III. The TC

552 23 72
                                    

III. The TC

 

“Mango Where are you?” Para namang sasagot ung cellphone. Pero trinry ko na din malay mo sumagot edi nahanap ko siya. Ang tanga ko talaga nakasilent pa naman un kaya kahit anong gawin ko hindi ko mahahanap. Pwera na lang kung ikakalat ko lahat ng gamit ko eh I don’t think may ikakalat pa ang gamit ko sa sobrang kalat ng kwarto ko ngayon.

*KRIIIING*KRIIIING*

“OMG. Si pink tumutunog” Napatalon pa ako sa bigla dahil sa pagring nito..

“hello” Sagot ko without even looking kung sino ang tumatawag sa pagkabigla ko eh wala na akong oras para tignan.

“Hello Ella”

“…” Hindi ako nakapagsalita na speechless ako at the same time parang naestatwa ako sa narinig kong boses.

“Ella Still there?”

“A-A-Ah He-hello”  Seriously Ella? Kailan mo ba matatago yang kaba mo pag siya ang kausap mo. Tss. Sisi ko sa sarili ko.

“Are you okay? May sakit ka ba?” Bakit kung sabihin kong OO aalagaan mo ba ako? Magiging concern ka ba sakin? Hindi din naman eh. Why ask?

“Okay lang ako medyo antok na kasi kaya ganun” I lied. Mukha ngang hindi ako makakatulog dahil sa ginawa mong hinayupak ka. HAHAHAHA.

“Nakaistorbo ba ako? patulog ka na ba?”

 

“A-Ah hindi naman. Ano ba kailangan mo?” Hindi ka nakakaistorbo ikaw pa. Gusto nga kitang kausapin eh. Yan sana ang gusto kong sabihin pero hindi. Hindi pwede wala na kaming “THING” at sa palagay ko hindi na mangyayaring maging kami pa. He’s too busy for me and too old at the same time. I’m just 18 and He’s 22.

Nagtataka kayo bat siya nasa school? Nagmamasters kasi siya so pagminsan nasa school siya.  I know age doesn’t matter kaya nga gusto ko siya eh. Pero I don’t think na compatible kami.

“Naalala mo ba ung favor ko sayo?”

 

“O-Oo naman” Oo bat ko naman kakalimutan sa lahat ng hininging favor sakin yan ang pinaka ayaw kong gawin.

“Buti naman So I won’t have a hard time telling you again kung ano ung favor ko. Details na lang ang kailangan kong sabihin”

 

“So ano ba ang gusto mong mangyari?” Naiinis na ako. Kaya siguro hindi na ako nautal sa pagsagot sakanya.

“I’ll be so busy kaya wag na muna ngayon kasi mawawalan din ako ng time sakanya. Ayaw ko namang mawalan ng time sa babaeng mahal ko”

Bukas Mawawala si Ella [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon