Teach him 7

38 6 0
                                    

Trouble


Azeela's POV

Walang kukurap. Walang iimik. Walang gagalaw. 'Yan ang larong ginagawa namin ngayon. Nakatunganga sa isa't isa habang nasa mahabang lamesa at naghihintay ng milagro

"Gugunaw na ang mundo, nakanganga parin kayo" basag ko sa katahimikan.

"You are Samara, 'ight?" Nagliliwanag ang mga mata ni Jeth ng tanongin niya si Mercelo.

Kaya pala pamilyar siya, siya iyong nakabangga ko no'n sa mall at siya din 'yong nagturo sa akin kong saan ang banyo.

Tss, tignan mo nga ang pagkakataon. Napaka-mapang-akit.

"Yes, you're Jethrio right? Nice to see you again" nakangiting aniya

Nakasalubong ko kasi siya kanina nang puntahan ko sila Jeth at Yaseen kaya sumama na siya. Pito kaming narito ngayon sa mesang inakupahan namin kanina ni Zhyrion.

Ako, Fukiko, Fenis, Jethrio, Yaseen, Samara at Zhyrion.

"Kaklase mo pala kapatid ko?" Tanong pa ni Jeth

"Umm, yeah. Small word ika nga" Natawa siya

"Yeah. Pinagtatagpo tayo, hihi" mukhang tangang aniya ni Jeth tsaka binatukan si Yaseen na wala namang gigagawa

Ngayon alam ko na kong kanino ako nag-mana.

"Problema mo?" Poker face nitong hinarap si Jeth

"Ampangit mo talaga" tsaka siya humagalpak sa tawa

"You dingle" ungot pa ni Yaseen tsaka nagsalpak ng headset. Sumandal ito sa upuan niya tsaka humalukipkip at ipinikit ang mga mata.

Maya maya pa ay dumating na sina Fukiko, Fenis at Zhyrion dala ang mga pagkaing-in-order ng mga kumag na kasama ko. Ang totoo kasi niyan naka-order na si Zhyrion ng pagkain kanina. May pagkain nadin ako kaso sabi sabay sabay nalang daw. Sa katamaran kasi ng mga kumag na naiwan, iyong tatlo na ang nagprisintang bumili. Tss, Nahiya pa pwet nila.

Nang mailapag ang pagkain sa lamesa ay kusa nang tumabi si Zhyrion sa kanan ko. Si Fenis ang kaliwa, katabi niya si Fukiko. Sa harap ko naman ay si Jeth, sa kaliwa niya ay si Samara at sa kanan niya naman ay si Yaseen.

Nagsimula na kaming lahat sa pagkain pero si Jeth napapansin ko laging nakatingin kay Samara.

He he, I have an Idea.

"Jeth" tawag ko sa kaniya. Nilingon nya naman ako

"Sino si Aubrey? Bakit ang dami niyang poster sa kwarto mo? Girlfriend mo?" Pagbibiro ko.

Unti unting nanlaki ang mga mata nito kasabay ang  pagmaang ng bibig ko. Ako naman ay pinipigilang humagalpak sa tawa.

Totoo iyon. May nakita akong poster ng isang babae na naka- bikini pero hindi ko kilala. Madami iyon habang nakadikit sa wall ng kwarto niya. Noong isang araw ko lang iyon nakita, e. Hoho, huli ka.

"Wha--t the... Umm arrr. Shit" kinakabahang aniya  tsaka humarap kay Samara

"Let me explain" mabilis na sabi nito. Taka naman siyang nilingon ni Samara.

"Explain what?"

"Ummm. Hindi totoo sinasabi niya" Sabay turo sa akin "Poster lang iyon ng paburito kong model, si Aubrey...Hepburn" Kabadong paliwanag nito.

"Aubrey ba iyon? Akala ko Audrey? Tsaka, matanda na siya diba?"

"H-ha? D-d-dati, d-dati ko pa iyon. B-bata pa iyong mukha niya sa poster ko"

Teaching Mr. Nerd Become A Badass (Editing)Where stories live. Discover now