Serrene's POV
~~~~~~~ 9 years Later~~~~~~~
Siyam na taong gulang na sina Sky Reine at Rain pero hindi pa rin bumabalik sina Serrina mula sa pagkakatuklas ng 6th level.. Wala na rin kaming balitang natatanggap kay Sebastian na isa sa mga tauhan ko sa White Government.. Payapa naman ang buong Black City.. Napalaki ko kahit papaano ang mga anak nila ng ayon at may mabuting asal.. Extended na nga ang pagpapanggap ko at pati ang ayokong kulay ay madalas ko nang suotin.. Madalas ding dumalaw si tita Azrielle at Reyna Isabelle sa Black Kingdom.. Hindi na muling nanggambala pa sina Tita Adriana at tila ba mga bulang pumutok at di na babalik pa..
" Mahal.." tawag sa akin ni Kurt
" Yes??" tanong ko
" Hanggang kailan ba tayo magpapanggap? Alam mo namang malapit na ring lumabas ang anak natin di ba?" wika niya
" Hanggang hindi pa bumabalik ang kakambal ko walang dapat malaman ang kambal" saad ko
" Napakabuti mong tiya sa kanila pero parang antagal bumalik nina Serrina.. Hindi ko maintindihan" usal niya
" Yun ay dahil naghahanap sila ng wala" pagbati ni Glaire na basta na lamang sumulpot sa kung saan man
" Mahal na prinsesa!" bati ni Hydra at nagbigay-pugay
Nakunan si Hydra, nakakalungkot nga iyon dahil kung kailan kabuwanan na nito, matutuklasan nilang patay na ang bata..
" So? Naaidentify mo ako sa kambal ko?" wika ko
" Magkaiba kasi kayo" usal niya
" May kakambal ka mommy?" amused na wika ni Reine
" Kailan pa kayo nariyan?" tanong ko
" Simula noong sinabi mong wala kaming dapat malaman hanggang sa hindi pa bumabalik ang tita kong kakambal mo na parang lumalabas na magulang namin" sabat ni Rain
" Hindi ba sinabi kong huwag kayong papasok sa throne room?!" usal ko
" Mommy why so strict??" pagmamaktol ni Reine at tumakbo kay Kurt
" Sshh.. Kapag kasi iniutos ni mommy, dapat susunod" pag-aalo ni Kurt sa bata
" But Daddy!!" wika nito at umiyak na
" Manang-mana ka talaga sa iyong ina, iyakin" usal ko
" But you are our mom. Right or not?" takang tanong ni Rain
" Of course I am" pagtatakip ko sa katotohanan
" Then why did you say 'iyong ina' instead mo 'sa akin' and daddy call you our aunt??" he asked
" So observant.. Like father like son.." wika ni Glaire at kukurutin sana ang pisngi nito nang maglabas ng kutsilyong regalo ko at itutok kay Glaire
" Mana sa nanay!" nakayukong wika ni Glaire at pinabayaan na si Rain
Oo, well, ganito kasi yan.. Noong isilang sina Reine at Rain, 9 years ago, kasing laki na nila ang mga batang 9 years old so kung tutugmain dapat 18 na sila ngayon pero hindi sila lumalaki as in 9 years old size pa rin sila.. Sabi ni Kurt normal naman daw iyon, maybe kaya lumabas sila sa ganoong anyo dahil habang nasa itlog pa sila hiniling nina Red na sana kapag lumabas sila dala na nila lahat ng kaalaman at mulat na sila sa pag-isip ng katotohanan.. Subalit ang kanilang paglaki naman ay may kinalaman sa pagkawala nina Serrina dahil may hinihintay ang kanilang puso subalit hindi alam ng kanilang isip.. Kaya hanggang hindi umuuwi sina Serrina babagal ng babagal ang paglaki nila.. Bukod pa doon kahit naman tumanda at lumaki na sila ngayon, may dugong bampira sila nang gawing bampira ni Alex si kambal bago mabuo sina Reine at Rain
BINABASA MO ANG
Guns and Swords Online: Black Princess
AcciónMatapos ang sunud-sunod na kalituhan sa tunay na pagkatao ni Sherelyn December nalaman na rin niya sa wakas ang kanyang tunay na pagkatao. Kasama ng kanyang tiyang si Adriana ay ipinakilala na sa kanya ang tunay niyang mundo, ang Black City. Napag-a...