Teach him 4

59 8 0
                                    

New school

Azeela's POV

"Ano ba? Nababaliw na ba kayo?" Tanong ko sa kanila nang madatnang nagsisigawan sa sala at hindi lang iyon, ang kalat nanaman!

"Hoy! Bakit hindi mo ako pinuntahan!?" Sigaw ni Grey nang makita ako tsaka tumakbo palapit sa akin.

Kumunot naman ang noo ko

"Saan naman kita pupuntahan?"

"Az! 'Yong pinabili ko!?" Dinig kong sigaw ni Jeth habang nakikipag-asaran kay Yaseen. Si Yaseen naman halatang ayaw na sa earth. Hahaha

"Hoy, ako unang nag-tanong!" Sigaw ni Grey dito kaya naman nalingon uli ako sa kaniya.

"Ano ba iyon?" Tanong ko sa kaniya. Tinaliman naman ako nito ng tingin. Minsan niya lang gawin iyan kapag naiirita. Madalas kasi ang lakas ng topak niya. Sira ulo.

"Binasa mo ba text ko?" Tanong nya. Bigla ko namang naalala na nag-text siya kanina kaya kinuha ko phone ko sa bra ko.

"Wtf" mahinang inaing niya nang makita iyon pero hindi ko nalang siya pinansin tsaka binuksan ang screen. Agad ko namang hinanap ang text niya at binasa iyon

PuNtaHan mE aKezcsS sa mAlL nEGrA

Nagsimula naman akong mag-type

HinDe AkezcSs MeKekEUntAkCzS

Bigla namang tumunog ang phone ni Grey at nakita kong kinuha niya iyon mula sa bulsa ng brief niya.

"Wtf" nasambit ko. Naka topless kasi siya kaya doon ata nalagay sa ano niya iyong ano.

Maya maya biglang may nag-pop up mula sa phone ko. Binasa ko iyon

BAkEt YoU nOt sAy :(

Gagu.

Itinago ko nalang sa bra ko ang phone ko tsaka sya hinarap

"Bakets ba nag-tetexts pa uzcs?" Ay! Hayan pati ako naging Jeje. Nilingon niya naman ako tsaka sinamaan uli ng tingin

"Bakit hindi mo ako pinuntahan?" Tanong niya. Napaikot naman ang mata ko

"Galing ako doon, kaso wala ka" Pagsisinungaling ko sa kaniya tsaka pinakita ang mga dala. Namilog naman ang mga mata nito. "Bakit ka ba kasi pumunta ka doon?"

Nilingon niya naman ako tsaka ngumisi "Chx bunso, Chx" tsaka sya humagalpak sa tawa.

"May sarili ka namang paa, bakit hindi ka naglakad?" Tanong ko sa kaniya tsaka siya nilagpasan at nagtuloy tuloy na sa sala. Sinalubong ako ni Jeth

"Paki mo ba?" Sambit nto tsaka inagaw ang hawak ko. 'Yong iced jem ang nakuha niya.

"Hoy! Akin iyan!" Sigaw ni Jeth kay Grey. Hinagis niya naman sa mukha niya iyon tsaka humagalpak ng tawa. Mabilis itong tumakbo papuntang kusina. Hindi nalang siya pinansin ni Jeth na ngayon ay naglalaway na sa iced jem. Nakita ko pang naglakad ito papuntang kusina kaya naman hinayaan ko nalang siya.

Pumunta ako sa tabi ni Yaseen sa mahabang sofa tsaka umupo.

"Ayaw mo na sa earth?" Natatawang tanong ko tsaka inilapag muna ang mga pinamili sa sahig. Nilingon niya iyon tsaka kinuha. Nangalkal siya ng kahit anong magustuhan niya at ng makita ang piatos, agad niya iyon binuksan at kinain

Napanganga nalang ako at napailing. Walang kwentang kausap kahit kailan. Mag patawag na kaya ako ng manggagamot? Baka nasaniban siya ng isang yokai.

Teaching Mr. Nerd Become A Badass (Editing)Where stories live. Discover now