Circulatory System Sucks

5K 102 5
                                    


HINDI na gaanong na-assess ni Casey kung ano ang mga nangyayari dahil pumila na sa puwesto niya ang mga bata. Kahit maraming tanong sa isip ay napilitan na siyang magpamigay ng cake. Pero panaka-naka pa rin siyang sumusulyap kay Red. Kasama nito sa isang table ang mga magulang nito.

Isang batang lalaki na super cute ang pumila muli sa puwesto niya, may kasama itong isang guwapong lalaki.

"Hello," the man greeted. "I'm Sam."

She smiled at him, and then looked at the grinning little boy. "Gusto mo pa ng cake?"

Paulit-ulit na tumango ito.

"Okay. Basta you should brush your teeth later, okay?"

The kid's grin widened. Tila nagrereklamo namang nagsalita si Sam.

"Ang lakas talaga ng dating sa babae ng batang 'yan. Hindi mo na tuloy ako napansin—"

"Get out of here, dude," biglang lumapit si Red, salubong ang kilay na nakatingin kay Sam. "Get a cake and get lost."

Natatawang dumampot si Sam ng isa sa mga plato at hinila ang kamay ng cute na bata palayo doon. Yumuko siya sa mga cake dahil hindi niya kayang salubungin ang tingin nito. Hindi niya alam ang sasabihin dito. May hiya rin siyang nararamdaman dito.

"I'm expecting a hug," narinig niyang biglang sabi nito.

Napatanga siya rito. "Huh?"

"I'm also expecting an apology."

"Why would I apologize?"

"Nasaktan ako noong araw na buhusan mo ako ng harina. Hindi ka pala nagtitiwala sa 'kin. Do you think I'm a jerk that will force you to make my wedding cake?" She could see pain in his eyes, indeed. Siguro iyon ang dahilan kaya hindi agad nito nilinaw ang lahat noong buhusan niya ito ng harina. "Gano'n ba kasamang tao ang tingin mo sa 'kin para pag-isipan mo ako nang gano'n?"

Inabutan niya ito ng cake para walang magduda sa kanila. "To be fair, hindi mo nilinaw sa 'kin na hindi ikaw ang ikakasal kay Mia," sabi niya. "Ipinagkasundo ka sa kanya noon. And Mia called you "sweetheart." What am I supposed to think?"

"Yeah, that's so stupid of me. Gano'n talaga ang endearment ni Mia sa mga kaibigan niya. Hindi ko din nabanggit na sa pinsan ko ikakasal si Mia. Pero hinihintay rin kasi kitang magtanong. Alam mo naman na hindi ako sanay na sabihin ang nararamdaman ko. I can't just say na 'hoy, hindi ako ang ikakasal kay Mia, tingin mo may tsansa pa tayo?'"

Namula ang mga pisngi niya sa narinig. Nagsimulang mabuhay muli ang puso niya. So kaya naging sweet si Red sa kanya ay dahil gusto talaga nito na magkaroon sila ng panibagong pagkakataon?

"Isa pa, I thought I'm sending the message clear noong nakikipaglambingan ako sa 'yo at naiinis ako sa poster sa bahay mo. Baka 'kako maisip mo na kung naglalambing ako sa 'yo, ibig sabihin hindi talaga ako ikakasal kay Mia. I can't live with a robot you know? Kaya nga bagay sila ng pinsan ko."

She just laughed at that. "You really don't understand women, Red. Praning kami. Paranoid. Inisip ko na salawahan kang lalaki kaya nagiging sweet ka sa 'kin kahit ikakasal ka na."

"Ouch." Humawak ito sa dibdib nito. "Gano'n talaga kasama ang tingin mo sa 'kin?"

Hindi niya ito sinagot. Yumuko ito, nakapako pa rin ang mga mata sa kanya.

"Hindi kita sasaktan ng gano'n, Cas. Kapag naiisip ko pa lang na nasasaktan ka, nahihirapan na rin ako."

Lumambot ang puso niya sa sinabi nito. Gusto na niyang aminin na mahal niya pa rin ito, kung hindi lang may bisitang pumila sa likod nito. "Mamaya na lang tayo mag-usap. Pagkatapos ng kasal."

Not Just A Pretty FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon