Teach him 15

21 3 0
                                    

The kiss

Azeela's POV

"A-a- ano ba 'yan, natatae lang pala ako!?" Sambit ko sa sarili ko nang biglang mawala ang pananakit ng tyan ko

"Az!, okay ka lang!?" Sigaw ni Samara nang mahalata nya ata ang reaksiyon ko

Tumango tango naman ako "Natatae lang!" Sigaw ko tsaka natawa

"Baliw!"

Nang makarating sa mall ay pina-una ko na silang ma-mili habang ako ay pumunta sa palikuran. Nang makapunta ay pumasok na ako tsaka isinagawa ang ritwal.

"Jamie, may pinagkaka-guluhan ngayon na gwapong Guy!. Kyah!" Maya maya'y dinig kong wika ng isang babae

"Gaga! Kasama mo ako kanina!. Duh" dinig kong aniya naman ng isa pang babae

"I know! Bilis! Halika na, puntahan uli natin!" Muling sigaw nang naunang nag-salita sa kanila. May nadinig naman akong nag bukas sara ng pinto at malamang ay naka-alis na sila.

"Tss, mga manyak. Haha" aniya ko sa sarili ko pagkatapos mag-linis. Lumabas na ako ng banyo tsaka dumiretso na sa labas. Kinuha ko naman ang cellphone ko para i-text si Samara kung nasaan na sila.

Nang ma-send ko iyon ay tsaka naman tumunog ang cellphone ko.

"Hello-"

"Az!, si Fukiko--!"

"H-ha?! Hello? Hello!? Samara!?" Takang tawag ko kay Samara nang mamatay ang tawag

"Fukiko? Anong kalokohan nanaman, tsk"

Dali dali akong naglakad para hanapin ang tatlo hanggang sa makarating na ako ng parking lot pero hindi ko sila makita!

"letchugas barabas! nasaan na ang mga 'yon?"  Iritang napakamot ako sa ulo ko at nagpapapadyak  hanggang sa may marinig akong nagsisigawan na mga babae papalapit sa kinalalagyan ko

"kyaaah! ang gwapo moo!" isa sa mga nadinig kong tili

"Can i get your number, kyah?"

"Waah! anakan mo po ako!"

Hanggang sa hindi ko na nga natiis at nilingon ko na sila

"Azeela!?-- help me!" Aniya ng isang lalaki habang hinahabol sya ng mga babae

"A-ako? sino daw?" 

What the fudge? paano ako nakilala ng isang gwapong nilalang na 'to? what happened this days? nagte-take ba ako ng drugs?-- teka, s'ya siguro'yung pinag-uusapan nang dalawang babae kanina sa CR? 

Napaatras ako ng bahagya nang mapagtanto ko na palapit sila nang palapit sa direksiyon ko

"kyaah!" 

"What the-" Tatalikod na sana ako para tumakbo pero huli na ang lahat, may humigit na sa kaliwang  bewang ko at hinila ako tsaka dinala kung saan dahilan para mapa-pikit ako sa gulat.

 Maya maya'y naramdaman ko nalang na unti unti akong umaangat para maging dahilan ng pagdilat ko

"Ahh!" sigaw ko nang malamang nasa balikat ako ng kung sino mang nilalang ang humila sa akin kanina!. Nakaharap ako sa likuran nya kaya hindi ko makita ang pagmumuka ng impaktong 'to.

"Ibaba mo ako!" suway ko dito staka sya sinimulang paluin sa likod. Wala akong pakialam kahit malaglag ako, mas mabuti nang mahulog kesa mamatay sa karumaldumal na krimen na gagawin sa akin nang lalaking 'to.

Teaching Mr. Nerd Become A Badass (Editing)Where stories live. Discover now