Teach him 28

15 3 0
                                    

Danger may cause changes


Azeela's POV


Napasapo ako sa ulo ko nang magising at maramdamang kumurot iyon. Sinubukan kong hilutin ang sentido ko habang nagbabakasakaling mawawala iyon at gumana naman

"A-argh!" Sigaw ng kong sino kasunod ang pag-ingay ng paligid.

"Ang ingay!. Natutulog 'yung tao, mga hinayupak!" Suway ko sa kanila habang pikit parin ang mga mata.

"F-fuck"

*Blag!*

Naimulat ko ang mga mata ko nang mag-sink in sa utak ko ang mga nangyayari. Agad akong napabalikwas ng tayo at lumingon sa paligid. Nakaramdam naman ako ng hilo dahil doon.

Nang nakapag-adjust ang paningin ko ay tsaka ko palang napagmasdan ng maiigi ang mga nangyayari. Nakita ko si Ah na nakikipag suntukan sa dalawang lalaki habang may isa pang lalaking papalaput na nagbabadyang saksakin siya

"Ah!" Sigaw ko nang makitang susuntukin siya sa sikmura ng nasa gawing kanan niyang lalaki pero nakaiwas siya. Napatumba na nito ang isa habang ang isa ay binabanatan niya ng suntok na para bang sanay na sanay siya sa pakikipaglaban.

Napalingon ito sa gawi ko nang matalo niya na rin ang isa pa "Azeela, duck!"

Nagtaka ako sa sinabi niya kaya nilingon ko ang paligid pero walang nakitang bibe. Tsk, nanganganib na't lahat pagkain pa rin ang iniisip---

Natigilan ako nang mapunta ang paningin ko sa lalaking may hawak hawak ng patalim at palapit na siya ng palapit kay Ah, kaunti nalang at masasaksak na siya!

"Ah, look out-- ugh!, pu-puny---yeta" huli kong nasambit bago tuluyang mandilim ang paningin at muling mawalan ng malay.

*dug dug* *dug dug*

"Azeela!. Fuck!"


*

Naalimpungatan ako nang tumapat sa mukha ko ang init na dala ng araw. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at inilibot ang paningin. Tumambad sa akin ang isang napakalawak at hindi palimyar na silid.

Bigla akong napahawak sa kalibang parte ng leeg ko nang maramdamang kumurit iyon.

Bakit ba---

Nanlaki ang mga mata ko nang maaalala ang mga nangyari kagabi at napabangon mula sa pagkakahiga.  Tatayo na sana ako at maglalakad palabas ng silid nang biglang bumukas ang pinto n'on. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang si Ah lang pala iyon at may dala dalang tray ng pagkain.

"Oh? You're awake. Here, I'll cooked you some lunch" alok nito habang naglalakad palapit sa pwesto ko. Ako naman ay napaayos ng upo.

"How are you? Nahihilo ka ba? The doctor said you need to rest for at least 24 hours. Mabuti nalang at hindi ganoon katindi ang pagkakapalo sa leeg mo. Alam na rin ng parents mo ang nagyari sa iyo" Sambit nito.

"Ahh, 24 hours--- 24 hours!? Lunch!? A-anong oras na!? Late na tayo!" Tarantang sigaw ko at biglang napahawak sa leeg nang sumakit iyon.

"I said rest, hindi ko sinabing sumigaw ka" suway nito nang makarating na sa wakas sa pwesto ko at ibinigay ang tray ng pagkain. Pinagmasdan ko iyon at nakita ang kanin, chapsuy, pritong isda at adobong manok at juice. Bigla naman akong natawa nang may maalala sa adobong manok

Teaching Mr. Nerd Become A Badass (Editing)Where stories live. Discover now