Teach him 23

27 3 0
                                    

The date

Azeela's POV

Kinaumagahan ay agad na akong bumangon sa higaan ko at dumiretso na sa banyo para maglinis ng katawan. Nang matapos ay agad na rin akong nagbihis at lumabas ng banyo. Niligpit ko na rin ang higaan ko, pero natigilan nang makita ang mga buhok na nagkalat sa unan ko.

"Tss, dumadami na ata ang alaga ko sa tuktok kaya pati buhok ko ay sumusuko na" I wonder kung may kuto ba si Samara?

Nang matapos ay bumaba na ako at kumain. Matapos 'yon ay nagpaalam na ako sa kanila na aalis na. Nagtanong pa sila nung una kung hindi daw ba ako susunduin ni Fukiko, sinabi ko nalang na ayaw nyang maging driver ko.

Nang makarating sa school at makapasok sa room ay sinalubong na agad ako ni Samara

Bigla kong naalala 'yung buhok na nasa unan ko kanina, baka nga may kuto si Samara kaya lumayo ako ng bahagya.

"Good morning!" Maligayang bati nito, tinanguan ko naman sya "Ay, meron ka? Sungit natin ngayon, ah?" Pagbibiro pa nito pero hindi ko nalang pinansin.

"Hey, are you okay?" Singit ni Fenis na kararating lang rin. "Where's---"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at dumiretso na sa upuan ko. Alam ko naman kasing si Fukiko lang ang itatanong nya.

"Hmm, LQ?" Pang-aasar pa ni Fenis nang makaupo pero hindi ko nalang uli siya pinansin.

"Shh, hayaan nalang muna natin siya. Mukhang wala siya sa mood" Suway ni Samara kay Fenis. Tumahimik naman ito. Good.

"Hey, guys!. Guess what? May meeting mga teachers!" Masayang sigaw ni Fasionista nang makapok sa room na siya namang nakaagaw nang pansin namin.

"Ows?. 'Wag kami!"

"Totoo?"

"Wee!? Sinungaling ka, ah!"

Kanya kanyang halinghing ng mga kaklase ko.

"Ayaw niyo maniwala? Sige, ilabas niyo lecture niyo. Bahala kayong magsulat nang napakahaba" pang-uuto nito tsaka inilabas ang librong nakatago pala sa likuran niya.

"Hala, hindi ka mabiro?!"

"Wait, halika ililibre kita. Dali!"

"Yiiiieee, papayag na 'yang hinayupak na 'yaan"

Aniya pa ng mga kaklase ko

"Mga lapastangan!" Sigaw naman nito tsaka humalakhak, ganoon rin ang iba.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwan niyon ang lalaking ayoko munang makita.

Natigilan ang lahat dahil sa dilim ng awrang dala niya. Kahit ako ay nagulat, ngayon ko lang siya nakitang ganiyan.

Nakatitig ito sa akin pero maya maya ay naglakad ito dala ang malalaking hakbang palapit sa akin. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Nang makarating ay padabog nitong ipinatong ang dalawang kamay sa desk ko na ikinagulat naming lahat.

"Ba-bakit--"

"Let's talk" seryosong usal nito na mas lalong nagpabilis ng bitok ng puso ko. Ponyeta, ano nanaman bang kasalanan ko?

Teaching Mr. Nerd Become A Badass (Editing)Where stories live. Discover now