XIV. I'm setting you free

152 9 4
                                    

XIV. I’m setting you free

 

Hearts Hearts Hearts. Hearts everywhere. Literally puro puso na lang ang nakikita ko. wala nabang iba kundi puro puso. Pwede bang star naman? Hayyy.  Feb 13 na kasi ngayon at bukas na ang Valentines. Nakakainis nga at hindi natuloy ang Lesson 3 kasi madami daw silang inaasikaso kaya sabi nila after Valentines na lang daw.

Pauwi na ako samin kasi kailangan ko ng magready dahil may Valentines Ball sa school and guess what? WALA AKONG DATE. Odiba ang saya? Hahaha. Si Carl kasi may date na eh.  Pero okay lang at least medyo nakakamove on na siya.

Si Nicole kasama niya si Ell “as friends daw sila pupunta dun” tas si Milk and Meg at si baks ewan ko dun pero sabi niya may date daw siya at si Mikel. Ayaw niyang pumunta tinatamad daw. Sabi ko nga punta na siya para naman may kasama ako sabi niya pagisipan daw niya. Kawawa naman ako wala akong date pero okay lang maganda naman ako. *super duper confident na akong maganda ako bat ba?* HAHAHAHAHAHA.

“Ay tipaklong” Nagulat ako ng natapak ako sa putikan. Ang dumi tuloy ng right na paa ko lalo na ang pants ko. Kung minamalas ka nga naman.  Tss.

“Miss are you okay?” tanong ng hindi ko kilala kung sino dahil hindi ko naman nakikita.

“Do I look like I’m okay?” Kasabay nito ang unti unting pagangat ng ulo ko. At shockness to goodness literal na napanganga ako sa nakita ko kung sino ang kumausap sakin

“last time I saw you hindi ka naman ganyan kasungit” Sabi niya. Bigla akong kinabahan at kasabay nito ang pagkahiya ko sa sinabi ko.

“I’m sorry. I’m not in the mood kasi for this eh. Super malas ng araw ko” sabi ko sakanya ng nakasimangot.

“Wag ka ng sumimangot hindi mo bagay. Nga pala Kris” Sabay lahad niya ng kamay niya para makipagshake hands. Gusto kong isagot sa kanya na alam kong Kris ang pangalan niya pero I just can’t. Kahiya baka isipin pa niya stalker niya ako.

“Ella” sabay abot ko naman sa kamay niya para sa shakehands. Sht. Ang lambot ng kamay niya. Swear kahit maghapon na lang kaming magshakehands matutuwa ako. Kahit mangawit ako wapakels.

 

“I know” Sabi niya bigla.

“How did you know?” Ng tanungin ko ito napakamot siya sa ulo niya na para bang nahihiya at hindi alam ang sasabihin.

“A-Ah..-----”

“Nevermind. Sige una na ako ah”Pagputol ko sa sasabihin niya dahil hindi na niya alam ang isasagot niya mamaya kasinungalingan lang ang sabihin niya mabuti pang wag na lang niyang sagutin kesa naman hindi totoo ang sasabihin nila.

“Nagmamadali ka ba?”

 

Bukas Mawawala si Ella [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon