Chapter 60: The End

20 2 0
                                    

Third Person's POV

Napabalikwas ng bangon si Red na tumutulo ang mga luha.. 

" Nababakla na ba ako?? Ano nga bang panaginip ko na nagpaiyak sa akin ng ganito?" natatawa niyang wika at napalingon sa orasan

" Late na ako sa trabaho ko!!" sigaw niya at tumakbo na papunta sa banyo

" Reine, Rain gumising na raw kayo at malelate na kayo sa school!!" wika ng maid sa bahay nina Kurt

Bumukas ang pinto at lumabas ang kambal.. Si Rain na nakauniporme pero si Reine ay nakadress..

" Baby.. Bakit ka naman nakacivilian?? Hindi ka ba pagagalitan?" tanong ni Serrene sa bata

" Nope Mommy!!" wika naman ni Reine

" Hindi siya mapapagalitan kasi na kick out na siya" paalala ni Rain sa magulang

" Pang 8 school mo na yan ngayong taon" wika ni Kurt at nasapo ang kanyang ulo

" Eh kasi naman tinanong ako kung paano daw pagsunod-sunurin ang numero sa blackboard!" reklamo ng bata

" Tapos?" natatawang usal ni Reine

" Isinauli niya sa teacher namin ang chalk at pinalitan ang tanong.." wika ni Rain

" Ano ang isinulat niya??" tanong ni Kurt

" Kung mamamatay ka ngayon tapos hawak ko ang kutsilyo, mapapaoffice ba ako?" sabay na usal ng kambal

" Harsh.." wika ni Irene

Nagtawanan sila.. 

" Maghome school na lang din kasi kayo para magkakasama tayo" pagpupumilit ni Irene

" Bakit ngayon mo lang sinabi Ate Irene?" tanong ni Reine

Binatukan na siya ni Rain dahil sa pagkaulyanin nito..

" Araw-araw niya yang sinasabi pero kapag nakakakita ka ng gwapo sa school sasabihin mo kayna mommy at daddy na doon tayo papasok" sabat ni Rain at isinara ang hawak niyang libro

" Di kaya gwapo ang duwag.. Ikaw lang naman gwapi kuya ehh!!" paglalambing ng kapatid..

" HINDI! Ayokong pumatol sa haras na gaya mo!" wika ni Rain at tinanggal ang pagkakapulupot ni Reine

" Nagsalita ang hindi haras..." natatawang wika ni Irene

Tumawa na lamang sina Serrene at Kurt.. Biglang may kumatok sa pinto.. Binuksan iyon ng maid

" Reine lovess!!" sigaw ng isang batang lalaki

Agad tumakbo si Reine sa batang lalaki at niyakap ito.. Kumaway ito kina Kurt at Serrene

" Hello po.. Mama, papa!!" sigaw nito

Binatukan siya ng isang batang babae at dire-diretsong pumunta sa table

" Hi Tito! Tita!" bati nito

" Drian, Aquira.. Sasabay ba uli kayo sa amin?" tanong ni Rain

" Sayo lang.. Hindi ba na extinct este nakick out na si Tomboy?" maarteng saad ni Aquira

" Aquiss!! Alam mo ba? Close kami ni Kean.. Yung kaklase nating gwapo!" wika ni Reine

" Talaga?? Ikaw talaga Reine.. Hindi ka nagsasabi!! Hahahahaha bestt!! Tara na!!" saad ni Aquira

" Kailangan ko na palang umalis.. Tara na.. Maria, ikaw na ulit ang bahala sa bahay ha" wika ni Serrene

Ngumiti na lamang ito at nagbow.. Sumakay na sa sasakyan silang lahat..

" Hindi ka sasabay sa car ko?" tanong ni Kurt kay Serrene

" Hindi.. Magmomotor na lang ako.." sagot ni Serrene

" Woohhhh!! Tara na mommy!! Broom Brooomm!!" sigaw ni Reine na ikinagulat nila

" Loveesss!! Iiwan mo ako dito??" tanong ni Drian

" Love you!!" sigaw ni Reine at nagflying kiss

Umalis na sila sa bahay.. Malapit na sila sa crossing.. Nakagreen noon ang traffic light pero may isang babaeng tumawid... Agad nagpreno sina Kurt at Serrene pero biglang may isang magarang sasakyan ang paparating.. Agad na kinabig iyon ng driver na si Red.. Muntik nang tamaan ang babae.. Bigla na lamang itong natumba..

Bumusina ang mga sasakyan sa likod kaya agad na kinuha ni Red ang babae..

" Aabsent yata kayo ngayon mga bata.." usal ni Kurt

" Walang klaseee!!" tuwang-tuwang giit nito

Dumiretso sila sa pinakamalapit na ospital at agad na lumapit sa kanila si Red

" Wala akong nahagip sa kanya hindi ba?? Naku!! Kaso na naman ito!! Paano ang kompanya ko? Sasagutin ko lahat ng gastos basta huwag lang mamatay sya!!" pag-aalala nito

" Huminahon ka Mr.." usal ni Serrene

" Red Daniel.." usal nito

" I'm Serrene Dizon.. My husband and children.." pormal na saad niya

" Do you know that girl? You two look.. Alike.." wika nito

Nagtaka sina Serrene sa iwinika nito nang maalala niya ang boses ng babae na nagsabi sa kanya

" Serrene, tandaan mo na lahat nang nakikita ng cursed eye ay totoo.. Tinapos ko na ang bangungot.." usal nito

" Ang aking ikatlong kahilingan ay buhayin sila bilang mga ordinayong tao sa bagong mundo na walang alaala kundi ang isang bangungot na maglalaho rin pagmulat ng mga mata nila.. Gawin mo akong isang panaginip" usal ni Serrina

Sunod-sunod na pagyanig ang naramdaman at gumuho ang lahat.. 

Nagmulat ng mata ang babae at lumabas sa kwarto.. Pinigilan siya ng mga nurse pero hindi ito nagpatinag

" Black City.. Cursed eye.." mahinang sambit ni Serrene

Nagliwanag ang mata nina Irene, Rain at Reine sa maikling panahon ng lila samantalang sina Aquira at Drian naman ay pula.. Binati si Serrina ng dalawang doktor na sina Azrielle at Angelo.. Nakita niya kung paano nagmatang lobo ang mga ito..

" Ang pangatlong hiling at invalid.. Kaya binago ko ang hiling.." usal ng babae

" Sino ka?" sambit nilang tatlo

" Ako? Ako si Serrina Diesse Gunversil, ang anghel na magbibigay ng tatlong kahilingan na iisa lamang ang kapalit" usal ni Serrina

" Ang ikatlong hiling ko ay.. Gawin mo akong anghel na hindi nauubusan ng kapangyarihan upang tumupad ng kahilingan bilang na iisa lamang ang natatanging kapalit" biglang usal ni Serrene

Nginitian siya ni Serrina at lumapit sa mga ito.. Hinawakan niya ang ulo ni Reine at Rain saka nilingon si Red

" Bilang kapalit, mahalin nyo ako sa paraang minahal nyo ako sa panaginip nyo" wika ni Serrina

Niyakap siya nilang lahat.. Isang lalaki ang nagsindi ng sigarilyo subalit bago pa iyon masindihan ay hinigit iyon ng isang bata..

" Hindi ka makakarating sa langit kung parati kang maninigarilyo!" awat ng bata

" Bakit ba siya ang napili mo?" tanong ng lalaki

" Tapos na ang kwento.. Tayo na" nakangiting wika ng bata

" Hindi mo sinagot ang tanong ko" wika naman ng lalaki

" Bakit? Parang tinanong mo na rin ang rason kung bakit nagkaroon ng tunay na pagmamahal sa mundo" usal ng bata

" Walang eksplanasiyon, isang misteryo" nakangiti nitong wika at naglaho na

~~~~~~~~~~~~THE END~~~~~~~~~~

Salamat sa pagtatiyaga sa walang kwentang kwento ko.. :P... Alam kong nabored kayo.. Hanap na ng ibang story uli... Hahahaha..

Guns and Swords Online: Black PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon