Chapter 55: Reunion

7 1 0
                                    

Serrene's POV

Pagmulat ng mata ko nababalutan na kami ng kakaibang mga baging.. Sa pintuan, nakatayo ang anak namin ni Kurt

" Irene.." usal ko

Nakita ko ang lila nitong mata at isang ngiting malademonyo..

" Mama, why you look scared?? I'm your daughter right??" usal niya at humalakhak

" KURT!!" sigaw ko na nagpabalikwas sa akin ng bangon

" Serrene.. May nakita ka na naman ba?" tanong nito ng buong pag-alala

Nagsimula na akong umiyak.. Nang gabing iyon at sinabi ko sa kanya..

" Kailangang mamatay ang anak natin.."

" Ano bang pinagsasabi mo??" tanong ni Kurt

" Sana.. Sana.. Sana hindi pangitain ang nakita ko.. Natatakot ako Kurt para sa anak natin!!" usal ko

" Sabihin mo sa akin lahat.." giit ni Kurt

Nahinto ang aming pag-uusap nang may marinig kaming nabasag na bintana.. Agad kaming pumunta sa kwarto nina Reine at Rain.. Doon nakita ko ang maliwanag ng lilang mata ng anak ko sa repleksiyon ng buwan at ang duguang kambal.. Napatakip ako ng aking bibig.. Hindi ko kaya.. Anong gagawin ko?!?

" Mommyyy.." naghihingalong usal ni Reine

" Irene.. Ano bang kalokohan ito?" tanong ni Kurt

Huminto si Irene at kumurap.. Nang makita niya ang ginagawa niya ay agad niyang inilipat sa ligtas na lugar ang dalawa..

" Ayos lamang ba kayo?? Sinong may gawa nito sa inyo??" pag-aalala nito

Agad na tumakbo sa amin ang kambal na agad namang naghilom ang mga sugat dahil na rin sa dugong bampira nila..

" Mama? Bakit natatakot sila sa akin??" inosenteng tanong niya

Isang patalim ang sa leeg niya ay humadlang lumapit sa amin

" Isang maling galaw kahit isa ka pa sa dugong aking pinaglilingkuran, papatayin kita.." wika ni Maria

" Mama?? Ano ito?" tanong niya sa akin at lumuluha na

" Maria.." mahinang usal ko

Hindi nawawala ang mga tingin ni Maria na handang pumatay at walang awa.. Isang bala ang tumama sa ulo ng anak ko.. Doon na ako napasigaw..

Mula sa liwanag ng buwan, ang pagdanak ng dugo ng aking anak sa balkonahe ng kanilang kwarto, bumaba ang kapatid kong kay tagal na naming hinintay.. 

Nanlumo ako sa hawak niyang baril at sa kakaibang pakpak sa kanyang likuran.. Bumaba sa tabi niya si Red.. Ipinagaspas ni Serrina iyon at napakalakas ng inilabas nitong hangin na para bang pinasok kami ng ipo-ipo.. Nagliwanag ang anak ko at naging mga feathers na lumipad..

Namangha ang kambal sa nakikita nila sa labas ng balkonahe.. Hindi ko na kinaya pa at napaluhod na ako at doon umiyak..

" Serrene, tandaan mo na lahat nang nakikita ng cursed eye ay totoo.. Tinapos ko na ang bangungot.." usal ni Serrina

" Ma..ma.. Ba..kit ka po umi...iyak?" bulong ng anak ko at natumba na lamang bigla

Hahawakan sana muli ng kambal ang dibdib ni Irene upang muling buhayin subalit inilayo sila ni Serrina

" Hindi ko alam kung paano sasabihin ito pero nakita mo ang mangyayari sa oras na ulitin iyon ng mga anak ko" usal ni Serrina

" So hahayaan na lamang nating mamatay ang anak ko? Ganun ba Serrina??" wika ko

Guns and Swords Online: Black PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon