Chapter 59: Make a wish

10 1 0
                                    


Third Person's POV

" Serrene.. Ano.. Ano ito??" wika ko habang sinasapo ang dibdib ko

" Serrina.." nag-aalala niyang wika..

Mas lalong lumakas ang pagyanig sa ilalim namin.. Nagsimula na ring makipaglaban ang mga kasamahan ko.. Ang sikip-sikip ng dibdib ko.. Hindi ko magawang makahinga.. Inalalayan ni Kurt si Serrene.. Nawalan ng malay si Reine kaya agad akong lumapit.. Mula sa butas ay lumutang ang aking ina na tila ba kinokontrol ng mga kadena

" Anak ko.. Hindi mo ba papalitan si mama?? Pagod na pagod na ako at nahihirapan.. Hindi mo ba gustong maalis lahat ng hirap at pasakit ni mama??" tanong nito..

Tumutulo ang dugo niya na nagliliwanag.. Nakayuko lamang ako..

" Sabihin mo, hindi ang demon king ang tumutupad ng mga kahilingan.. Ikaw hindi ba??" tanong ko sa kanya

Tumango siya at lumapit sa akin subalit itinulak ko siya.. 

" Ilang kahilingan kapalit ng isang kaluluwa??" sigaw ko

Nalusaw ang mga namayapa at lahat sila napalingon sa akin.. Hindi ko alam.. Ako ang may kasalanan nito.. Dapat tahimik na ang buhay nilang lahat.. Naalala ko noon ang paboritong kwento ko na ikiniwento ni papa..

~~~~FLASHBACK~~~~

" PAPA!! Magkwento ka naman tungkol sa dati mong paglalakbay!!" aya ko kay papa

" Hindi ba pinaulit-ulit ko na iyon sa iyo??" natatawang tugon ni papa

" Dali naa!!" usal ko

" Sige.. Naglakbay si papa mo sa kakaibang mundo at nakatagpo ng isang napakagandang binibini" panimula nito

" Maganda kay mama??" tanong ko

" Oo, may pakpak iyon at iyon ang inilamang niya kay mama mo.. Isa siyang anghel na hulog sa lupa" wika ni papa

" Fallen angel?? Hindi ba masama sila??" tanong ko

" Hindi.. Iba ang anghel na iyon.. Binigyan niya ako ng tatlong kahilingan.." nakangiting wika 

" Ano pong hiniling nyo?" usal ko

" Yaman, pamilya at kapangyarihan" wika ni papa

" Bakit po?" tanong ko ulit

" Yaman.. Para maibili ko kayo ng mga nais nyo na hindi ko naranasan noong kabataan ko.. Kapangyarihan para matalo ko ang mga bad guys na nagpapaiyak sa prinsesa ko! At syempre pamilya para magkaroon ako ng kaligayahan sa mundong ikinulong tayo sa dusa" wika ni papa

" Ano pong kapalit nito?" tanong kong muli

Ginulo niya ang buhok ko at hinawakan ang magkabilang pisngi

" Para sa pamilya anak kahit imposible isasakripisyo ko.. Para sa inyo iyon at para sa ikatatahimik ko.. Pagdating ng araw makikilala mo rin siya at tutuparin niya lahat ng kahilingan mo.. Hindi hiling na para sa'yo kundi para sa kinabukasan ng ibang tao" nakangiting saad ni papa at unti-unting naglakad papalayo sa akin

~~~~~~~~~~~~~~~

" Tatlo.. Anak.. Ibigay mo ang tatlong kahilingan at dadalhin kita sa paraiso.." nakangiting wika ni Mama

" Kung gayon ay hihiling ako" saad ko

" Serrina wagg!!!" sigaw ng kapatid ko

Binigyan ko siya ng pinakamatamis kong ngiti.. Para ito sa ginawa nyong sakripisyo.. Inilabas ko ang pakpak ko.. Tama.. Buo na ito sa wakas.. Kinuha ko ang kapangyarihan ni Serrene para mabuo ito.. Itinaas ni mama ang kanyang kamay at huminto ang mga kadena.. 

" Sabihin mo ang sasabihin ko" nakangising wika ni Mama

" Liwanag at Dilim" patuloy niya

" Liwanag at Dilim"

" Kambal na kasama sa ikakabuti"

" Kambal na kasama sa ikakabuti"

" Sa masama o sa kabutihan iyong dinggin" 

"Sa masama o kabutihan iyong dinggin"

" Kakaluluwa ay iyong kukunin"

" Kaluluwa ay iyong kukunin"

Nagbago ng anyo ang aking ina at naging itim na usok..

" Bigkasin ng tatlong beses ang iyong hiling" wika nito na nakatitig sa akin ang pulang mga mata

" Wasakin mo ang buong mundo" usal ko

" SERRINAAA!!" sigaw ni Serrene

" Pangalawa??" tanong nito

" Muli mo itong buuin" nakangisi kong wika

Nagulat siya sa sinabi ko at muling nagbalik sa wangis ng aking ina

" Bakit mo naman bubuuin ang ninais mong wasakin??" tanong nito

" Huwag mong kwestiyonin ang hiling ko anghel!" wika ko

" Naaalala ko sa iyo ang iyong ama!" nakangiti nitong wika

" Dahil anak niya ako.. Bago ko sabihin ang huli kong kahilingan, hayaan mo muna akong magpaalam" nakangiti kong wika

Muli ko silang nilingon at nginitian sa huling pagkakataon.. Ito na ang huli nating pagtatagpo... Masaya ako na nakilala kayo.. Paalam..

Nakita ko na umiiyak silang lahat.. Bigla akong inatake ng isa sa mga kadena sa tagiliran.. Kumalat ang aking dugo at tumulo ang iba sa aking labi..

" Paalam.. Ang aking ikatlong kahilingan ay.." usal ko

Guns and Swords Online: Black PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon