II. Curl

635 31 34
                                    

II. Curl

“Zeej bakit ba ganito ang epekto mo sakin?” Pabulong na sabi ko sa sarili ko.

Naglakad na lang ako papuntang Cafeteria dahil nagugutom na ako. Nagutom ata ako sa pagkabigla sa favor ni ZeeJay.

Sa dami ng iniisip ko hindi ko na alam paano ako nakarating sa Caf ng hindi man lang nadadapa or kung ano. Medyo may pagkalampa din kasi ako pagminsan pero buti na lang at hindi sumumpong ngayong napakalalim ng iniisip ko.

“Ate isa nga pong Baked Mac”  Kinuha ko ang inorder ko at binayaran sa cashier.

Pagnaiisip ko ang nararamdaman ko para kay Zeejay pakiramdam ko nagtataksil ako. Parang ang sama kong tao. Bakit ba kasi may gusto ako sakanya? Bakit kasi ang hirap magmove on. Nung una akala ko nakalimutan ko na siya hindi pa pala.

“AHHHH” Napasigaw ako ng may tumakip sa mata ko mula sa likod. Sino ba ito?

Naramdaman kong napatingin sakin ang mga tao sa caf. Ung iba nagbulungan pa dahil siguro nagulat na lang sakin dahil sa pagsigaw ko.

“SHHHH” Ngayong narinig ko na alam ko na kung sino siya.

“CURL”  Medyo pasigaw na sabi ko. HAHAHA. Alam kong right now ay medyo naiinis na siya.

“Hindi mo ba ako titigilan sa CURL na yan? I told you my name is CARL not CURL.” Medyo frustrated na sabi niya. Oo alam kong Carl ang name niya.

“I can call you anything I want, Curl” HAHAHAHAHHA. Sa loob loob ko gusto ko ng magwala dahil tawang tawa na ako sakanya.

“UGHHHHH” Makikita mo na sa mata niya na naiinis na siya dahil sa sinabi ko.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA” Napatawa na lang ako ng malakas hindi ko naman sinasadya na matawa sakanya pero natatawa talaga ako.

“You won’t stop? I’ll kiss you” Napalunok ako sa sinabi niya at the same time ay tumahimik ako at kumain na lang para makapasok na ako sa klase ko dahil ayaw ko na sa tabi nitong si Carl.

“Ano wala kang masabi noh?” dugtong niya ng nakitang medyo kinabahan ako sa sinabi niya.

“Ayaw lang kitang kausap kaya hindi na ako kumibo” Sabay irap ko sakanya. Umaktong naiinis na lang ako.

“Ito naman nagtatampo na agad. Wag ka ng magtampo payag na akong tawagin mo kong Curl kahit labag sa loob ko. Wag kana magalit” Sabay hawak niya sa kamay ko. He’s so sweet. Hindi ko alam bat hindi ko na lang mabigay buong atensyon ko sakanya.

Bukas Mawawala si Ella [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon