Serrina's POV
Agad kong iniharang ang kamay ko ng ibinato ni Kean iyon sa mga bata
" Aaahhhh!!!" sigaw ko nang malapnos ang balat ko sa sobrang init
Hindi na ako makakagamit ng mahikang kinakailangan ng dalawang kamay dahil sa pagkalapnos noo'y naramdaman kong hinigop nito ang kapangyarihan ko.. Nagawa ko namang ibalik iyon sa dati dahil na rin sa dugong bampirang nananalaytay sa akin..
" Wala kang karapatang saktan ang mga anak ko!" sigaw ko sa kanya
Mabilis kong tinanggal ang pagkakatali ng mga bata at itinago sila sa likod ko.. Nakita ko ang pintuan sa di kalayuan at gumawa ng itim na orb sa kamay ko.. Itinutok ko iyon kay Kean
" Sa palagay mo ba matatakot ako sa ganyan??" tanong nito
" Dapat lang!" usal ko at ibinato ito sa pinto saka kami mabilis na tumakbo sa loob
Nagulantang ako sa nakita ko..
" Anak!! Tulungan mo si mama!!" mahinang usal nito
Tinira ko ang bubungan ng kwarto at mula roon ay lumipad kami ng mga anak ko gamit ang kapangyarihang nakuha ko kay Ken.. Pagkarating namin sa taas naroon sina Tita Adriana at Tito Adrian
" Patay na kayo!" usal ko sa mga ito
" For the Demon King.. We serve only the demon King" usal ng mga ito..
May yumakap mula sa likod ko kaya agad ko iyong sinaksak..
" A-anak.." wika noon
" PAPA!!" sigaw ko subalit huli na at nahulog na ito sa mainit na magma sa ibaba
" Serrina!!" sigaw ni Red
Agad kaming lumipad papunta roon at mahigpit niya akong niyakap.. Nakita kong nakasunod na sa kanya ang kapatid ko at ang iba pa..
" Napakabilis mo naman tumawag ng back up, dirty crow" nakangising wika ni Ken na nakalutang
" Hindi back up ang tawag sa kanila! Pamilya!" usal ko
Mula sa magma, nagsilabasan lahat ng mga pumanaw na at nakita ko ang singsing ni reyna Isabelle sa babaeng hinding-hindi ko pipiliing maging kaibigan
" Darke.." walang emosyong usal ko
" Wow?? Naaalala mo pa pala ako?? Nice, nice, eh siya??" tanong nito
Mula sa magma, lumabas si Sep
" Sep!!" giit ko
" We serve only the Demon King!!" tugon nito
" You realized it na pala?? Hahaha!! Alam mo kasi si Light?? Traydor.. Oo!! Nakakatawang isipin na pinagplanuhan niya talaga akong patayin para sayo! Sadly.. The mirror reflected.. Ayun!! Hahahahahaha!!" wika niya
" W*l*ng H*ya ka!!! Kapatid mo siya pero naatim mong patayin??" sigaw ko
" Ooppss!! Look who's talking!! Hahahahaha!!" pang-aalaska niya na binabalik ang nakaraan
" I have a surprisee!! There's moreee!!" patuloy niya
Mula muli sa magma ay lumabas si Karl..
" Hindi.." gulat kong wika
" Well, I saw this poor little guy na naglalakad and guess what?? Nakapagrevenge na ako para sa soul ni Mommy!!" masaya niyang wika
" What are you saying Darke??" tanong ni Maria
" Karl's mother killed our mother!! Stephan told me.. He said that he saw tita na hawak ang gun.. That Gunversil isn't the culprit but Dixon!!" wika nito
" Bakit kailangan mo pang gawin ito?!" sigaw ni Glaire
" I feel happiness seeing Gunversil family burn in a sh*tty problems.. And it's so d*mn funny making you f*ckin' suffer.." wika niya
" Stop this b*llsh*t.. Darke.." iritang wika ni Ken
" Yes master.." usal nito
" Isa lang naman ang gusto ko... Mamatay kayo at ako ang maghari sa mundo.. Alam nyo kung bakit??" wika nito
" Anghel ka noon.." tugon ko
" Tama.. Anghel ako noon.." paninigurado niya
" Masyado kasi kayong ganid na mga tao kaya lahat ng binibigay ko ay hindi sapat.." inis nitong saad
" At humihina ang kapangyarihan mo dahil sa bawat kahilingan na gawin mo, nakakalimutan na nilang sumamba sa iyo.. Hanggang sa pinatayuan ka ng Gunversil ng palasyo at ikinulong ka sa loob nito nagpapanggap na ikaw pa ang hari subalit sila lamang ang nakikinabang dito" natatawang wika ko
" Nagkakamali ka.. Malaki-laki ang naiambag ni Andrew dito.. Binigyan niya ako ng walang hanggang kapangyarihan.." wika nito
" AAAHHHHHH!!!" palahaw ng aking ina..
" Mom.." saad ni Serrene
" Subalit hindi na iyon sapat kaya kailangan ko ng kapangyarihan.. Makukuha ko lamang iyon sa mga anak ni Serenity.." wika nito
Naglaho siya sa harapan namin..
" At ipapakita nyo ang nakapagandang pakpak ng anghel na maiiaalay nyo sa akin.." saad nito at mula sa likod itinulak niya kaming pareho sa mainit na magma
" Pikit mga anak.." wika ng aking ina
" HINDI!!" sigaw ko pero huli na ang lahat..
Lumabas ang pakpak ni Serrene.. Pakpak ng anghel, subalit iisa lamang ito.. Agad kong tinira ang magma at niyakap ang kapatid ko na nawalan ng malay.. Lumindol ng malakas.. Mali.. Maling-mali
" Reine!!" usal ni Rain at kinuha sa kapatid niya ang kakaibang bato
Nakita ko ang pag-iyak ni Reine.. Dugo.. Tumunghay siya at sabay noon ang paglabas ng kanyang pakpak.. Lumutang siya subalit hinigit muli siya ng kanyang kakambal
Sa butas kung saan kami lumabas ay nagsilabasan ang mga kadena na tila ba may naamoy itong masarap na pagkain at hayok na hayok.. Mabilis nilang nilapitan ang anak ko
" Mamili ka Serrina, anak mo o ikaw na anak ko?" tanong ni mama sa isipan
Nakita kong inilabas ni Red ang kanyang pakpak at iniharang ang sarili.. Nagulat ako..
" R-Red.." pumatak na ang likido na matagal-tagal na rin bago muling lumabas sa mga mata ko
Tumingin sa akin si Red at ngumiti...
" N-nailigtas k-ko.." saad niya at sumuka ng dugo
Mula ulo hanggang paa ang pagtusok ng mga kadena sa kanya.. Dumarami pa ito dahil pinipigilan niyang makalapit ang mga ito kay Reine..
" A-ang anak ko" nakangisi nitong wika
Naputol ang ulo niya at nagsimula na siyang maagnas at maglaho..
BINABASA MO ANG
Guns and Swords Online: Black Princess
ActionMatapos ang sunud-sunod na kalituhan sa tunay na pagkatao ni Sherelyn December nalaman na rin niya sa wakas ang kanyang tunay na pagkatao. Kasama ng kanyang tiyang si Adriana ay ipinakilala na sa kanya ang tunay niyang mundo, ang Black City. Napag-a...