ITINURING ni Casey na pangalawang heartbreak ang nangyari. Mula kasi ng gabing dalhin sa ospital ang mama ni Red ay hindi na tumawag ang lalaki sa kanya. Kung kailan abot-kamay na niya ang happy ending na gusto niya, 'tsaka pa nangyari iyon. Minsan talaga nakakainis ang buhay. Marahas at hindi patas.
Lagi siyang nagbubukas ng shop sa pagbabaka-sakaling dadating si Red. Kahit dumating man itong galit dahil sa naging epekto ng nagawa niya, tatanggapin niya. Aaminin pa niya na kasalanan niya lahat. Basta malaman lang niya kung ano ang saloobin nito. Basta malaman lang niya kung kaya pa siyang tanggapin nito sa kabila nang nangyari. Basta malaman lang niya kung kaya pa rin nitong mahalin siya.
"Ang sama ng sinabi ko sa mama niya, guys. Alam ko na galit na siya sa 'kin ngayon," himutok niya kina Bridget at Faith.
Niyakap siya ni Faith at inalo. Pinisil naman ni Bridget ang kamay niya.
"Wala kang ginawang mali. Sinabi mo lang ang mga nararamdaman mo."
Napaiyak na lang siya. "Hindi ko naman gusto na atakehin siya sa puso eh. Ayoko lang kasi na tapakan niya ulit ako. Hindi ko talaga gusto na inatake siya, hindi..."
Pinatahan muna siya ng mga ito bago nagdesisyong umalis. May kanya-kanya rin kasing lakad ang mga ito. Maybe even having problems of their own. She was alone in her kitchen again. Naririnig pa niya ang mga hagikgik ng kahera niya. Kausap na naman nito ang boyfriend nito sa telepono. Buti pa ito, masaya. Nang pauwi siya ng gabing iyon, pakiramdam niya ay isa siyang ibon na napahiwalay sa mga kasama.
Tinawagan niya ang nanay niya. Sinasabi niyang sa isang linggo ay magbabakasyon siya sa Zambales. Maybe she's stay there for three days. Or a week. Just to take the guilt out of her nerves. Pumayag naman ito, nagtanong kung mayroon daw ba siyang pinagdadaanan. Nagsinungaling siya. Everything's okay, everything's fine. Nothing's wrong.
Naniwala naman ito.
Kinabukasan, nandoon ulit siya sa shop, nakatunganga na naman sa kusina. Kung sana lang, puntahan siya ni Red. Kahit isuka na siya nito, tatanggapin niya. Basta makahingi lang siya ng tawad dito. Kung sana lang—
"Ma'am!" putol ng kahera niya sa mga iniisip niya. "Pakipunuan daw po itong mga Tupperware ng mga cookies."
Dalawang green na tupperware na walang takip ang ibinaba ng kahera niya sa baking table. Hindi na kakaiba ang mga kostumer na nagdadala ng sariling lalagyan para sa mga tinapay. Tumayo siya at binuksan ang oven. Pinuno niya ng mga cookies ang mga Tupperware at sinigawan ang kahera niya.
"Okay na ma'am?" bungad na tanong nito.
She nodded. Nakangisi nitong kinuha ang mga Tupperware. Bumalik siya sa kinauupuan at magpapakalunod na sana sa mga depressing thoughts kung hindi lang muling pumasok sa kusina ang kahera niya. Bitbit pa rin nito ang mga Tupperware, pero this time, may takip na 'yon.
"What's that?"
Ipinatong nito sa mesa ang Tupperware at ngumiti. "Para raw po 'yan sa inyo."
"What—" Napahinto siya nang makita na may mga ginupit na letra na nakadikit sa takip niyon. Dagli siyang naliyo ng mabasa niya iyon. FOR THE BEAUTIFUL BAKER, sabi ng isa. Sa kabila naman, I'M WAITING FOR YOU OUTSIDE.
Para siyang nakadroga ng mga sandaling iyon. Dumoble ang bilis ng tibok ng puso niya. Natatarantang lumabas siya ng kusina. Nakadulog sa isang mesa si Red, nakangiti sa kanya. Hawak nito ang tupperware na hiningi nito sa kanya noon. Iyong may nakasulat na FOR THE HANDSOME MVP.
Parang gusto niyang sumabog, lapitan ito at humingi ng tawad sa nagawa niya sa mama nito. Pero parang namanhid ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw.
BINABASA MO ANG
Not Just A Pretty Face
RomanceBinansagan si Casey sa kanilang university na "beauty with no brains." Kabilang siya sa tinaguriang "The Loser's Club." Hindi lang niya minsang narinig ang pangungutya sa kanya ng mga tao. Pero hindi na niya ininda ang mga iyon lalo na nang aminin...