Chapter 57: Empire's War

9 1 0
                                    

Serrene's POV

Akala ko tapos na ang lahat.. Paanong natago ni Kean ang ganoong kapangyarihan? Nang maramdaman muli namin iyon ay sinundan namin ito at dinala kami sa lugar kung saan natagpuan naming walang malay si Serrina.. Binuhat siya ni Kean at pumasok sila sa isang portal

" KEAN!! Saan mo dadalhin si Serrina?!?" tanong ni Aquis

" Somewhere.. Susunduin ko pa ang anak namin!" usal niya at nagsara na ang portal

Anak?? Paanong magkakaanak si Kean at Serrina.. Nanigas si Red sa kinatatayuan niya at parang may naalala.. Kaagad siyang tumakbo nang muli naming maramdaman ang kapangyarihan..

Hindi namin naabutan sina Kean subalit nakita namin kung paano sinundo ng Kamatayan sina Adrian at Adriana..

" Kean!! Magbabayad ka!!" nanggagalaiting usal ni Red 

" Ano bang naalala mo Red? Bakit galit na galit ka??" tanong ni Glaire

" Nang gabi ding iyon.. Nakita ko sa panaginip kong nagmamakaawa si Serrina na tulungan ko siya pero hindi ako makakilos" usal nito

" Imposible.. Anak mo si Reine at Rain, magtiwala ka sa mga sinabi ko.." saad ni Alex na may ngiti sa labi

" Paano mo naman mapapatunayan?? Nararamdaman ko ang kapangyarihan ni Ken kay Reine at Rain" wika ni Aquis

" Natural lamang iyon.. Hindi nyo ba nararamdaman kay Serrina na mayroon din siyang ganoon??" tanong ni Alex

Pero kahit saang anggulo ko tingnan, wala akong nararamdamang kapangyarihan ni Kean na nanggagaling kay Serrina

" NAGPAPATAWA KA LANG DI BA? MAHAL KONG KAPATID" madiing usal ni Aquis na may nakakatakot na ngiti sa kanyang labi

" Hindi nyo nararamdaman??" takang tanong ni Alex

" Wala akong nararamdamang ganun, hindi ba Master??" wika ni Glaire

Lahat kami nagkatinginan at binigyan ng kakaibang tingin si Alex..

" May nalalaman ka bang hindi namin alam??" tanong ko sa kanya..

" Well, it is something related to the gift" usal ni Alex

" I don't know if it is the right thing to say this.." pagsasalita ni Tita Azrielle

" What is it tita?" I asked

" Maybe this is the start of the prophecy.. The last living demon will perished and the whole world will experience extinction" malungkot nitong wika

Lahat kami ay natahimik sa kanyang iniusal.. Lahat kami alam namin ang tungkol doon.. 

Ang Cursed gifts ng Demon King sa 10 taong ginising siya sa pagkakahimlay.. Sina Tita Azrielle, sina papa, tito Adrian at Tita Adriana, ang mga magulang ni Alex at Aquis, ang magkapatid na Gundelle, sina King Dainus at Reyna Isabelle.. Sa kanilang sampu, tanging mga babae lamang sa kanila ang nakapagbibigay ng kakaibang halimuyak na maaaring matanggap ng isang karapat-dapat na vessel na ngayo'y pinamamahayan ng demon king, ang kambal na sina Kean at Sakea.. Ang buong half-blooded vampires at half-blooded werewolves at ang kakayahan ni Reyna Isabelle na makatawag ng patay sa pamamagitan ng singsing subalit ito'y nasira na.. Sa kanilang lahat, dalawang tanong lamang ang nais kong masagot.. Ano nga bang natanggap ng mga Gundell at bakit sa vessel namamahay ang Demon King kung isa sa kada walong taon dapat may bagong kapalit na sacrifice na sa pamilya lamang ng mga gifted makukuha...

" I guess this is the Emipre's war.. Sabihin nyo sa mga ordinaryong tao na umalis na sa Black City.. Iparating nyo ang sasabihin ko.. Lahat ng mga mahihinang nagtatapang-tapangan­, mamamatay sa Black City" usal ko

Agad na kumilos silang lahat pero hindi ko maiwasang mapalingon kay Kurt na sa tumatangis dahil sa nangyari sa anak namin.. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya mula sa likuran at doon humagulgol

" Maging malakas ka.. Para sa anak natin, Kurt.. Please.." bulong ko sa kanya

" Hindi ko kasinglakas ang singsing pero kahit papaano magagawan ko ng paraan si Irene.." malungkot na wika ni Red

Tinabing ko ang kamay niya at direktang naging abo ang anak namin.. Gulat na gulat si Red sa ginawa ko.. Alam kong sa oras na tumanggi kami sa kasunduan maglalaho na si Irene sa amin..

" Red, tama na ang iyong kabaitan.. Hanggang ngayon kinikwestiyon namin ang pagiging ama mo sa kambal subalit matatapos din iyon.. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero tama na.. Napakalaki na ng naitulong mo at natatakot akong baka hindi namin iyon masuklian ng kapatid ko.. Maraming salamat subalit sobra na ang kabaitan mo sa amin.." usal ko at pinilit ang sariling gumawa ng totoong ngiti para pagaanin kahit papaano ang loob niya

Hindi ko alam kung bakit pero parang nadurog ang puso ko nang dumilim ang mukha niya at umagos ang mga luha niya..

" Gagabayan ko ang mga tao sa paglikas.. Tawagin nyo na lamang ako kung kailangan nyo ng mensahero.. Mabilis ko kayong maririnig dahil sa tulong ng kapangyarihang pinahiram sa akin ni Serrina bago kami pumasok sa kweba.." wika nito at dagliang lumipad

Third Person's POV

" Red.." bulong ni Serrina

Sinabunutan siya ni Kean na narinig ang pangalang kinaiinisan niya

" Red!! Red na lang lagi!! Alam mo bang kung gaano ako nagtanim ng galit dahil sa lalaking iyan? Kinuha ka niya sa akin at inangkin?? Pero dahil narito ka na at ang mga anak natin, Serrina hindi na ako galit. Kasi akin ka na.. Narinig mo AKIN!!" wika ni Kean na may nakakalokong ngiti

" Huwag mong sasaktan si Mama!! Dadating dito si papa!!" umiiyak na sigaw ni Reine

" Papa?? Narito na ako.. Mga anak!! Ako ang papa nyo!!" tugon ni Kean at humalakhak

" Nagpapatawa ka ba? Ni hindi ko nga maramdaman ang sinasabi nilang lukso ng dugo sayo" seryosong wika ni Rain

" Rain.. Kaugali talaga kita- - -" naputol ang dapat sasabihin ni Kean nang duraan siya sa mukha ni Rain

" Wala akong mamanahin sayo dahil hindi pa nababaliw ang isip ko" malamig nitong usal

Nagulat si Serrina nang magliwanag ang kulay lila sa mga mata nito pagkat ang mata nila ay minana sa mata ni Red.. Maitim at napakalalim na tila ba hindi mo malaman ang nasa isip.. Yun ang dahilan kung bakit mas pinipili ni Red na ngumiti at magbiro dahil minsan na iyong pinuna ni Serrina noong nasa Death Roses pa ito

" Alam nyo ba na ang mabuting ama dapat dinidisiplina ang anak?" nakangising wika ni Kean at naglabas ng apoy

Ang apoy na iyon ay tila kakaiba kumpara sa dating apoy ni Kean dahil na rin sa pagsapi ng demon King sa katawan nito ay mas pinalakas nito ang bawat kapangyarihang nasa katawan nito... Wala siyang pinakitang awa at agad niya iyong itinira sa kambal

" HINDI!!" sigaw ni Serrina

Guns and Swords Online: Black PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon