False Deduction

5K 107 3
                                    


INABOT din sina Casey ng ilang oras bago matapos ang isa sa mga recipe na dala ni Red. May ngiti sa mga labi si Red habang nakatingin sa cake, dahil iyon daw ang unang cake na tumulong ito sa paggawa. Kapangalan pa nito ang recipe, Red Velvet Redux. Hindi na rin tuloy niya mapigilan ang mapangiti.

"Para kang tanga," pang-iinis niya rito.

His brow cocked a little. "And why is that?"

"Ngiting-ngiti ka diyan."

"Because I baked this." Iminuwestra nito ang cake.

Umangal siya. "Ako ang nag-bake niyan. Nag-abot ka lang ng mga ingredients."

"That's the point." Tumiin ang titig nito sa kanya. "I'm happy because you baked this with me."

Nawala ang ngiti niya. Inilayo niya ang tingin niya rito dahil nahihipnotismo na naman siya noon. Lumunok siya bago nagsalita. "Kainin na natin 'yan."

"Aye."

Kumuha na sila ng mga platito at kutsara sa tauban ng pinggan. Nilagyan nito ng isang slice ang platito niya. Naglagay din ito ng cake sa platito nito at ilang sandali pa ay nilalantakan na nila iyon. She heard him gasp, and then groan a little. Ayan na naman ang parang laging nang-aakit ang mga ungol nito. Kaysa ma-distract sa appreciative na mga tunog na ginagawa nito, minabuti niyang magsalita.

"Ano, sa reaksyon mo, s-siguro naman m-masaya ka na sa c-cake na 'to," nagkakandabulol na sabi niya. "Hindi na siguro natin kailangan magbake pa—"

"It's sweet," ang nakakainis na namang komento nito. Parang wala nang balak mag-elaborate. "And I really don't like that."

Tiningala niya ito. "What?"

Nakaturo ito sa kung saan, kunot ang noo. Sinundan niya ng tingin ang direksyon na itinuturo nito. Sa poster na naman ni Hyun Bin.

"Hindi ka naman inaano niyan."

"I don't trust him."

Tiningnan niya ito na parang ito na ang pinaka-absurd na tao sa mundo. Ngumisi lang ito na parang hindi alintana iyon. "Bukas, ibe-bake natin 'yong pangalawang cake. Sana naman tanggalin mo na 'yang poster ng pangit na 'yan." Tumingin ulit ito ng masama sa poster na walang malay.

"Parang sobra na yata 'yan," angal niya. "'Tsaka, hindi ka pa ba kontento sa cake na 'to at mambubuwisit ka na naman bukas—"

Bago pa siya makapagtuluy-tuloy ng pagdakdak, iniumang na nito ang tinidor nito sa kanya. May malaking slice ng cake sa dulo niyon. Napatingin siya sa cake, na mas nagmukhang masarap dahil gusto nitong ipakain iyon sa kanya. Umangat ang tingin niya rito, at halos mangaligkig siya sa masarap na kilabot nang makita ang mga mata nito. His eyes seemed to be expecting something from her. Expecting her to bite on the cake.

Hindi niya alam ang sasabihin. Napalunok siya, lalo pa nang magkaroon ng bahid ng nanunuksong ngiti ang mga labi nito. "C'mon. 'Wag mo naman akong ipahiya. Taste it," parang dumadaan sa ilong ang tinig nito, at nagpabilis iyon ng tibok ng puso niya.

What would I taste?

Nararamdaman niyang umiinit ang leeg niya at hindi niya iyon nagustuhan. Sa pagkagat niya sa cake nang dahan-dahan ay nabigla siya sa sunod na ginawa ni Red.

Dumukwang ito palapit sa kanya, bahagya ring kinagatan ang kabilang dulo ng cake sa tinidor, tulad nang ginagawa nila noon. Hindi siya nakaatras. Magkatapatan na ang mga mukha nila na malapitan na niyang nakikita ang mga mata nito. Napaka-amo niyon, totoo. Pero may kakaibang apoy na tila dumadaan doon at sinusunog siya. Before she knew it, bumagsak na ang tinidor na nakapagitan sa kanilang dalawa. Ang mga labi nitong may mantsa pa ng icing ay umawang, pagkatapos ay unti-unting bumaba para sakupin ang mga labi niya.

Not Just A Pretty FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon