V. Love Yourself

404 21 62
                                    

V.  Love yourself

 

“Oh andyan ka na pala” Sabay beso ni Nicole sa bagong dating.

Sht.Mukhang wrong move.... Nasabi ko na lang sa sarili ko. Tssk.

“May dala pala ako para sayo” Sabay abot ng mamang ito ng isang box ng J.CO kay Nicole.

“thanks nagabala ka pa sabi ko naman sayo wag na eh. Siya nga pala ito si Ella at si Megan, Megan, Ella si Brent pala. Sorry girls ah hindi ko agad nasabi kasi nangulit siya na pumunta dito” Is it just me? Or talaga kinikilig si Nicole dito kay Brent. Sht. Ibig ba sabihin nito ay hindi na niya gusto si Ell? Kailangan kong itext si Ell na wag na pumunta. Sht.Sht.

Kaya lang mukhang huli na ang lahat dahil pagtingin ko sa cellphone ko ay may text na si Ell

From: Elltot

 

I’m on my way sis. See you.

 

“It’s okay. Bahay niyo naman ito eh”  Sabi ko pero sa totoo lang kinakabahan na ako dahil papunta na si Ell dito.

“Nga pala bat wala si Milk?” Sabi ko ulit sakanila

“I told him na umalis muna alam mo naman un pag andito siya siguradong hindi ko na makakausap si Meg. Alam mo namang laging may sariling mundo ang dalawa. Pabalik na din un. Hindi na makatiis eh.” Sabay tawa ni Nicole na parang pacute ng konti. Ung totoo nagpapacute ba siya kay Brent kung oo nako patay na talaga ako nito.

“Nga pala Nicole pupunta kasi si Ell dito. Okay lang ba?” Kinakabahan na tanung ko.

“Of course okay lang bakit naman hindi. Hahaha.” Oo nga naman Ella bakit nga ba hindi magiging okay? Hahaha.

“Brent gusto mo kumain? Kakain kami eh.”

 

“No. Still full”

 

“Ok. Hintayin mo na lang kami sa Sala okay lang?”

 

“Sige” With that iniwan na namin si Brent sa sala.

Pagdating namin sa sala medyo awkward kasi ang tahimik ni Nicole eh. Hindi ako sanay.

“So sino yun?” Tanung ni Meg

“Just a friend”

 

“The famous line of Shelby Nicole Lee” Sabi pa ni Meg dahil sa sinagot ni Nicole.

“He’s just a friend. May kailangan lang kaming tapusin na school work kaya siya andito okay?”

Bukas Mawawala si Ella [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon