*JANELLA*
"I-delete mo yan, makakasira yan sa image ko" nakasimangot na wika ni Elmo habang nakatingin sa bagong kuha naming selfie.
Ilang araw na kaming ganito pagkatapos ng charity event ng Zap Over.
Hindi na siya palaging masungit sa'kin at lagi kaming magkasama maglunch sa loob ng office niya. Katulad lang ngayon.
Galing ako sa isang photoshoot para sa isang high fashion magazine cover at dumiretso na ako papunta dito para maglunch.
I don't want to assume things, wala namang sinasabi si Elmo sa'kin.
Yes, he's been sweet and caring to me the past few days but I don't want to put meaning on all of that.
Ayokong paasahin ang sarili ko.
Ayokong paasahin ang puso ko.
Pero sa ginagawa ko ngayon, hindi ba yun pagpapaasa sa sarili ko na baka meron?
I shake off my head to stop all these kind of thoughts.
Just don't make a big deal out of this, just go with the flow Jea
Tiningnan ko si Elmo na seryosong nginunguya ang pagkain niya.
I snatched the phone from his hand and look at our latest selfie.
Hindi ko mapigilan ang pag-alpas ng tawa mula sa bibig ko ng makita ang mukha niya sa picture.
With an annoyed look, he took the cellphone from my hands and delete the photo.
"Aish, why did you delete that?" nakangisi kong wika sa kanya.
He looked at me with narrowed eyes. "You're laughing at me Ms. Salvador"
Pinaikutan ko siya ng mata. "Hay naku Mr. CEO, hindi ka naman kasi ganyan ka perfect para hindi ka magkaroon ng bad angle sa ilang pictures" natatawa kong wika sa kanya.
Lumukot ang mukha niya sa sinabi ko.
"Pero may crush ka naman sa'kin" mahina niyang bulong habang nag-iwas ng paningin.
"Ano yung sinabi mo? Di ko masyadong narinig eh" kunwa'y tanong ko kahit narinig ko naman ang sinabi niya.
"Wala, kumain ka na diyan" wika niya na hindi tumingin sa gawi ko.
Mahirap pa rin siyang basahin.
I lower my head towards the food. "Hindi naman kasi perfect na lalaki ang hinahanap ko" I whispered loud enough for him to look at me.
I met his gaze and locked eyes with him.
Walang umiimik sa'ming dalawa at nakatitig lang sa isa't isa.
Nang ma conscious ako sa pagtitig niya sa'kin, I cleared out my throat and smiled to him.
"Let's take another selfie again" I took out his cellphone and moved towards his side.
I felt his eyes following me and tried to ignore it dahil nacoconscious ako.
All my life, I have been always secured with myself. My confidence never falters.
Pero pag kasama ko si Elmo, nawawala yung kompyansa ko sa sarili. Pinapakita ko sa mga tao na confident ako but deep inside maraming 'what ifs' na hindi ko masagot sagot.
Hindi ko na alam kung ano na ang estado ng puso ko ngayon.
Ayokong alamin.
Ayokong aminin.
...dahil natatakot ako na baka walang katugon yun.
"Oh akala ko ba magseselfie tayo Ms. Salvador?" biglang wika ni Elmo kaya napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (Under Revisions)
RomanceNoon pa lang, may paghanga na siyang nararamdaman para sa batang CEO ng ZAP OVER kaya hindi siya nag-atubiling tanggapin ang offer ng kompanya niyo para maging brand ambassador ng clothing line nila kahit nakaabot na siya sa international scene sa l...