*JANELLA*
I immediately went down the dining hall, overlooking the calm blue sea.
Everyone are eating their breakfast already, I slowly approached them.
"Good morning everyone" I greeted them with a lazy smile.
Napatingin naman sila sa'kin habang inirapan lang ako ng manipis na intsik.
"Dito ka na maupo" sabay na wika ni Elmo at Dylan habang iniusog ang chair sa tabi nila.
Masama ang tinging ipinukol ni Elmo kay Dylan habang naghahamon naman ang tingin ni Dylan.
Pinagtinginan silang dalawa ng mga kasama naming crew.,
Kahapon pa sila nagbabangayan, hindi magkasundo sa photoshoot at laging nagsasagutan.
I'm thankful na kahit ganunpaman, natapos pa rin namin ang lahat ng kakailanganing shots.
Tiningnan ko si Zia at pasimple niyang tinuro si Dylan.
Lumapit ako sa kinaroroonan ni Dylan at umupo sa katabi niyang seat.
"Thank you" I told him with a warm smile.
Ngumiti lang din siya. Kinuha niya ang plato ko at sinalinan ng kanin. Nilagyan din niya ng scrambled egg, hotdog at bacon.
Napalingon ako sa gawi ni Elmo na nakaupo sa tapat ko.
His expression is dark, looking at Dylan na pinagsisilbihan ako.
Ano na naman kaya ang drama ng CEO na'to?
His gaze shifted towards me, my lips twitched into a teasing smile.
Gigil niyang tinuro ang upuan sa tabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at nginitian.
He made a scowl before he gulped his glass of water at once.
Kahapon pa weird tong si Mr. CEO, bigla na lang nagagalit at nawawalan sa mood.
"Here eat this Jea" nakangiting wika ni Dylan habang inilapag ang plato kong may lamang pagkain.
I turned to his side and uttered a sincere thanks.
"Aheem..."
Napalingon kami kay Elmo na nakatingin sa'kin habang namumula ang mukha.
Nakatuon ang buong atensiyon namin sa kanya habang hinihintay ang sasabihin niya.
"Ahm...ahm.." putol putol na wika niya na tila nagdadalawang isip kung sasabihin ba ang nasa isip niya. " G-gusto mong mag k-k-ape? G-gatas, juice or tea? Ipagtitimpla na kita Ms. Salvador" he said in a shy tone habang sobra ang pamumula ng buong mukha niya at tenga.
Tuluyan na akong napangiti habang nakatingin kay Elmo.
Ang sarap picture-an ng namumulang Elmo Magalona, sobrang cute niya!
Binalewala ko ang pasimpleng pag-ismid ng manipis na instik.
Mamatay ka sa inggit manipis na intsik!
"Coffee, I want it black Mr. CEO" nakangiti kong wika sa kanya.
Elmo plastered a big smile on his face as he stood up from his seat.
"Ako na ang magtitimpla ng kape ni Jea" biglang pigil ni Dylan kay Elmo.
Napasimangot akong lumingon kay Dylan.
Minsan lang maging sweet si Mr. CEO kaya naiinis ako sa pag epal ni Dylan.
"Pag ako di nakainom ng tinimplang kape ni Mr. CEO, ihuhulog kita sa bangin mamaya" pabiro kong bulong kay Dylan.
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (Under Revisions)
RomanceNoon pa lang, may paghanga na siyang nararamdaman para sa batang CEO ng ZAP OVER kaya hindi siya nag-atubiling tanggapin ang offer ng kompanya niyo para maging brand ambassador ng clothing line nila kahit nakaabot na siya sa international scene sa l...