Serrina's POV
Nagpatuloy ako sa pagmi-meeting sa mga investors ng company hanggang sa sinabi ni Sakea na oras na para sa lunch time which is another meeting
" Di ba talaga pwedeng takasan na lang yun??" tanong ko
" I don't know how important that person is, but I won't accompany you there!" malungkot na saad ni Sakea
" Huh?? Pano kung mamatay ako?? Di ba partners tayo ngayon??" tanong ko
" You won't die.. How many times did you kill humans and monsters in your life?? Wag ka nga!! Gagawa ka pa ng paraan para tulungan kang tumakas eh!" natatawang wika ni Sakea
" Effort wasted.. K. Fine! Can I just reject them??" walang gana kong wika
" Don't be crazy!! You didn't hear their proposal yet! Baka pagsisihan mo!" nakangising saad niya
" Hi Serrina!! Kukunin ko na ang slave ko sa shopping!!" wika ni Aquis at nalusaw sila pareho
" Ipagdarasal ko na lang na buhay pa si Sak ngayon!" nawika ko sa sarili
Allergy pa naman yun sa tubig.. Teka?? Hindi ko naitanong kung anong restaurant ako pupunta
" Any problem darling?" wika ni Alexander
" Layuan mo nga ako!" iritang wika ko
" Well, I vow that I'll protect you for yhe rest of my life and I saved you from death remember?" nakangisi niyang wika
" Saved?!? You bring me to death don't you know?!?" bulyaw ko
" Hahahaha.. Well, that's a tradition pero hindi ako makapaniwalang nagawa mo talaga!! I thought you'll go to..." nakangisi niya akong tiningnan mula paa hanggang ulo
" Stop making hallucinations I'm naked.. I am not!" irita ko pa ring wika
" We can make it fast by running" alok niya
Di na ako nakasagot pa at binuhat na niya ako at tumakbo ng mabilis.. Wala pang isang minuto nakatayo na kami sa isang maliit na bakery na may mga table sa loob.. Binaba na ako ni Alexander at pinagbuksan ng pinto
" Welcome Madame!!" usal niya na nagpatawa sa akin
" Wow!! Iho!! Nagdala ka na naman ng magandang binibini? Hindi ba narito pa ang- - - Teka?!? Pinaglalaruan mo ba ang damdamin nila??" wika ng matandang babae
" Hindi ho lola!! Kaibigan ko lamang ho ang isa sa kanila.." saad ni Alexander
" Eh sino yang magandang binibining kasama mo ngayon ha?!?" wika nito
" Kaibigan din po ng kaibigan ko.. Sinundo ko lamang po.. Wala po kasi siyang pamasahe!" nakangiting wika ni Alexander
" Opo.. Teka?!? Walang pamasahe?!? May sasakyan kaya ako!" reklamo ko
" Sayang sa gas.. Tara na.. Hinihintay ka na niya" wika ni Alexander
Pumasok na kami sa loob ng shop at may isang babae ang nakaupo sa pinakadulong upuan na may hawak na libro.. Magkasinghaba kami ng buhok kulot lamang ang kaniya.. Nakaputi itong dress na bumagay sa kulay ng balat niya..
" Yun siya!!" wika ni AlexanderInayos ko muna ang nagusumot kong black dress sa pagtakbo ni Alexander pati ang buhok ko saka lumapit sa kanya
" Uhmm.. Excuse me?? I'm.." bumuka ang bibig ko nang tumayo ito at tanggalin sa harap niya ang libro
" Serrina Diesse Gunversil.. I know.. By the way, I'm Emerald Serrene Emperium Gunversil but I prefer to use Dizon.. Nice to meet you twin sis" nakangiti nitong wika at mula sa kaliwang mata niya ay pumatak ang mga luha nito
BINABASA MO ANG
Guns and Swords Online: Black Princess
AcciónMatapos ang sunud-sunod na kalituhan sa tunay na pagkatao ni Sherelyn December nalaman na rin niya sa wakas ang kanyang tunay na pagkatao. Kasama ng kanyang tiyang si Adriana ay ipinakilala na sa kanya ang tunay niyang mundo, ang Black City. Napag-a...