XV. A BIG NO

155 7 4
                                    

XV. A BIG NO

 

“Hoy Ella Tara na kasi” Anyaya sakin ni Nicole kinausap ko kasi siya na gusto ko sanang makausap si Zeejay para sabihin sa kanya na gusto ko siya and na finally pinapakawalan ko na siya. I mean natutunan ko na siyang pakawalan.

Pero ngayon medyo pinagsisisihan ko na kasi para yatang ayaw ko na siyang makaharap. Hindi ba pwedeng basta na lang ako mawala sakanya? Ewan ko ba pero lagi akong ganito pagkatapos kong magdecide tsaka naman magbabago ang desisyon ko. Ang gulo ng utak ko. Ughhh!

“Nicole ayoko na palang makita siya sabihin mo na lang na wag na lang pala” Sabi ko sakanya na medyo may hiya dahil sa naging desisyon ko.

“I knew it. Buti na lang hindi ko tinawagan alam ko namang baback out ka eh” Seryoso ba siya? Kasi kung oo malaking pasasalamat ito sa kanya. Whoo. Nakahinga ako ng maluwag.

“OMG! THANK YOU NICOLE” Sabi ko sakanya na patalon talon pa dahil sa tuwa.

**

Maaga akong nagising ngayon dahil ngayon na ang Lesson 3 namin at dahil dito sa bahay gaganapin ayaw ko namang late akong magising kasi sinabi nilang maaga sila darating dahil makikikain daw sila.

Ang totoo nyan ay excited na talaga akong para sa lesson 3 namin dahil syempre finally nasa last lesson na kami.

*Ding Dong Ding Dong Ding Dong*

 

“Ella sino ba yun? Ang kulit ah? Bukasan mo na nga” Sabi ng iritadong si Ell dahil sa paglalaro sa doorbell ng taong nagdodoorbell kaso naiihi ako kaya hindi ko na mabuksan hindi ko na mapigilan.

“Kaw na magbukas naccr ako” Sabi ko dahil totoo namn tumakbo ako agad papuntang CR. Tuloy padin ang pagdodoorbell kaya naman alam kong mas lalong naiinis na si Ell.

“Saglit lang” Sigaw niya habang naglalakad papuntang pintuan. Paglabas ko galing CR nakita kong inoopen na niya ang pintuan

“Ano ba yan hindi makapaghinta---” Sabi niya habang binubuksan ang pinto. Naputol ang sinasabi niya ng nakita kung sino ang naglalaro sa doorbell.

“Hihihi. Sorry. Hi Ell. Si Ella?” Sabi ni Nicole. Ano ka ngayon? Nganga ka. Iritadong iritado eh kala mo naman may dalaw. Tss.

“Hi Nicole Ayun si Ella” Sabay tingin sakin ni Ell.

“oy Ella!” Sabi ni Nicole

“Makaoy naman ito. Asan na sila?”

 

“Papunta na.”Sabi namn ni Nicole.

“Tara dun muna tayo sa kusina” Napangiti naman si Nicole sa narinig niya dahil paboritong lugar niya ang kusina sa bahay namin ang kapal ng mukha nyan eh wala ng hiya hiya. HAHAHAHAHA

Bukas Mawawala si Ella [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon