VII. Sweet Voice

247 18 6
                                    

VII.  Sweet Voice

 

*KRING*KRING*

“Ugh. Ang aga aga sino ba itong tumatawag sakin?”

 

“hello?” Medyo paos pa na sabi ko dahil kakagising ko lang.

“kakagising mo lang?” Sweet voice. Hmm. Sino ba ito? Ang ganda naman ng umaga ko dahil sa unang boses na narinig ko.

“Yup” Sagot ko.

“magready kana” Sabi niya. Masyadong mahinhin ang boses. Masyadong sweet pakinggan parang gusto ko marinig na lang ang boses niya.

“Ayoko pa. Kanta ka muna.” Pagrequest ko bilang kapalit ng paggising niya sakin.

“No. Alam mo namang mahiyain ako. And I don’t sing”  Pagtanggi niya sa sinabi ko. Sa totoo lang hindi ko pa alam kung sino ito dahil hindi ko pa mamulat mata ko.

 

“Please? Kantahan mo muna ako Sige na kasi.”  Para makatulog ako ulit. What a sweet voice.

 

“Wake up na Ella. Punta ka sa house ngayon diba? Para sa Lesson 2”

 

“Sht. Mikel?” napatalon ako kasabay ng pagmura ko ng napakalutong dahil boses na pala ni Mikel ang pinagnanasaan ko.

“Ako nga Ella bakit?”  Bigla akong nagising.Seriously Ella? Anong naisip mo?

“A-Ah W-Wala. S-Sige Magaayos na a-ako” pautal utal na sabi ko dahil padin sa mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba kahihiyan ito dahil sa pagnanasa ko sa boses ni Mikel.Binaba ko na lang ang phone ng walang sabi sabi dahil sa hiya.

**

Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwalang kay Mikel nga boses un. Bat parang nagiba? What’s with me. Tss. Hindi tuloy ako makakain.

“Hoy Pangit”

 

“Ay Mikel” Sht. Nasabi ko ba ang pangalan ni Mikel. Tae nagulat kasi ako sa kapatid kong kahit kailan wrong timing.

“tama ba ang rinig ko? Mikel sabi mo?” Tanong ni Ell na parang hindi makapaniwala. Parang may nalaman siyang sikreto

 

“A-Ah E-Eh H-hindi noh”

“Not a good liar” Sabi niya na parang nacomfirma niyang pangalan nga ni Mikel ang nasabi ko.

“Ok. Fine. Mikel nga ang nasabi ko. Pero wag kang magisip ng masama dyan. Wala lang un” Pagdefensa ko sa tingin niyang matatalim.

Bukas Mawawala si Ella [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon