JANELLA's POV
Tsk, ang bigat-bigat naman ng lalaking ito.
Himutok ko habang inaalayan sa paglalakad ang lasing na si Elmo patungo sa guest room ng bahay namin.
Wala akong choice kundi ang dalhin siya rito dahil hindi ko alam ang address niya, hindi ko rin naman pwedeng contact-in si Tita Pia dahil baka malaman naman ni Tito Francis at magkagulo pa, lalo na't kakaanunsiyo lang ng engagement ni Elmo at ng manipis na intsik na yun.
Nasa tapat na kami ng pinto ng guest room at pinipilit ipasok ang susi sa room.
"Pwede ba Elmo, wag ka ngang maglikot! Nahihirapan akong buksan ang pinto." Mariin kong wika sa nakapikit na Elmo.
He only answered in rambling words.
Napailing na lang ako.
Ano kaya ang nakain nito at biglang naglasing?
"Jea?"
Agad akong napalingon sa kaliwa ko at nakita ko si mama patungo sa'kin, sakay sa wheelchair niya.
Her gaze shifted from mine to the guy beside me.
She gave me a questioning look.
Ina-adjust ko naman si Elmo na para atang mas bumigat pa sa balikat ko.
"Ah, Ma si Mr. Magalona po, CEO ng Zap Over company. Yung clothing line na ini-endorse ko po ngayon." Pakilala ko kay Elmo kay Mama.
"A-aaw i-i-is-hh t-th-at yo-o-u-r M-m-mooom, Ms. Shal-va-dhoor?" biglang wika ni Elmo na akala kong tulog na.
Tiningnan ni Mama si Elmo.
"Ganun ba Jea? Mukha atang lasing na lasing siya?" tanong ni Mama na may halong pagdudududa. "Anyway, ipasok na natin siya sa room para makapagpahinga na ang bisita mo."
Napatango na lang ako.
Lumapit si Mama at kinuha ang susi mula sa kamay ko. Siya na rin ang nagbukas ng pinto habang inaalayan ko pa rin si Elmo na pasuray-suray na sa paglakad.
Dahan-dahan kong inihiga si Elmo sa kama. Tinulungan na din ako ni Mama na ayusin sa pagkakahiga si Elmo.
"N-n-naaayssh t-t-to m-m-meet yoou p-p-pho T-t-t-ita." Biglang sambit ni Elmo na nakatingin sa gawi ni Mama.
Gago talaga.
Hindi na sumagot si Mama at kinumutan na si Elmo. Elmo let out a groan then he drifted to sleep.
Tahimik ko lang tiningnan si Elmo.
Naguguluhan pa rin ako. Bulabog ang isip ko.
"Jea, samahan mo nga ako sa kusina." Pukaw ni Mama sa malalim kong pag-iisip.
Napatango lang ako kay mama at nilapitan siya para itulak ang wheelchair niya.
I glanced at his sleeping figure before I closed the door.
"Jea?"
"Yes, mom?" sagot ko sa kanya habang tulak tulak ko ang wheelchair niya patungo sa kusina namin.
"I want you to be honest with me. Who's that guy?"
Pansin ko ang seryosong tono ni Mama sa tanong na yun. Itinigil ko si mama sa tapat ng dining table at walang imik na lumapit as fridge at nagsalin ng malamig na tubig sa baso at inilapag yun sa tapat niya bago ako umupo sa isang silya katabi ni Mama.
"Mom, I told you CEO siya ng Zap Over." Sagot ko kay Mama. Alam kong hindi yun ang sagot na hinahanap ni Mama sa tanong niya. Alam kong may pahiwatig ang tanong ni Mama pero di ko yun kayang sagutin dahil isa din yun sa mga tanong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (Under Revisions)
RomanceNoon pa lang, may paghanga na siyang nararamdaman para sa batang CEO ng ZAP OVER kaya hindi siya nag-atubiling tanggapin ang offer ng kompanya niyo para maging brand ambassador ng clothing line nila kahit nakaabot na siya sa international scene sa l...