ako sakanya.
Bat hindi si Suran na yun ang tanungin nya? Ka-MU nya yun diba? Psh.
"Bat ako tinatanong mo?"
"Partner kita eh kaya tatanungin kita."
"Hindi lang naman ako partner mo! Si Suran pa kasama sa project na yun."
"Pake ko naman dun, ano bang talent mo?"
Hindi ko masyadong narinig yung una nyang sinabi kase binulong lang nya. Bubuyog na to! Pero ano bang talent ko? Hehehe hindi ko rin alam eh! Eat, sleep and repeat! Hehehehe..
"Ahmm marunong ako kumanta pero hindi naman ganun kaganda yung boses ko."
"Try naten bukas. Punta ka sa studio ko 12pm." Tapos tinapik lang nya yung balikat ko at sumakay na sya sa Van nila.
Ay nasa labas na pala kame ng school. Bukas sa studio nya? Adik ba yun? May pasok bukas! Ayoko ng umabsent! Baka mawalan ako ng schoolarship!
☕☕☕
Next day.
Nakabihis ako ng over size jacket at ripped jeans at naka messy buns yung buhok ko habang nakaupo at nag hihintay dito sa starbucks. Well, wala daw pasok ngayong araw kase daw mag kakaroon ng full day meetings ang mga teacher, kaya pala niyaya ako ni Yoongi kahapon pumunta sa studio nya para mag practice dahil wala naman palang pasok! Psh bat hindi ko alam? Kase lutang nanaman ako!
YOU ARE READING
Coffee Shop | m.yoongi
Fanfiction"Black coffee, 2 spoon of Suga--" "Spoon of me?" -Yoongi Fanfic -Short Story -One Short Story