TULALA at wala sa sarili si Casey habang nakaupo sa isang bench sa mini-forest ng university. Hindi na nga na-appreciate ni Red ang effort niya na ginawan niya ito ng card, walang pakundangan pa nitong itinapon iyon sa harap niya. Ano ba talagang problema nito? Bakit parang ang laki ng galit nito sa kanya?
Ano bang ginawa ko? Maiiyak na tinitigan niya ang nagbabalat na kamay dahil hindi miminsang napaso siya ng glue gun habang ginagawa ang card. Ang sama sama naman niya. Kung hindi niya type ang color o hindi niya talaga ako type, sana man lang hindi niya 'tinapon.
Ano pang magagawa niya? Alangan namang utusan niya ito na i-rewind ang mga ginawa nito? Ang gagawin na lang niya, babalikan niya iyong card at iuuwi niya sa bahay. Susunugin niya iyon para hindi na niya maalala ang lintik na araw na ito.
Magaan na kahit paano ang dibdib niya habang naglalakad pabalik sa covered court. Wala nang tao roon dahil inilibre ng coach ang mga players sa pagkakapanalo ng mga ito. Papasok na lang siya sa court nang may makita siyang bulto ng katawan na palapit sa basurahan.
Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya na magkubli na lang sa isang puno na malapit sa kanya at manood. Hindi niya makilala ang lalaki dahil nakatalikod ito sa kanya. Nakasuot pa ito ng hooded jacket. Tinanggal nito ang takip ng basurahan at pinaghahagis ang ilang basura sa mula sa loob. May pinulot ito sa loob ng basurahan at pumihit paharap kaya nakilala niya ito.
Her jaws dropped. It was Red. Palinga-linga pa ito na tila natatakot na may makakita dito. Hawak-hawak nito sa isang kamay nito ang kulay pink niyang congratulatory card. Isiniksik nito iyon sa backpack nito. Maya-maya ay nakita niyang nakangiti ito habang palabas ng covered court.
Oh, God. Binalikan nito ang card niya! Hindi lang iyon, parang ang saya saya nito na naroon pa rin ang card na itinapon nito. Nagustuhan nito ang card niya at hindi lang nito inamin iyon sa kanya! Anak ng teteng!
And that mouth watering smile.... Grr. Nakakagigil. Ang sarap sigurong burahin ang matamis na ngiting iyon sa pamamagitan ng halik. He looked so much handsome when he's smiling. Naso-soften ang features nito at nakakatunaw iyon ng puso.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatambay sa punong iyon, nangingiti na parang luka-luka. Kung hindi pa siya kinagat ng mga langgam ay baka nakatulala pa rin siya.
Ang bilis bilis ng tibok ng puso niya.
BILANG lang ang araw na kinakausap si ni Red si Casey. Kaya walang choice si Casey kundi maghintay ng mga araw na susuwertehin siya. Malas siya ngayong araw dahil habang inaabutan niya ng iced tea si Red pagkatapos ng practice ay hindi naman siya nito pinapansin. Ang tagal tagal nang naka-outstretch ang kamay niya ay hindi man lang nito tinatanggap ang inumin. Nakikipag-usap ito sa cell phone nito.
"'Ma, I'm sorry. I can't meet you and Mia today. I'm dog tired I just wanted to go home. Hindi na ako makakadaan diyan." Nakinig ito sa kausap. Napangiwi ito. "I know, 'Ma. I promised to attend this dinner. Please bear with me. I'm not even presentable—"
Halatang binabaan ito ng kausap nito dahil bigla na lang itong naputol sa pagsasalita.
"Iced tea?" alok niya.
Tinanggap nito iyon at tinungga. Napalunok siya. Habang umiinom ito, kitang-kita niya ang pagtaas-baba ng Adam's apple nito. Ano kayang pakiramdam na mahawakan ang Adam's apple nito? Kung magiging boyfriend kaya niya ito, hahayaan nito na halik-halikan niya ang parteng iyon ng katawan nito?
Magiging boyfriend ka diyan. Eh hindi ka nga pinapansin.
Eh ano? kontra niya sa isip niya. Binalikan niya iyong card na ginawa ko para sa kanya. Alam ko na may ibig sabihin ang ginawa niyang 'yon.
BINABASA MO ANG
Not Just A Pretty Face
RomanceBinansagan si Casey sa kanilang university na "beauty with no brains." Kabilang siya sa tinaguriang "The Loser's Club." Hindi lang niya minsang narinig ang pangungutya sa kanya ng mga tao. Pero hindi na niya ininda ang mga iyon lalo na nang aminin...