ANO'NG gagawin ni Casey ngayon? Nakatakda na ang panibagong dinner sa susunod na linggo at hirap na hirap siyang intindihin ang mga kontribusyon ni Sigmund Freud sa Psychology. Lalo siyang natakot nang maisip na paano kung hindi na si Sigmund Freud ang pag-usapan nila? Paano kung ibang tao na naman na hindi niya kilala? At hindi niya kayang i-review ang Physics sa loob ng isang linggo. Nasusuka na siya sa pilit pag-intindi ng mga formula.
"Do you really have to do that?" pagsusungit ni Bridget sa kanya isang araw na nakatambay sila sa library. "Baguhin mo ang sarili mo para magustuhan ka lang ng magulang niya?"
"And you have to think of this, paano kung wala sa mga pinag-aaralan mo ngayon ang itanong sa 'yo?" wika ni Faith.
"Marami kasing branches of knowledge sa mundo. Hindi porket alam nila, dapat alam mo. Kung hindi nila naiintindihan 'yon, hindi sila kasing-talino ng inaakala ko." himutok ni Bridget.
"Wala naman ako'ng magagawa eh," sabi niya.
"Ano namang opinyon ni Red?"
"Ayaw din niya. Ako kasi ang may gusto. Kailangan kasi na makuha ko ang loob ng mga magulang niya. Paano kung utusan nila si Red na hiwalayan ako?"
"Malaki na si Red. May mga sarili na siyang desisiyon."
"Ewan ko. Base sa nakikita ko, hindi pumapayag ang mga magulang niya na nasusuway lahat ng gusto ng mga ito. Isa pa, hindi pa naman talaga kami matatanda ni Red. Nasa legal na edad na kami, pero alam kong ibabase pa rin talaga namin ang desisyon namin sa mga magulang namin." Hindi niya mapigilang kutkutin ang kuko niya habang nagsasalita. "Ayoko lang umabot sa punto na dahil hindi ako gusto ng mga magulang niya, ipitin pa nila si Red para lang lumayo sa 'kin."
Dahil posible naman talaga iyon 'di ba? Posibleng manipulahin pa ng mga iyon si Red sa magiging desisyon nito. Karapatan kasi ng mga ito iyon bilang magulang.
"Eh ang gusto naman nilang maging girlfriend ng anak nila, taong-computer," nakahalukipkip pang himutok ni Bridget. "Kahit sino, hindi mami-meet ang standards nila."
"Bridget's right," pagsang-ayon ni Faith. Hinawakan nito ang kamay niya. "You're a wonderful person, Casey. You're not dumb. Kung hindi nila ma-a-appreciate 'yon, hindi mo na kasalanan 'yon."
She nodded, touched. "But I want to do this. I love Red so much that I want to be the right girl for him." Pagkatapos niyon ay namalisbis ang mga luha niya sa pisngi niya.
Naantig naman ang kaibigan niyang si Bridget. "Come here."
Niyakap siya ng kaibigan. Gumanti naman siya ng yakap dito. Kung sana, magiging maayos na lang ang lahat.
NAPUPUYAT si Casey sa kababasa ng mga piling libro. Nagre-research siya tungkol sa mga current events para magmukha naman siyang aware sa nangyayari sa lipunan. Alam niyang hindi siya magiging genius overnight pero puwede naman siyang mag-improve. Hindi na sana magmukhang katawa-tawa ang mga sagot niya tulad nang nangyari noong nakaraan.
Kapag gabi—umaga, inuumaga na kasi siya sa ginagawa niya, ipagdadasal niya na sana ay umayon sa kanya ang tadhana. Na kung hindi man biglaang magbago ang mga magulang ni Red at tanggapin siya sa kung ano siya, sana ay kung ano man ang pag-uusapan nila, tungkol iyon sa mga pinag-aralan niya.
Nakakatawa ang nangyayari kung tutuusin. Alam niyang malabo na may mabago sa kanya sa loob lang ng isang linggo. Wala nga lang siyang pagpipilian. Kaysa hindi siya mag-effort, mabuti na iyong sumubok siya.
Gabi-gabi ring tumatawag sa kanya si Red, pinapalakas ang loob niya.
"Alam mo naman na hindi mo dapat gawin 'to, 'di ba?" tanong nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Not Just A Pretty Face
RomanceBinansagan si Casey sa kanilang university na "beauty with no brains." Kabilang siya sa tinaguriang "The Loser's Club." Hindi lang niya minsang narinig ang pangungutya sa kanya ng mga tao. Pero hindi na niya ininda ang mga iyon lalo na nang aminin...