XI. Pumipick Up Lines

172 10 4
                                    

XI. Pumipick Up Lines

“Carl pick up” Bulong ko sa sarili ko. Ayaw kasi niyang sagutin ung phone at kailangan andito na siya 30 mins na lang kasi at maguumpisa na ang contest. Hindi naman pwedeng wala akong pair alangan namang banatan ko ung sarili ko. Carl please sagutin mo na ung phone.

“Last na ‘to” Dagdag na sabi ko sa sarili ko dahil kung hindi pa niya sinagot ay magbabackout na ako sa contest.

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.

 

Ng marinig ko un ay desidido na akong magback out. Hay after ng pinagpaguran namin hindi lang niya ako sisiputin. Kagabi kasi text ako ng text sa kanya pero hindi din niya ako rinereplyan.

“Ate Faye” Sabi ko sa organizer ng contest na ito.

“Ano un Ella?” Sabi ni Ate.

“May sasabihin sana ako eh” paano ko ba sasabihin ito. Nakakahiya kasing sabihin na biglang back out ako.

“Ano un? Double time. Sabihin mo na agad Ella. Kasi may gagawin pa sana ako dun eh” Sabi niya.

“Ano Ate kasi Ano Baback---” may biglang pumutol ng sinasabi ko

 

“Sorry I’m late” Sabi ng bagong dating

“Nako Carl akala ko hindi kana dadating eh. Buti naman at dumating kana double time ah? Dalian mo sa pagaayos” Sabi ni Ate Faye

“Ano nga ung sasabihin mo Ella?” Sabi ni Ate

“Wala na pala Ate Faye Sorry” Sabi ko. Kaya naman at umalis na siya may aayusin pa kasi ata siya.

“Sorry late ako” sabi ni Carl kaso may iba eh. Parang ang lamig nung boses niya. Parang ang lamig ng mga tingin niya. Parang biglang nagiba.

“Okay lang Curl. Saan kaba galing? Nagalala ako hindi mo kasi sinasagot ung tawag at text ko” pero inignore ko ung pagkacold na pinaparamdam niya sakin. Inisip ko na lang na wala lang un kaya kinausap ko siya. Pero mukhang magsisisi ako dahil kinausap ko siya.

“Dyan lang. and Stop calling me Curl.” Sabi niya ng walang emosyon at medyo parang inis. Anong nangyari sa kanya? Nagalit ba siya dahil sa kagabi.

“A---” lumingon ako sa pwesto niya at magsasalita kaso pagtingin ko sa kanya wala na siya. Medyo Bastos.

**

“So now let’s have pair #4 for their pick up lines, mapakilig nga kaya nila tayo gaya ng nagawang pagpapakilig ng ibang candidates? Let’s find out. Let’s all welcome Gabriela Tuazon and Carl Santiago.” Medyo kinakabahan ako sa pick up lines and at the same time nakakahiya ito.

Bukas Mawawala si Ella [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon