Stoopid Spells E-F-F-O-R-T

7.2K 140 7
                                    

OF COURSE it's not love. Or at least, not yet. "Crush" pa lang ang nararamdaman ni Casey para kay Red. Pero saan naman humahantong ang crush lalo na kung ine-encourage mo ang sarili mo? Sa love. Ang emosyong nagiging inspirasyon niya sa buhay.

"Ano'ng balak mo?" tanong ni Faith sa kanya. Isa ito sa mga kaibigan niya. Hiniling niya rito na samahan siya nitong pumunta sa covered court kung saan nagpa-practice si Red. Base kasi sa research niya rito, MVP ito ng basketball team.

"May try-out ba ang muse ng basketball team?"

Nanlaki ang mga mata nito. "No. 'Wag kang mag-muse! Magsusuot ka ng maaikling damit!" Sa barkada, ito ang pinaka-conservative at relihiyoso. Tatlo silang magkakaibigan. Nabansagan silang "The Loser's Club" dahil outcasts sila sa university.

"Ayoko rin namang magsuot ng gano'n. Isa pa, hindi ko nga alam kung puwede akong mag-muse. Kaso, gusto kong mapalapit kay Red."

"Bakit hindi mo muna ilapit ang sarili mo sa Diyos?"

Napangiti siya. Hanggang maiisingit talaga nito ang pagiging relihiyosa nito, isisingit nito iyon. "Hindi naman ako malayo sa Diyos. Gusto ko lang samantalahin 'to kasi isang semester na lang, ga-graduate na tayo. Gusto ko lang ng inspirasyon."

Hindi na nagsalita si Faith. Parang na-estatwa na ito na 'di mawari. Natigil na rin ito sa paghakbang kaya napahinto din siya. Nakatingin ito sa kung saan kaya sinundan niya ang line of vision nito. May papalapit na guwapong lalaki na nakatingin din dito.

"Sino 'yan?" mahina niyang tanong.

"The devil," she replied.

Huminto ang lalaki sa tapat nito, hindi siya napapansin. Nakasuot iyon ng sunglasses. Kulay red-orange ang buhok niyon at may hikaw iyon sa kilay. He's grinning at her friend.

"'Di ba dapat kinakausap mo 'ko?" may inis na sabi ng lalaki.

"Hindi ako nakikipag-usap sa demonyo."

"Sorry, babe. You have no choice. I have no choice. Kaya 'wag ka nang aalis sa tabi ko kung ayaw mong malintikan sa 'kin."

Pagkatapos niyon ay nilagpasan na sila ng lalaki. May apologetic na tingin na ibinigay sa kanya si Faith bago nito sinundan ang lalaki. Na-curious siya sa kung ano'ng ibig sabihin nang nangyari pero naglaho din agad iyon ng marinig niya ang sigawan ng mga players sa basketball court. Mukhang masasaya ang mga ito kaya tingin niya ay tapos na ang practice.

Pumasok na siya sa basketball court. Nasa bleachers na ang mga basketball players, umiinom ng tubig o nagpupunas ng pawis. Nakatuon ang pansin niya sa coach ng team na nagpupulot ng mga bola. Nagmamadali ang mga paa na lumapit siya doon.

"Coach Arnaiz," pukaw niya.

Napatingin sa kanya si Coach Arnaiz. Binigyan siya nito ng nagtatakang tingin at pagkatamis-tamis naman siyang ngumiti.

"Gusto ko lang pong malaman kung puwede po akong maging part ng basketball team," aniya. "Hindi naman po sa nagyayabang ako pero baka naman po puwede akong maging muse—"

"May muse na kami." Iyon lang at tinalikuran na siya nito. Itinabi nito sa isang malaking bakal na drum ang mga bolang dala nito. Nakasunod naman siya rito.

"Wala po bang women's basketball dito?"

"Wala."

"Baka puwede naman akong maging mascot girl."

Tinakpan ng coach ang drum. "Wala kaming mascot girl."

"Wala na po ba kayong puwedeng posisyong ibigay sa 'kin?"

Not Just A Pretty FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon