Third Person's POV
Patuloy pa rin sa paglalakad si Serrina at tila ba pabalik-balik lamang siya sa iisang lugar kapag sa kanan siya dumadaan kaya naisip niyang lumipat sa kaliwa doon, eksaktong nakabangga niya si Red na humahangos at pareho silang natumba
" I guess hindi ko na kailangang tulakin ang isa sa inyo para bumalik ang alaala nyo?" wika ni Aquis na lumabas mula sa kanang bahagi ng daan
" yes!! Nakanakaw na naman ako!! Pero teka?? Cupcake?? Bakit kayo humiwalay sa akin?" tanong ni Red
Nakatanggap ng malakas na sapok si Red kay Serrina
" Humiwalay?!? Ako nga itong iniwan nyo!" bulyaw ni Serrina
" Sorry.. Hindi namin nais yun.. Nakita ko na ang salarin.. Sabi ni Alex, Rainbow Memories daw ito at nagbubura ng alaala" wika ni Aquis at ipinakita ang paru-parong napatay niya..
" Ang ganda pa naman!! Bakit mo pinatay!! May hawla akong dala ohh!!" wika ni Serrina at inilabas sa bag niya ang isang cube na transparent..
" At aanhin mo naman yan??" tanong ni Red
" Baka kasi gustong pag-aralan ni Rain.. Nakita ko kasi na ganyan yung design nung librong binabasa niya noong una nating pagkikita sa kanila.. Teka?? Sino naman kaya ang pinagmanahan ng anak ko at nagbabasa yun ng libro?" takang usal ni Serrina
Lumingon sina Aquis kay Red..
" Patayin nyo na ako wag lang ihaharap na libro pero siyempre kung babae yun.. Hehehehehehe!!" wika ni Red
Umirap na lamang ang dalawa sa kanya..
" Bakit?!? Nagbabasa ka ba?!?" wika ni Red
" Oo sa palagay mo sa akin?? Pero sa computer ako or gadgets.. Tutulugan ko lang tlyan sa unang word na mababasa ko" buong pagmamalaking wika ni Serrina
" Isipin nyo na lang na kay prinsesa Serrene siya nagmana.. " buntong-hininga ni Aquis para matapos na ang pagtatalo
" Aquis!! Isa ka talagang henyo!!" sabay na wika nila
" Gaya-gaya!" saad muli nila
" Huwag mo nga akong gayahin!!" sabay nilang tugon
" Tama naa!! Baka magising ang mga Rainbow memories at hindi ko na kayo maalala pa!!" saway ni Aquis
Nagpatuloy sila sa paglalakad nang makarinig si Serrina ng isang boses
" Anak.." saad niyon
Nanlamig siya pagkat kilala niya ang boses na iyon.. Hindi siya makapaglakad na ikipinagtaka ng dalawa
" Ayos ka lang??" tanong ni Red
" Mama.." bulong nito sa sarili
" Bakit?? Wala dito si mama Serrina!" tugon ni Red
" Serrina, samahan mo si mama dito!! Malamig dito at madilim.. Pakiusap.. Puntahan mo ako" muli nitong wika
Nakatayo man ay tila wala sa wisyong naglakad si Serrina sa isa sa mga bato at nagsimulang suntukin at sipain iyon.. Nagsalita siya ng isang mahika at ipinatong ang kamay niya sa bato subalit tumalsik lamang siya sa kabilang direksiyon
" Mama!!" sigaw ni Serrina at tumulo ang luha sa kanang mata niya
Inalalayan siya ng dalawa.. Samantalang hinawakan naman ni Red ang buong bato upang makita kung mayroon ba itong pindutan upang mabuksan na hindi naman siya nabigong matagpuan..
Sumalubong sa kanila ang liwanag ng araw at ngayon ay nasa labas na sila ng kweba, sa kabilang dako niyon..
" Nakalabas na rin sa wakas!!" sigaw ni Red at nag-unat
Lumabas ang nimpa sa isang puno at nginitian sila..
" Dalawang pintuan na ang natapos namin.. Tahanan ng mga sirena ang asul, samantalang ilusyon naman ang nasa lila.. Bukod doon," ibinigay ni Red ang Rainbow memories sa nimpa
" Mag-ingat kayo sa ganyan at huwag magtatagal sa lugar na may mga batong ganito" patuloy niya at ibinigay ang kinakain ni Aquis ng rainbow gems
" Isa lamang ay sapat na dahil pag-aaralan din namin ito ng mga kasamahan ko.. Kung hindi pa kayo handa para sa huling pintuan, maaari kayong manatili sa gubat.. Babantayan ko kayo doon sa may lawa..." pagmamagandang-loob niya
Subalit tumanggi si Serrina at nagpatuloy na sa pulang pintuan.. Pagpasok nila doon, ganun na lamang ang pagkagulantang nila dahil matapos ang isang mahabang hagdanan, dinala sila nito sa Hell palace... Sa lugar kung saan siya dinala ng kanyang ama.. Napatago sila ng hindi oras ng makita nila sin Adriana at Adrian sa tapat niyon..
" Ang batang iyon!! Hindi man lang tayo nirespeto! Mas nakatatanda naman tayo sa kanila!!" inis na usal ni Adriana
" Ana, Ana.. Huminahon ka pagkat nasa tabi pa natin ang hari.. Bukod doon, magagamit natin ang kambal" nakangising wika ni Adrian
" Tama.. Ang kambal! Subalit ikaw ngang pinakamabilis sa ating dalawa ay nabalian niya ng daliri sa kaunting panahon," wika ni Adriana
" Ang mga buto ay hindi mahalaga.. Tandaan mong tao lamang sila samantalang tayo'y nakakubli lamang sa katawang ito.. Kapag nagising na ng lubusan ang hari, magiging malaya na rin tayo" wika ni Adrian
Hindi napigilan ni Aquis ang pagbahing dahil sa allergy ito sa mga maiinit na lugar.. Huminto sa paglalakad si Adriana..
" May nakapasok!" wika nito at nakipagtitigan kay Serrina
Nanghilakbot ang tatlo at kaagad na bumalik sa hagdang kanilang pinagmulan.. Nagsara agad ang lupa bago pa makarating doon si Adrian
" You didn't tell me that your bloodline is way creepier than before" wika ni Red
" We must return to the Black Kingdom.." saad ni Serrina
Inilabas ni Red ang kanyang pakpak at binuhat si Serrina..
" Mauna na ako sa inyo!! Lovers!" usal ni Aquis at nalusaw..
" Ibaba mo ako!! May apoy naman ako para sa transportasyon!" nakasimangot na wika ni Serrina
" Hanggat maaari.. Hanggat kaya ko pa!! Bubuhatin kita!! At dahil ako ang harii!! Dapat ako ang masusunod!!" nakangising wika ni Red at lumipad na
Kumaway na lamang para magpaalam ang nimpang tumulong sa kanila pagkat alam nito na ang pangatlong pinto ay dapat manatiling sikreto..

BINABASA MO ANG
Guns and Swords Online: Black Princess
ActionMatapos ang sunud-sunod na kalituhan sa tunay na pagkatao ni Sherelyn December nalaman na rin niya sa wakas ang kanyang tunay na pagkatao. Kasama ng kanyang tiyang si Adriana ay ipinakilala na sa kanya ang tunay niyang mundo, ang Black City. Napag-a...