Chapter 51: Lost Memories

5 2 0
                                    

Third Person's POV

Sa isang madilim na kweba dinala sina Serrina at Red ng isang nimpang tumulong sa kanila

" Sa pintong yan, diyan magsisimula ang inyong paglalakbay!" usal nito at itinuro ang loob ng kweba

" Ganun ba?? Maraming salamat!" wika ni Red

Pumasok sila sa loob at tatlong pintuan ang bumungad sa kanila.. Ang mga pintuang iyon na may iba't ibang kulay, lila, asul at pula.. Pumasok sila sa asul na pintuan at nakarating sa isang parte ng kwebang may kakaibang liwanag, hanggang sa makarating sila sa isang kumikinang na talon at dahil sa pag-aaway ng dalawa ay nagising ang mga sirenang nahihimlay doon.. 

Nagsimula silang umawit at nahumaling noon si Red, tumalon ito papunta sa tubig at agad naman siyang sinundan ni Serrina.. Ang hindi nila alam, hindi lamang mga sirena ang nagising nila at maging mga sireno na ngayo'y hinihipnotismo silang pareho.. Nakatulong ang mahiwagang lubid na tanging ang dalawang nakatakda sa isa't isa lamang ang nakakakita na napanalunan nila dalawang taon na ang nakakaraan sa bayan ng Love Forsaken Village.. 

Nagbalik sa katinuan ang dalawa nang higitin sila ng lubid papunta sa ilalim.. Hanggang sa tubig nag-aaway pa rin sila kaya hindi nila namalayan kung gaano na pala kalalim ang narating nila hanggang nawalan na sila pareho ng hininga.. Agad hinigit ni Red si Serrina at hinalikan upang mapanatili ang hangin ng minamahal kaya nawalan agad siya ng malay.. Eksaktong nagising sa pagkakahimlay ang inaakala ng mga sireno't sirenang diyosa nila na si Aquis pala.. Siya ang dahilan ng sigalot ng dalawang pangkat.. Agad na gumawa ng bula si Aquis nang masolusyonan ang kalagayan ng dalawa.. Nakakadena ma'y nagawan nito ng paraan..

" Red!! Huyy! Buhay ka pa ba!!" usal ni Serrina sa loob ng bula..

Hinalikan ito ni Serrina sa pag-iisip na baka kinulangan ito sa hangin subalit nagbibiro lamang pala ito.. Agad siyang binatukan ni Serrina at itinulak palabas ng bula..

" Hindi niyo ba ako tutulungan?" tanong ni Aquis

" Sana tinuluyan mo na lang!" naiinis na wika ni Serrina at itinuturo si Red

Natawa na lamang si Aquis sa away-bati, away-bati ng dalawa.. Gumamit ng mahika si Serrina upang matanggal ang mga kadena nito..

" Nagkita na ba kayo ni Ken?" pag-aalala niya

" Oo, pinalayas ko sila sa Black City gaya na rin ng sinabi ng panaginip ko" tugon ni Serrina

" Kailan ka nagkapanaginip??" tanong ni Red

" Noong ginahasa mo ako kaya lumabas mga anak natin! P**ang i** mo ka!! F**k you!" bulyaw ni Serrina

" Yaan mo na atleast maganda lahi ng nangrape sayo.. Pero gusto niya rin naman!" bulong ni Red

Natawa na lamang si Aquis sa kalokohan ng dalawa at sabay silang bumalik sa ibabaw.. Huminto ang mga sireno't sirena sa pagtatalo..

" Mahal na reyna!" pagbibigay-pugay nila

" The who?" natatawang wika ni Aquis sa usal nila

" Wow Aquis!! Andami mo palang fans??" amaze na wika ni Red

Inayos nila ang gusot sa pagitan ng mga sireno't sirena at saka muling bumalik sa labasan matapos na wala silang nakuhang impormasyon tungkol sa dalawa pang natitirang pintuan.. Paglabas nila ng kweba, ibang-iba na ang kagubatan kung saan nakatira ang nimpa.. Bago sila muling pumasok sa isa pang pintuan, sumigaw sila at kapagdaka'y lumabas ang nimpa na ibang-iba na sa dati nitong itsura

" Nimpa, naaalala mo pa kami hindi ba?" tanong ni Red

" Obvious naman!! 3 araw lamang tayo sa loob noon!" pagbasag ni Serrina sa lalaki

" Ipagpaumanhin nyo subalit hindi ko maintindihan ang inyong pag-uusap, bago pumanaw ang aking lola, nangako ako na babantayan ko ang kweba kung muling lalabas ang mga taong pinaglilingkuran niya at sa harap niya ay sumumpa ako na maglilingkod sa mga taong tumulong sa kanya upang alamin ang sikretong nakapaloob sa tatlong pinto!" sagot niya

" Sabihin mo, ilang araw na noong mamatay ang iyong lola?" tanong ni Red

" Anim na taon na po ang nakakaraan" sagot niya

" Ano?!?" sigaw nilang tatlo

" Bakit po??" inosente niyang wika

" Wala.. " sabay-sabay nilang wika

Umalis ang nimpa at binigyan sila ng mga babaunin sa susunod na pinto.. Saglit na kinausap ni Serrina si Red..

" Hindi ko alam kung bakit may pakiramdam ako na mawawala ako sa tabi mo! Kinikilig ka na ano??" natatawang usal ni Serrina

" Baliw ka pa rin.. Cupcake.. Hindi ka mawawala.. Kinulong kita dito!" sagot ni Red at itinuro ang puso niya

" T*kt*!! Tumatayo balahibo ko kapag ikaw ang nambobola!! Pano ba yan gawin?? Hahahaha Okay, seryoso na.. Red.." giit nito

Hinawakan ni Serrina ang tainga ni Red, umiging ito at napaluhod siya sa sakit..

" Gusto ko kapag tinatawag ang pangalan mo mabilis mong maririnig dahil kapag nasa panganib ako, pangalan mo lamang ang tatawagin ko.. Ayoko naman na ibang prince charming ang tumulong sa akin" natatawang wika ni Serrina

Hinalikan siya ni Red sabay sabing

" Salamat.. Tatandaan ko yan" wika ni Red

Pinasok na nila ang kulay lilang pinto at nagsimula na ang paglalakbay

" Namimiss ko na ang mga anak ko" bulong ni Serrina sa sarili

Napahinto ito sa paglalakad at napalingon kay Aquis

" What's with that creepy look?" kinakabahang wika ni Aquis

" Aquis?? Ang ganda mo ngayon.. Para kang.. Hmmm.. Rainbow!! Oo tama!! Para kang rainbow!!" pag-aalo ni Serrina

" Anong kailangan mo kay Aquis, cupcake??" tanong ni Red at inakbayan si Serrina

" Wala.." tugon nito

" Aquis, ididate kita.. Totoo.. Pagnasaan mo na ako sundin mo lang gusto ni Cupcakee!!" pagmamakaawa ni Red nang irapan siya ni Serrina

" Sorry, dream girl ka man nila.. Wala ka sa standards ng mga maloloko ehh" wika ni Aquis

" Manloloko na kasee!!" sigaw ni Serrina

Nakaramdam ang tatlo ng malakas na paglindol at mula sa itaas ay nahulog ang mga bato sa labasan.. Doon mayroong tumulong kakaibang likido na may iba't ibang kulay, sa pagkamangha ni Aquis ay hinawakan niya iyon subalit matigas na ito..

" Wish grantedd!! Aquisss!!! Sige naaa!! Gusto ko makita ang mga anak koooo!!" sigaw ni Serrina at tinalunan si Aquis sa likod kaya natumba sila..

Nakagawa ng tawag si Aquis pabalik sa Black City.. Nang matapos iyon ay napagdesisyunan na doon muna sila magpalipas ng gabi.. Gumamit si Serrina ng mahika upang makakuha ng kahit kaunting bato na noo'y likido dahil sa isip niya ay magugustuhan iyon ni Reine..

Nagpahinga na sila sa tabi ng bato ang hindi nila alam, sa itaas kung saan nagmumula ang likidong iyon ay may nakatirang mga insekto na kung papagaspas ang pakpak ay makakalimutan mo kung ano ang pinakamahalagang iniisip mo noong mga panahong iyon.. Nagising ang tatlo nang sumunod na araw, si Aquis na nandidiri sa kolorete niya sa mukha at naging boyish, si Red na parang naging bakla at tila ba hindi nag-eexist sa kanya si Serrina.. Subalit si Serrina lamang ang nakakaalala ng lahat at pinipilit ang dalawa na huwag maghiwa-hiwalay hanggang sa nakarating sila sa parte ng kweba na may tatlong daanan.. Pumasok si Red sa kaliwa at si Aquis sa kanan..

" T*ng*n*!! Iniwan ako ng mga iyon!! Bahala kayooo!!" sigaw ni Serrina at dumiretso sa gitna

Guns and Swords Online: Black PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon