I. Si Ella at Si ......

959 34 34
                                    

I. Si Ella at Si ......

 

“Ayoko ko na. I was taken, Taken for granted” sabay patak ng luha sa pisngi ko.

“Ok. Cut good job guys” Sabi ni Abi ang leader namin para sa project na ito. Ewan ko ba kung bakit sakin pa nila binigay ang role ng babaeng bida kung saan taken for granted ang babae. Sabi ng mga kagrupo ko bagay daw sakin dun na hindi ko naman pinapaniwalaan dahil ayaw ko lang paniwalaan.

Hindi ako naniniwalang taken for granted ako at na bagay sakin ang kwento nung babaeng bida pero somehow medyo similar siya sa buhay ko pero hindi ako taken for granted. Mabait lang talaga ako.

“Ella,  pagawa naman ng assignment sa Marketing oh.”

 

“A-ah S-sige” okay okay. Un lang ang problema ko hindi kasi ako makatanggi sa mga humihingi ng favor sakin. Ewan ko ba wala atang bagay na labag sa kalooban ko na gawin. Kasi nga diba mabait ako masyado para tanggihan sila pero I don’t think na tinatake nila ako for granted.

Makapaayos na nga lang ulit para makabalik na ako sa class ko. Naexcuse lang kasi kami para sa film shooting namin na ipapass namin sa isang organization dahil reniquire kami ng prof. Hindi ko nga alam kung requirement ba un o sinasadya lang nila dahil para din daw talaga sakin ung lead role.

**

Pagbalik ko sa classroom sakto namang may sumigaw nung papasok na sana ako.

“Asan ba kasi si Ella?” Dahil mapangasar ako ay hindi ako nagpakita sa naghahanap sakin nasa may labas lang ako at pinapakinggan ang sinasabi niya.

“Hindi nga kasi namin alam. Ano bang problema at hinahanap mo siya?” Hindi ko alam kung sino ang sumagot nun dahil isa lang ang focus ko ngayon ung taong naghahanap sakin.

“Gusto ko lang siyang makausap. Pag hindi niyo siya pinakita sakin magwawala talaga ako”  Aba nanghamon pa itong lalaking ito. Ano bang problema niya kaya?

“Kahit magwala ka dyan wala kaming Ella na malalabas”  Natawa naman ako ng konti sa sumagot na ito sakanya sa bagay may point siya wala talaga silang mailalabas dahil nasa labas ako. hahahahahah. Joke yan hindi ko alam kung nagets niyo.

“Seriously best ano ba kailangan mo kay Ella at nagwawala ka dito?”

“Gusto ko lang siya makausap. He-he-he” Sabay tawa niya ng parang nahihiya na at dahil bestfriend na niya ang nagalit ay wala na yang magagawa. Hahahahaha. Natatawa lang ako sakanya magpakita na kaya ako?

Tumayo na ako sa tinataguan ko dahil nangangawit na din ako at naawa na ako sa naghahanap sakin. That’s the problem with me ang bilis kong maawa at ang bilis kong umoo sa mga favor.

“H-hey Zeejay” nauutal kong sabi

“Where have you been?”

“D-dyan l-lang. Anong kailangan mo?” Para akong batang natatakot sakanya. Pero hindi naman talaga ako natatakot more like kinakabahan ako sa presence niya.

“We need to talk” How can he manage to talk to me as if na parang walang nangyari dati? Ang bilis talaga niyang makamove on. Sa short period of time parang hindi kami nagkathing. I’m supposed to be mad at him right now and act bitter but I can’t. I just can’t.

“O-ok” Hinila niya ang braso ko papalabas ng classroom namin. Hindi ko alam bat pumayag akong makipagusap sakanya well in fact I know na hindi ako magiging matino while talking to him.

“Ella may big favor kasi sana ako sayo”

 

“Ano un?”  Anything for him right? The truth is I really do love this man standing in front of me right now.  Kung ibang tao nga hindi ko matanggihan siya pa kaya na mahal ko.

“Nakakahiya man hingin ang favor na ito pero alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin”

 

“A-Ano nga un?” Ang dami pa niyang sinasabi. I’m really nervous right now hindi ko alam kung anong favor ba ang hihingin niya at about ba saan ito. Sana naman ay hindi mahirap gawin. Sa bagay kahit gaano kahirap gawin, gagawin ko para sakanya

“Pwede mo ba akong ilakad?” Itakbo gusto niya? Ilakad saan? Bakit pilay ba siya?

“Huh? Bakit pilay ka ba at ilalakad kita? Anung nangyari sa paa mo?”  I sounded so worried that time na parang mahahalata na niyang may concern ako sakanya buti na lang at namanage ko.

 

“Hindi un ang ibig kong sabihin. Kungbaga pwede mo ba akong ilakad sa crush ko”  The moment I heard this parang pinagsisihan kong pumayag akong kausapin siya. Pero nandito na ako. There’s no turning back.

 

“K-Kanino B-ba?” I can’t manage my tears na. Anytime babagsak na sila so kailangan ko ng tumakbo. Hindi pwedeng makita niya ito. Dahil ayokong isipin niyang may gusto padin ako sa kanya.

“Basta tska ko na sasabihin sayo. Thank you Thank you talaga Ella. The best ka talaga” Sabay kiss niya sakin sa pisngi at tumakbo na paalis. Ang saya saya niya habang tumatakbo siya. Parang wala ng bukas.

 Hindi ko alam bat ganun siya makaasta na parang magbestfriend lang kami. Alam ko namang may bestfriend na siya. Hindi ko naman inaagaw. Kaso bakit ganun siya sakin. I mean ganun siya makitungo. Alam kong there’s no point para maging bitter pa ako pero syempre kahit papaano naman diba kahit konti lang ay medyo awkward. Hindi naman sa ayaw ko siyang tulungan pero of all people sakin pa siya nagpapatulong diba?  

Wait.. *ting*

Hindi kaya pinagseselos lang niya ako? Kaya sakin siya nagpatulong? Pwede din. Pwede din namang baka ako ung crush niya at sakin siya magpapalakad. Whaaaa.

Pagkaisip ko nito parang nabuhayan ulit ako. Para bang nagkaroon ulit ako ng pag-asa.  Whaa. Nagtatalon talon ang puso ko sa tuwa Hindi ko alam kung ano ang reaction ko dapat sa nangyari kasi hindi ko naman alam kung ikalulungkot ko ba dapat o ikasasaya. Alam kong binibigyan ko lang ng pagasa ang sarili ko sa labang alam ko namang talong talo na ako. Na wala na akong magagawa kundi isuko.

I should help him out. For him to be happy. Magiging happy nalang din naman ako sakanya.  I should be. Friends kami so dapat maging masaya ako para sakanya.

“Zeejay.. Zeejay.. Zeejay” buntong hininga

Bukas Mawawala si Ella [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon