"YOU should meet my parents."
Muntik nang mabulunan si Casey sa kinakaing siomai nang marinig ang sinabi ni Red. Naroon sila sa mini-forest na naging bahagi na ng routine nila bilang magkaibigan at kalaunan ay magkasintahan.
Dalawang linggo na ang relasyon nila pero para kay Casey ay parang wala pang isang araw iyon. Napakabilis kasi ng oras kapag kasama mo ang taong mahal mo. Madalas ay mabibitin ka at hihilingin mo na tumigil muna sa paghakbang ang orasan.
Masarap ang feeling nang main-love. Pakiramdam niya ay kaya niyang harapin ang lahat ng problema sa buhay basta alam niyang may masasandalan siyang tulad ni Red. Nakalimutan nga lang niya ang problema tungkol sa pamilya nito.
"Hindi ba parang ang bilis naman yata?"
"Mabilis?" Tiningala siya nito mula sa kinakain nitong spaghetti. May pasta noodle pang nakabitin sa labi. "I already met your mother."
"Eh iba naman 'yon."
"Bakit iba?"
Wala siyang masabing dahilan. Ibinaba ni Red sa mesa ang paper plate nito at hinawakan ang kamay niya. "My parents will like you."
Hindi ko alam, gusto niyang isatinig. Ninais niyang tanungin ito kung paano pinakitunguhan ng Mama nito si Chloe. Pakiramdam nga lang niya ay pagbastos iyon dito kaya hindi siya nagsalita.
"Don't be afraid. I'd be there. Hindi kita pababayaan."
Nagsusumamo ang mga mata nito at hindi niya ito matanggihan. Pagdating dito ay napakalambot ng puso niya. Bumuntong-hininga siya pagkatapos ay tumango. "Kailan tayo pupunta sa inyo?"
Nagliwanag ang mukha nito.
KINAGABIHAN, hindi makatulog si Casey. Iniisip niya kung paano siya pakikitunguhan ng Mama at Papa ni Red sa Sabado. Paano kung hamakin siya ng mga ito? Hindi naman siguro. Bisita pa rin siya. Hindi naman siguro magiging rude ang mga ito sa kanya.
Kinabukasan, sa tulong ng mga kaibigang sina Faith at Bridget, nagkaroon siya ng background sa pamilya ng kasintahan.
"Alam mo na siguro na isa si Mr. Roland Villegas sa mga may-ari nitong university," panimula ni Bridget, ipinatong sa mesa ang mga natipon nitong impormasyon tungkol sa papa ni Red. "Hindi lang 'yon. Madalas siyang maging speaker sa mga seminars about anthrophology and teen psychology. Gumawa siya minsan ng isang article sa isang broadsheet na kumukwestiyon sa mga isinulat ni Dan Brown sa Da Vinci Code."
"Iyong sikat na libro?"
"Yup," ani Bridget. "Nabasa mo na ba 'yon?"
"'Wag niyong basahin ang librong 'yon," react ni Faith.
"Hindi eh," wika naman niya.
"Well, kung bukas na kayo magkikita, hindi ko na isa-suggest na basahin mo pa 'yon."
Tumango siya.
"Ang mama naman ni Red, si Mrs. Alice Villegas, dating teacher sa Physics. Isang malaking misteryo kung bakit agad siya nagbitaw sa trabaho at naging columnist sa isang science magazine for teachers."
Hindi na niya gaanong naintindihan ang sinabi nito dahil ngumiwi na agad siya nang marinig ang "Physics."
"Pero dahil sa tindi ng tiyaga ko sa pagre-research, nalaman ko ang dahilan kung bakit siya nagretiro."
"Ano?" magkapanabayan nilang sabi ni Faith.
Dumukwang si Bridget, na tila isang sekreto na threat sa national security ang sasabihin nito. "Apparently, muntik na siyang makasuhan dahil madalas niyang tawaging 'bobo' ang mga hindi makaintinding estudyante."
BINABASA MO ANG
Not Just A Pretty Face
RomanceBinansagan si Casey sa kanilang university na "beauty with no brains." Kabilang siya sa tinaguriang "The Loser's Club." Hindi lang niya minsang narinig ang pangungutya sa kanya ng mga tao. Pero hindi na niya ininda ang mga iyon lalo na nang aminin...