*AIDEN*
"Good morning Aiden" nakangiting bati ni Courtney sa'kin at bumeso pagdating ko sa set.
Napakunot noo ako ng makita siya.
Himala at hindi late ang babaeng 'to ngayon.
"Mabuti't hindi ka late ngayon Ms. del Rama" pakutya kong komento.
Ngumiti lang siya ng matamis sa'kin.
"Of course, I don't want to be late on the first day that we're going to work together. Besides, I don't want you to have an impression that I'm unprofessional." she reasoned out at umupo sa tapat ng make-up area.
"Wow, you actually thought of that pero ilang beses kang late sa meetings at appointments natin." I smirked at her.
Agad na sinimulan ang pagme-make up sa'ming dalawa habang umiinom ako ng mainit na kape.
"Well, sabi ko nga sayo noon, depende yun sa mood ko. At nasa mood ako ngayon na pumunta ng umaga kasi inspired akong pumasok" nakangiti niyang wika.
I caught a glimpse of her smiling face at the vanity mirror in front of us.
I look at her in the mirror with a creased brow. "And why are you inspired, Ms. del Rama?" pasimple kong tanong sa kanya habang humihigop ng mainit na kape.
"Ikaw. I'm inspired to work dahil kasama ko ang long-time crush ko sa isang pictorial." nakangiti niyang wika making an eye-to-eye contact with me through the mirror.
Nalagok ko ng di-oras ang mainit na kapeng iniinom ko.
I cursed and frantically fanned my tongue when I felt the scorching sensation in it.
Nilapitan ako ni Courtney at hinawakan sa braso. Napaigtad ako ng parang napaso ako sa paglapat ng kamay niya sa katawan ko.
"Hey, what's wrong?" nag-alalang tanong ni Courtney sa'kin.
I looked at her sharply.
At anak ng talipandas nagawa pa niyang tumawa sa harapan ko.
"Ba't ka ganyan makatitig sa'kin? Why? Did I say something wrong? Don't tell me napainom ka ng di-oras sa kape mo dahil sinabi kong crush kita?" sunod-sunod na tanong niya with matching nakakaasar na mukha.
I glowered at her.
Pero hindi man lang natinag ang babae, sige pa rin siya sa pagngiti ng nakakaloko.
"Don't tell me Mr. CEO, naiilang ka pag may nagsasabing may nagkacrush sa'yo? Or first time na may umamin sa'yong may nagka-crush sa'yo?" pagtatanong niya ulit.
Ang kulit talaga ng babaeng 'to!
"Can you please shut up Ms. del Rama?" I wryly told her.
Her eyes widen. "What? Are you uncomfortable with the topic? What's wrong with that? Crush lang naman, it's not like I said I love you" pagdadaldal pa rin niya.
Napalingon ako sa kanya and scowled at her.
"What? Don't tell me allergic ka din sa word na I love you? Normal ka pa ba ha? Don't tell me affected ka sa'kin? Alam mo ba, sabi nila if affected daw meaning may feelings din? Crush mo din ako noh? Aminin mo na kasi Mr. CEO, di kita pagtatawanan promise and I would understand ba't ka attracted sa'kin dahil talagang maganda naman ako" pangungulit pa rin niya sa'kin habang tinutusok tusok ang tagiliran ko.
This girl is a hopeless case!
Tumayo na lang ako, there's no point of arguing with her dahil hindi kami matatapos sigurado. "Tapusin niyo na ang pagmamake-up at pagbihis sa kanya so we can start right away." bilin ko sa mga staffs na nandun.
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (Under Revisions)
RomansaNoon pa lang, may paghanga na siyang nararamdaman para sa batang CEO ng ZAP OVER kaya hindi siya nag-atubiling tanggapin ang offer ng kompanya niyo para maging brand ambassador ng clothing line nila kahit nakaabot na siya sa international scene sa l...