JANELLA's POV
Paris, France
"Yes! Keep going Jea! That's right. That's right. Now with a sensual look. Yup, that look!" sunod-sunod na sigaw ng french photographer sa akin.
This is my first photoshoot ever since I stepped in Paris.
Mag-iisang linggo na din ako dito.
Isang linggo magmula ng nilisan ko ang Zap Over.
Masaya naman ako sa naging desisyon ko.
Masaya nga ba?
Hay, tigilan mo na nga yang kakaisip ng ganyan, mag focus ka na lang sa shoot.
Hindi mo kailangan ng kahit anong distractions ngayon.
And most importantly, you should definitely stop thinking about him dahil siguradong isang married man na siya ngayon and probably on his honeymoon with that Chinese girl.
Kasunod nun ang paglitaw ng mukha ni Elmo sa isip ko, ang masungit niyang mukha, yung laging nakasimangot nyang mukha tuwing kinukulit ko siya, yung mukha nyang nalilito nung tanungin ko siya tungkol sa eyebags niya. Napangiti naman ako ng maalala yun.
I terribly missed him.
"I like you."
Naalala ko naman ang sinabi niya nung nandoon kami sa rest house niya.
He admitted he liked me and how his simple confession made my heart flutter.
Looking back, there's absolutely nothing to be happy with that confession.
Elmo doesn't like me enough para hindi tuluyang magpakasal sa intsik na 'yun.
Ang tanga ko, ang tanga tanga ko for thinking na baka meron pang chance na mauwi pa sa mas deeper feelings ang meron kami.
Pero wala eh, hinayaan niya akong mawala sa kanya.
At ang mas masakit dun, parang wala lang sa kanya ang pag-alis ko.
'Di ba siya affected? Kasi ako, halos gusto kong bawiin ang desisyon kong umalis ng Pilipinas.
"Janella? Janella? Still with me?"
Our French photographer's voice snapped me out of my thoughts.
Dali-dali ko namang nilingon ang photographer namin.
And this is what I mean when I sa don't need distractions.
"You can now hear me?" tanong nito sa'kin.
Napahiya naman ako sa tinuran ng photographer namin. Nasa gitna ako ng shoot and I allowed myself to be out of focu
At dahil pa sa isang lalaking walang paki sa'kin.
"Yes Benoit, I'm really sorry if I seemed to be out of focus right now." Hingi ko ng paumanhin sa photographer.
He shook off his head and smiled. "No, don't worry I'm not mad. In fact, I wanted to tell you that whatever is on your mind right now, whatever you're thinking, can you keep it until the end of our shoot? Your frames totally looked amazing, let me show you" wika nito at iniumang sa mukha ko ang camera.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Kuhang kuha sa bawat frame ang emosyon sa mukha ko, every frame has a story to tell. Nandoon ang lungkot, saya at panghihinayang.
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (Under Revisions)
RomanceNoon pa lang, may paghanga na siyang nararamdaman para sa batang CEO ng ZAP OVER kaya hindi siya nag-atubiling tanggapin ang offer ng kompanya niyo para maging brand ambassador ng clothing line nila kahit nakaabot na siya sa international scene sa l...