Kilig Inertia

5.7K 127 6
                                    


INSPIRADO si Casey na lalo pang gumawa ng effort sa pag-aasikaso kay Red. Kaya ginawan niya ito ng isang isang espesyal na sandwich. Inilagay niya iyon sa Tupperware na dinikitan niya ng mga ginupit niyang letra galing sa magazines. FOR THE HANDSOME MVP, ang nakasulat doon.

Kinikilig siya sa tuwing pinakaiisip niya kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nakita ang espesyal na ginawa niya para rito. Kaya tagung-tago niya iyon sa bag niya habang nagpa-practice ang mga ito.

Halatang pinag-iinitan nito si Raffy sa practice. Lagi nitong inaagawan ng bola ang lalaki. Mukhang buwisit na buwisit na si Raffy pero wala naman itong masabi.

May sira din pala ang ulo niya minsan, nangitngiting sabi niya sa sarili.

Pumito na si Coach Arnaiz. Tulad nang nakagawian, agad siyang dumampot ng bimpo at sinalubong si Red. Siguro ngayon, hindi na siya nito iisnabin. Siguro ngayon, tatanggapin na nito ang bimpo na inaabot niya rito and he'd say, "Thanks." Better yet, baka hayaan siya nito na siya na mismo ang magpunas ng pawis nito—

Nilagpasan lang siya nito, dumiretso ito sa bag nito at kumuha ng sarili nitong bimpo. Natigil siya sa pagpapantasya. Prente na itong nakaupo sa isang bench, umiinom mula sa Spider-Man na tumbler nito. Hindi kaya nakalimutan nito na ito na lang ang dapat na bigyan niya ng pansin?

"Naman, dude, akala ko ba papayag ka nang magpa-asikaso kay Casey?" buska ng isa sa mga teammate nito.

"Kung iisnabin mo na lang siya, hayaan mo nang kami na lang ang asikasuhin niya."

"Casey may dala ka bang cookies? Penge naman o. Mukhang wala namang balak kumain 'yang si Red."

Tinapos lang lagukin ni Red lahat ng laman ng tumbler nito bago nito tingnan ng masama ang mga ka-grupo. "Shut up, Ivan. If Casey brought some cookies, I told you you don't have the right to eat them. They're my cookies." Itinuro pa nito ang sarili.

"'Damot," komento ng napagsabihan.

Iyon naman ang cue niya para matauhan. Hindi pala nakalimutan ni Red ang mga nangyari kahapon. Lumapit siya rito at binalak dampian ang noo nito ng bimpo.

"Don't," he said.

"Uuy, pakipot pa si Red," sabay-sabay na tukso ng mga players.

"Shut-up."

Nagtawanan ang mga ito. Napanganga lang siya. Eh ano'ng gagawin niya ngayon? Eto nga ang naging possessive sa kanya kahapon, iyon pala tatanggi din ito sa pag-aalaga niya. Eh di wala rin palang sense ang kasiyahan niya. Hindi naman siya ginagawa ang lahat ng ito para rito. Ginagawa din naman niya iyon para sa kanya. Kasi masaya siyang napagsisilbihan ito. Tapos...

"Come with me," biglang sabi ni Red, tumayo na ito mula sa bench, kinuha ang backpack nito at isinukbit iyon sa balikat nito. "Bring your bag."

"Red, saan ka pupunta?" si Coach Arnaiz.

"Tapos na ang practice, coach. See you tomorrow." Iyon lang at nagpauna nang maglakad ito. Kahit hindi niya gaanong naiintindihan ang lahat ay sumunod na siya rito. Sa mini-forest na naman ang direksiyong tinutungo nito. Pumili ito ng puwesto doon na malayo sa ibang estudyante, sa ilalim ng puno ng sampalok. Relaxing ang malamig na hangin doon kaysa sa kulob na athmosphere ng covered court.

Sinamyo niya ang hangin at may kalmadong damdamin na ipinatong niya sa concrete table ang bag niya. Ipinatong din ni Red ang bag nito doon. Magkatabi silang naupo. Walang nangahas na magsalita agad. Naririnig nila ng bahagya ang tawanan ng mga estudyante ilang metro ang layo mula sa kanila. Then, parang pirated CD, nagsalita si Red nang paunti-unti.

Not Just A Pretty FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon