XIII. Friends Again

181 7 13
                                    

XIII. Friends Again.

*Tick Tack Tick Tock*

 

“Hmmmm” Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Tumayo na ako at nagayos. Maaga pala ako dapat ngayon sa school para sa program namin sa 16. Hayy buhay. Kung hindi kami nanalo edi sana ineenjoy ko pa ngayon ang bakasyon kaso kami ang nanalo at magkakaroon ng program sa school para sa Feast day at kailangan naming magperform.

Bigla kong naalala ang mga nangyari sakin nung bago magpasko. Pero Finally nakaget-over na ako sa mga nangyaring un sinabi sakin nila Nicole na Ilet go ko na lang muna at magfocus muna ako sa mga bagay na mas importante sakin. Kaya naman napagdesisyunan kong hayaan na lang muna ang bagay na un. Dahil kung lagi ko na lang iisipin un kailan pa ako babangon sa pagkalugmok? Hahayaan ko na lang bang idown ko ang sarili ko.

At pinaalala din nila sakin na kaya nga ako nagmamakeover hindi para mapansin niya kundi para magkaroon ako ng bagong buhay ung buhay na wala siya. At ng mawala na ako sakanya.

Alam ko sa sarili ko na makakamove on din ako pagdating ng tamang panahon. Kaya hindi ko nirurush na makapagmoveon ako agad agad kasi alam kong in time makakapagmove on din ako.

**

“uy Ella andyan ka na pala. Maaga ka ata ngayon?” Tanung nung organizer namin.

“Oo nga eh Napaaga. Wala na kasi ako magawa sa bahay” Sabiko naman. Napaaga kasi ako ng 30 mins eh dati dumadating ako 5mins before.

“Ate may matutulong ba ako dito?” Tanong ko baka kasi may matulong ako tutal medyo wala naman akong ginagawa. Sipag sipagan muna ako.

“hindi okay lang. Aralin mo na lang ung kanta mo” Sabi niya sakin. Okay. Kasi may solo akong kanta. Dapat talaga ay duet kami ni Carl pero hanggang ngayon ay hindi padin niya ako kinakausap at sinabi din sakin nila Ate na nagrequest siya na wag na daw kaming duet at minsan nga hindi kami nagkakasabay sa practice kasi ang pinili niyang practice ay ung mga days na wala ako. Hindi ko alam sa kanya hanggang ngayon iniiwasan padin niya ako.

“Ate may nakwekwento ba sainyo si Carl?” Sabi ko kay Ate faye.

“Wala man eh. Bakit?” Seryosong sabi nito.

“Wala naman po”

 

“Diba kayo ang magkaibigan dyan? Bakit mo sakin tinatanung? Pero napansin ko ngang parang may iba. Anong nangyari sa inyo?” tahimik kasi sila pag kami ang pinaguusapan kasi nagiiwasan nga kami at medyo obvious. Meron ngang one time may meeting at magkakasama kaming lahat parang ang intense ng atmosphere lalo na nung nagdebate kami sa mga songs. Siya at ako ang laging nagtatalo.

Ewan ko ba kay Carl. Sobrang nagiba na siya ngayon after what happened. Maybe may kasalanan din ako sakanya pero diba una pa lang sinabi ko naman sa kanyang hindi ko talaga kayang ibigay sa kanya ung love na binibigay niya sakin.

Bukas Mawawala si Ella [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon