Me Minus You

5.5K 109 2
                                    


"I'M OVER."

Iyon ang himutok ni Casey sa mga kaibigan niyang sina Bridget at Faith ng araw na iyon. Pinapunta niya ang mga ito sa pastry shop niya, ang Sinful Chocolates. Hindi biro ang ginawa niyang pagtitiis at pag-iipon, makapagtayo lang ng may kalakihang negosyo sa kahit paano ay disenteng puwesto. Halos patayin niya ang sarili niya sa pinagtrabahuhan niyang sikat na bake shop. Buti na lang at pleasing daw ang personality niya kaya madali siyang natanggap sa bake shop na iyon. Kahit ang tita niya na nagpa-aral sa kanya ay naging proud sa kanya. But she wasn't satisfied on just working on a shop. She wanted her own.

Hindi man niya mabigyan ng luho ang sarili niya, makadagdag lang sa iniipon niyang puhunan, matatanggap niya. Akala niya, kapag nakaipon na siya ng sapat na pera at naitayo na ang shop, magiging maayos ang lahat. Nagkamali siya. Siguro dahil hindi sikat, wala siyang laban sa mga established nang bake shop. Maliit lang ang naiuuwi niyang kita at iyon ang ikina-de-depress niya.

"Gumawa ka kaya ng mga gimmick?" suggestion ni Bridget. "'Yong hindi pa naiisip ni Goldilocks."

"Like what?" Nangalumbaba siya sa tabi ng cash register. Pinagmeryenda muna niya ang kahera niya dahil madalas ay nakatunganga lang ito doon.

"Like phallic shaped bread or something."

Nakatikim ito ng masamang tingin kay Faith. Umikot naman ang mga mata niya. "Pinairal mo na naman 'yang ka-weirduhan mo."

"I'm serious. Siguradong macu-curious ang mga tao kung ano ang lasa ng phallic shaped bread—"

"What about hiring a mascot?" nakangiwing singit ni Faith, gusto lang matigil na ang kaibigan. "Mascot na namimigay ng flyers about the shop."

"Mascot? Ano 'to, day care center?" sabi ni Bridget. "I'm insisting the phallic shaped bread."

"'Wag," kontra ni Faith. "Alam mo bang may espesyal na simbolismo ang tinapay sa Bibliya?"

Itinaas niya ang mga kamay para awatin ang mga ito. "Guys, guys, 'wag kayong mag-away. Noted lahat ng suggestions niyo. A mascot would be a safe choice and Bridget's suggestion might arouse some interest. I'm going to work on it." Halatang gusto pa ring tumulong ng mga ito kaya kaysa magkaroon pa ng pagtatalo ay iniba na niya ang topic. "Kumusta ang mga love life niyo?"

Sabay na nag-ismiran ang mga ito. Iyon lang ang topic na siguradong hindi magpa-participate sa mga ito. Hindi niya alam kung may nakikilalang lalaki ang mga ito dahil hindi naman nagse-share ang mga ito. Siya ang madalas mag-share tungkol sa love life. Noon iyon.

Kasi hanggang ngayon, isa pa rin ang taong itinitibok ng puso niya. Si Red pa rin ang lalaking gumugulo sa isip niya. Kaya kailangan niyang mag-bake nang mag-bake ng mga matamis para malibang siya at hindi isipin ito. Maraming nagpalipad hangin sa kanya, pero dahil na rin sa mga pangarap niya sa buhay kaya hindi siya nag-entertain kahit isa sa mga ito.

Lahat ng sinabi ng matapobreng ina ni Red ay naging eye opener para sa kanya. Hindi siya dapat pumayag na tapak-tapakan siya. Isalya-salya sa sulok na parang basahan. Kaya siya nagsisikap ay para mapatunayan niya, hindi lang sa ibang tao kundi pati na rin sa sarili niya, na hindi totoo lahat ng sinabi ng mama ni Red. She's not just a pretty face. She's more than that.

"Bakit ba laging lovelife ang itinatanong mo?" wika ni Bridget na nakapagpabalik sa kanya sa realidad.

"Kasi hindi kayo nagse-share."

"Love does not boast," singit ni Faith.

"Share lang, hindi boast," aniya. "Kahit first letter, magkaiba ang mga 'yon."

Sa dalawang kaibigan niya, may pakiramdam siya na si Faith ang may kinakaharap na sitwasyon sa pag-ibig. Nakikita niya iyon sa mga kilos nito.

"I don't need love," bida naman ng wala pa ring sawa sa pagiging cynic na si Bridget. "Napanood mo ba 'yong Glee kagabi? Sabi doon, when you're different, when you're special, you have to get used on being alone."

Not Just A Pretty FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon