Teach him 8

28 6 0
                                    

Lunatics

Azeela's POV

"Anong kaylangan nyo?" Matapang na tanong ko

Naramdaman ko namang humigpit ang pagkaka-hawak sa akin ni Samara kaya nilingon ko sya

"I can handle this" paninigurado ko sa kanya

"A-ang dami nila, h-hindi mo sila kaya!" Bulong nya sa akin "'Wag nalang tayong lumaban, baka maawa pa sila"

"G'ga, halata namang papatulan tayo ng mga 'yan" may diing sabi ko

"Seryoso ka ba d'yan!?"

"Hindi. Nagbibiro kasi ako, natatawa nga ako, e" sarkastikong aniya ko tsaka napapaikot ang matang nilingon ang mga humarang sa amin.

"Sino sa inyo si Ryou akio Fukiko?" Tanong nung isa tsaka naglakad palapit sa harap namin habang iniikot ikot sa kaliwang kamay ang baston na hawak.

Hindi sya estudyante di'to. Matangkad sya at may kalakihan ang katawan. Nakasum-blero din sya at jacket na sira sira.

Napaatras naman kami nang bahagya.

"Ang laswa nang pagkakasabi mo. Sino ka ba?" Matapang na tanong ko

Muli ko namang naramdaman ang pagkakapisil ni Samara sa braso ko dahilan para inis ko 'yong hilahin. Badtrip

"Bata, sagutin mo nalang ang tanong ko. Sino sa inyo si Ryou akio Fukiko---"

"Ang b'bo mo talaga! Sabi ko sayo 'yong Nerd na malamya kumilos, lagi nyang kasama si Fenis!" Sigaw nang isa sa kanila

Nilingon namin 'yon at nakita ang isang lalaki na naka-uniform nang tulad sa amin. Unti-unti naman itong naglakad palapit sa kinalalagyan namin.

Matangkad din sya ang kaso nga'lang payat. Naka-maskara din ito pero walang hawak na baston.

"Boss naman--"

"Tumigil ka" pigil ni'to tsaka humarap sa amin nang tuluyang makarating sa harapan namin gaya nang nauna sa kanya.

"Sya 'yon!" Maya maya'y tinuro nya si Fukiko at sinenyasan ang mga kasang kunin sya

Agad naman humarang si Fenis sa kanila upang hindi nila ito makuha

"Touch him means y'all playing with wild fire" Nakangising aniya ni Fenis nang akmang susuhod ang ilan sa kanila. Marahan pa nitong itinabi si Fukiko sa gilid para hindi makuha.

"Hoy Fenis, kong ayaw mong madamay hayaan mo nalang kami" inis na sabi nung 'boss' nila tsaka muling inutusan ang mga kasama nyang sumugod.

"Sandale!" Putol ko nang akmang magsusuntukan na sila.

Galit naman nila akong nilingon.

"Ano bang kasalanin?" Tanong ko na ang tinutukoy ay si Fukiko

"Malaki" Ang boss nila ang sumagot. Nilingon ko naman sya at nginisian

"T'nga ka. Ang tanong ko kong anong kasalanan nya, hindi ko tinanong kong malaki" sarkastikong aniya ko

"Heh! Basta malaki atraso nya sa amin!" Gigil na sigaw ni'to

"Tulad nga ng ano!?" Nang-iinis ang tono ko nang sabihin ko 'yon

"Wala kang pake! P'ta bakit ba kinaka-usap mo'ko!?" Galit na natanong nya tsaka lumapit sa harap ko

"Sino ka ba!?" Dagdag nya

"Ako, ako si Darna, sya naman si Valentina at ang dalawang 'yon ay si Ding at Dong" turo ko sa mga kasama ko

Teaching Mr. Nerd Become A Badass (Editing)Where stories live. Discover now