Third Person's POV
Agad na naglaho ang pagpapalit-anyo ni Dainus at nagmulat ng mata si Serrina
" King Dainus.." mahina nitong usal
Wala na ang liwanag na nagmumula sa kanyang mga mata pero wala ring emosyon iyong pinapakita
" Tanggapin mo sana ang aking paumanhin subalit hindi ko kayang tagalan na makita ang asawa kong nagdurusa" malungkot na wika nito
" Si Queen Isabelle?? Ano pong nangyari sa kanya?? Sinong may kasalanan??" wika ni Serrina na halatang nag-aalala
" Ikaw.. Ang mga Dainus Moon ang pinagmulan ng kakayahan sa paggawa ng ilusyon.. Magagawa naming makapagpalit ng identidad at maging kamukha ng ibang tao sa loob lamang ng isang araw.." saad ni Dainus
" Kung ganoon kayo si Sakea kanina.. Paano nyo po nagawa ang apoy?" tanong ni Serrina
" Kaya naming gamiting royal blood ang kapangyarihan ng taong iyon o ng halimaw man ng isang beses subalit hindi kasinglakas ng orihinal o hindi kaya'y lagpas pa subalit mababawasan ang buhay namin" malungkot nitong wika
" Patay na naman kayo.. Bakit nyo pa poproblemahin!?" sarkastikong wika ni Serrina
" Hindi mo ba naiintindihan hanggang ngayon?? Tinawag kaming Dainus Moon dahil kami ang kumokontrol sa kalansay ng mga namayapa subalit sa oras na maglaho ito at maging abo hindi na namin hawak ang taong iyon.. Kung makokopya naman namin ang isang malakas na tao at masobrahan ang pagbibigay namin ng pwersa maaaring abo ang kantungan namin.. Walang hanggang man ang buhay namin bilang patay ngunit may hangganan lahat ng bagay.." wika ni Dainus na nagpailing kay Serrina
" Ang nais ko lamang ipahiwatig sa iyo ay ganito.. Kung magkakaanak kayo ng anak ko pero wala kang pagmamahal sa batang iyon, hindi mawawala ang singsing kahit pa may tagapagmana na ito.. Ang pag-ibig ang kapangyarihan.. Ang anak nyo ang simbolo ng mga kinokontrol namin.. Kung walang mahika, hindi ka makakapagkontrol subalit aanhin mo ang mahika kung wala namang dahilan para gamitin pa ito.. Lahat ng tao nakakaramdam Serrina.. Ito ang kadalasang sanhi ng pagiging padalos-dalos ng tao.. Alam kong alam mo ang mangyayari sa mga sitwasyong hindi napag-iisipan ng maayos ?" nakangiting usal ni Dainus at inilapag si Serrina sa palasyo ng Black City
" Hindi ko po maintindihan ang nais nyong sabihin" wika ni Serrina
" Maiintindihan mo pagkat ito'y naramdaman mo.. Tandaan mong kapag kumokontrol ka, dapat tama ang nararamdaman nito" wika ni Dainus at itinuro ang puso ni Serrina
" Iyan ang magsasabi kung ano ang gagawin ng mga mamamayan ko.." wika muli ni Dainus at hinawakan sa ulo si Serrina
" Magiging isa kang dakilang reyna.. Alam ko ang dahilan kung bakit kayo pumunta roon sa nasirang palasyo.. Black princess subalit anak ko na ang nagdesisyon.. Mahal ka niyang talaga kayat ibinigay ko ang singsing na ito.. Sa ganitong paraan malalaman niya ang salitang pagsuko sa mga taong hindi naman siya mahal" malungkot na wika nito
Muling umilaw ang mata sa bungo subalit naging pink ito sa kaunting segundo
" Pinahihirapan nyo ang anak nyo at idinadamay nyo ako" wika ni Serrina
Ngumiti si Haring Dainus
" Wala akong pinahihirapan Serrina nais kong itatak mo iyan sa iyong isipan.. Inilalagay ko lang sa tama ang dapat na mangyari.. Kung hindi mo lamang nainom ang dugo ng pulang imperyo marahil maiintindihan mo ang ipinararating ko.. Sa kabila nito, handa akong maghintay ng ilang milyong taon para sa magiging apo ko sayo" nakangisi nitong saad at nagpahulog sa ikaapat na palapag ng palasyo
Bago tuluyang mahulog ay naging kalansay ito at kinain na ng lupa.. Pumasok na si Serrina sa kanyang kwarto..
" Hey.." bati ni Kean
BINABASA MO ANG
Guns and Swords Online: Black Princess
ActionMatapos ang sunud-sunod na kalituhan sa tunay na pagkatao ni Sherelyn December nalaman na rin niya sa wakas ang kanyang tunay na pagkatao. Kasama ng kanyang tiyang si Adriana ay ipinakilala na sa kanya ang tunay niyang mundo, ang Black City. Napag-a...