XVI. Pangwakas/Ending/Finale

244 10 6
                                    

A/N: Salamat po sa lahat ng nagbasa. Sana po ay magustuhan niyo ang Ending and for clarifications sa mga pangyayari magkakaroon po ng Special Chapter/s hahaha. hindi ko pa alam kung ilan eh. Sana basahin niyo din mga special chappy.

------------------------------------------------------------

XVI. Pangwakas Part two

*Nicole’s POV*

Dahil hindi ko din naman natiis si Ella at Zeejay umayos na ako. Tinext ko si Ella.

To: Ella Tuazon

Sorry. I hope maging okay tayo.

 

From: Ella Tuazon

Okay. So friends again?

 

To: Ella Tuazon.

Ofcourse.

 

Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng kwarto at paglabas ko andun padin sila Megan

“Bat andito pa kayo?” Sabi ko saknila na parang medyo naiinis pa pero ang totoo nyan masaya ako dahil hindi sila sumuko.

“Syempre naman. Alam naman naming magbabago pa isip mo ikaw pa” Sabi ni Ell.

“Ano naman? Tss.”

“Ang sungit naman nito”

 

“Ewan ko sayo Ell. Oh ano na? Hindi paba tayo magaayos? Anong oras na o. Ilang oras na lang” Hapon nadin kasi at madami pa kaming gagawin.

“Odi tara na”

 

“Una na kayo. Papasama lang ako kay Mikel may dadaanan kami. Kita na lang tayo dun guys” Sabi ko sabay tingin kay Mikel para malaman kung papayag ba siya na umalis kami. May gusto kasi akong daanan at bilhin sana muna at may kakausapin para sa gagawin sana namin para maging perfect na.

“Saan kayo pupunta?” tanong ni Ell

“basta. Why’d you ask?” tanong ko sabay taas ng kilay.

“Ako na lang sasama sayo” Sabi niya.

“Wag na mas alam ni Mikel ung lugar eh. Susunod na lang kami. Trust me guys malaking matutulong nitong pupuntahan ko.”

 

“Malay mo mas alam ko.” Sabi niya.

“Wag na Ell. Ang kulit nito. Tara na alis na tayo para maayos natin agad. Mas alam ni Mikel un” tapos tumalikod na ako at nagmadali dahil ayaw ko namang magahol kami sa oras.

Bukas Mawawala si Ella [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon